Chapter Twenty Four : TERRITORIAL

3.7K 77 3
                                    


•°•°•°•  

ARISE' POV

" Good Morning ! " bati ko sa bawat impleyadong nadaraanan ko. Sa paningin ko ay pang ika-syam ko ng bati iyan. Napansin kong natigilan siya sa pagmamadali habang hawak-hawak ang ga-bundok na papeles bago ako nito ngitian na tila may halong pagtataka sa mukha. 

Napakibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa opisina ko ng may halong talon pa. Masaya kong sinalubong ang loob ng silid ko ng Good Vibes para humayo ang kung ano mang negative vibes. Kung maaari lang ay masugpo sana ang mga ito sa pamamagitan ng pagiging masaya ko ngayon. 

  Pakiramdam ko pa ay mapupunit na ang labi ko sa sobrang lawak ng mga ngiti nito. 

Hays.. sana ganito nalang araw-araw although alam kong sa bawat saya ay may kapalit na kalungkutan. I just hope everything goes well for me from now on. 

Napailing-iling nalang ako ng maalala ko ang mga huling sinabi saakin ni Hunter kagabi. At aaminin ko, hindi ko mapigilang isipin kung nanaginip lang ba ako o totoo talaga ang mga narinig ko sakanya nun. 

Gusto kong kurutin ang sarili ko ng gabing iyon para masiguradong totoo ang lahat ng mga naririnig ko mula sakanya. Pero sapat na ang boses niyang hanggang ngayon ay naglalaro parin sa isipan ko para masabi kong totoo ang mga iyon. 

Waring umatras ang dila ko at pakiramdam ko ay bumaliktad ang puso ko ng sabihin niya ng paulit-ulit na pagmamay-ari niya ako. Napapikit ako ng mariin at kinagat ang ibabang labi. 

Damn it Hunter Alonso!  Kung alam mo lang! I'd fucking love to be owned by you! 

That man.. He really knows how to play with my feelings. He sure knows how to make someone fall head over heels despite of his extraordinary charms. 

At hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may nakakalimutan ako.. para bang may mali sa mga sinabi ko. 

" Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah? "  

Natigilan ako sa pagmo-moment ng may nagsalita. Si Mia pala. Agad kong binawi ang ngiti kong parang wala ng bukas at kunware ay abala sa ibang bagay. Narinig ko siyang napa-ubo kunware habang ginagala ang paningin sa loob ng aking opisina.

Ano naman ang naisip nito at umagang-umaga ay naparito siya? Nako lang kung masuway siya ng supervisor tsk tsk! 

" Tch. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't office hour na? " pag-iiba ko dahil alam kong pang-aaasar at pangungulit lang ang aabutin ko sakanya sa oras na sagutin ko ang tanong niya. 

Knowing her? Hindi ko siya madadaan sa simpleng sagot lang kaya nakukuha pa nitong mangulit minsan ng bongga hanggang sa mapaamin ako. 

Pasimple akong umupo habang iniiwasan ang mga tingin niya. I know there's something going on with her stares kaya habang maaga pa lang ay inunahan ko na siya. I know her so well.

" Hmm.. Nakasalubong ko kasi si Sir Alonso kaninang pagkapasok ko ng building at pina-" 

" Ha? Anong sabi niya? Ano daw kailangan niya? " sunod-sunod na tanong ko at huli na ng mapansin kong napatayo na pala ako sa sa kinauupuan kong swivel chair. Shit. Paanong.. 

Nakita kong muntik ng mapatalon sa gulat si Mia dahil sa hindi niya inaasahang reaksyon ko.

" Pwede bang patapusin mo muna ako? " tanong niya kaya naman napairap nalang ako at sinenyasan siya upang magpatuloy. 

He Who Owns MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon