Chapter Twelve : TEARS

4.2K 90 3
                                    


•°•°•°•   

ARISE' POV 


" Uhmm.. Diyan mo nalang si-siya ilapag sa kama. " sabi ko habang nakaturo sa higaan namin pagkabukas ko palang ng pinto. 

Sinundan niya naman ng tingin ang hintuturo ko at binagsak na si Hunter sa Higaan. Lumapit naman ako para ayusin ang pagkakahiga ni Hunter sa kama. At habang inaayos ko siya ay pinulupot niya ang kamay niya sa beywang ko at hinila ako papalapit sa katawan niya. 

Shit. Ano ba naman tong si Hunter balak pa atang gumawa ng eksena eh! 

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nitong si Steve dahil sa ginawa ni Hunter pero mabilis  niya ring iniwas ang tingin sabay ubo. 

Nasa ibabaw ako ngayon ni Hunter at yakap yakap niya ako. Napangiwi ako ng maamoy ko siya. Amoy alak. 

" Umayos kang lalaki ka kundi mawre-wrestling kita ng wala sa oras. " mariin kong bulong sakanya at isa-isang tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot saakin. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili bago harapin si Steven na ngayon ay nililibot na ang kwarto namin. 

I cleared my throat. 

" Uhmm Steven? Steven tama ba ako? " tanong ko at tinitignan lang bawat galaw niya. 

Hawak-hawak niya ngayon ang isang frame na nakalapag sa side table namin. It's our wedding picture. Tumango lang siya habang hindi inaalis ang tingin sa wedding picture namin. 

Humakbang ako para makalapit sakanya. 

" Sa-salamat nga pala sa- " 

" For lending you my handkerchief? O para sa paghahatid ko sa asawa mo? " he snapped. 

literal naman na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Did I heard him right or.. ? 

" For lending you my handkerchief? O para sa paghahatid ko sa asawa mo? " 

paulit-ulit na nagrereplay ang sinabi niya sa isip ko. 

S-siya yun?! 

Kasalukuyan pa rin akong nasa estado ng pagkagulat ng makita ko siyang ngumisi bago niya ibinaba ang picture frame. Napatingin naman siya saakin habang di parin umaalis sa pwesto. 

Nag flashback lahat ng nangyare kanina. Tama siya nga 'yun! 

Pakiramdam ko nanigas na ako dito sa pwesto ko. Gusto kong murahin ang sarili ko. 

How can I possibly for get him?!  Ang engot engot mo Arise! 

" I-ikaw yun? " halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko ng magsalita ako. Halos iuntog ko na ang sarili ko sa dingding. 

Napaka nonsense na tanong Arise!  God!  Nanggaling na nga sakanya na siya yun eh. Aish! 

Tanging ngiti lang ang sinagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. A couple of minutes has passed at walang nagsalita ni-isa saamin. 

Napalunok ako. His eyes were saying something pero hindi ko maexplain kung ano iyon. His eyes were bright but emotionless. 

Para akong nawalan ng dila at hindi makapagsalita sakanya dahil sa nakakalunod na mga mata niya buti nalang naisip niya ng umiwas ng tingin.

Huminga nalang ako ng malalim at napapikit.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Ano nga bang sasabihin ko sakanya? 

He Who Owns MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon