Chapter Twenty Two : PROMISE

3.8K 86 0
                                    


•°•°•°•   

ARISE'  POV 

Napailing-iling nalang ako. Hindi ko mapigiling mapangiti habang tinatahak ko ang lugar kung saan magaganap ang meeting ni Hunter sa mga Sy. 

Hindi ko maimagine na nakausap ko ang isa sa mga kaibigan ni Hunter. Well, except for Grim na matagal ko ng kilala. Not that much pero ganun na rin yun since he's my ex fiance. 

Akalain mo yun? Nakakausap rin pala si Steven ng matino kahit mukhang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya. I just found myself talking back at him earlier. 

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para kausapin nalang siya ng basta-basta knowing that he's the great successor of the Alejo's na isa sa mga tanyag na pamilyang nag-iiwan ng legacy sa iba't- ibang panig ng mundo. 

Swear. I can't even give a thought about it! Siguro, Hindi pa rin ako sanay sa mga nakikilala ko ngayon simula ng hamakin ko ang pang hihimasok sa buhay ng isang Alonso. Maybe because I got used with my dad who doesn't want me to care about anything unless it has something to do with me. 

One thing more is.. I saw Steven laugh as if it's his first time. Hindi ko alam kung para sa iba ay nakakamangha iyon basta para saakin ay nakakamangha ito. Lalo na ng makita ko ang paglusaw ng nakabalot na malamig na yelo sakanyang mga mata. 

Ngayon ko lang naisip na masyado ata akong naging komportable sa pakikipag-usap sakanya na maging ang oras ay nalimutan ko na. 

Geez!  Sana lang ay hindi ako makatanggap ng kung ano-anong salita kay Hunter. Nagiging halimaw pa naman yun. 

Secretary Dolores, The meeting has already started. " bungad saakin ng isang employee. Nginitian ko ito at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa silid ng meeting room. 

Tumayo ako sa gilid ng isang malaking Vase na palamuti dito sa loob. Buong board members ay nandito na at mukhang kanina pa nga nagsimula ang meeting. 

Napatigil ako ng magtama ang tingin namin ni Hunter. Napalunok ako. His stares were suffocating. Yumuko ako at umiwas nalang ng tingin bago pa ako matuod sa mga titig niya. 

Masyado ba akong nalate? 

Sumilip ako sa orasan ko. Great! I'm thirty minutes late. Note the sarcasm. Tss! Whatever. Mamaya ko nalang iisipin ang parusa. 

Wala sa sarili akong napanguso at sumandal sa dingding dahil lahat naman ng maaaring upuan ay okyupado na. 

Maya-maya naramdaman kong may tumabi sa pwesto ko pero hindi ko nalang ito pinansin. Hindi ko alam pero bigla akong nawala sa mood. Moodswings? Hindi ko alam basta ang alam ko wala ako sa mood mangi-alam sa paligid. 

Feeling ko lahat ng stress sa mundo ay pasan ko. Tss.. Kung sinuswerte ka nga naman. 

" You alright? " napalingon ako sa nagsalita. Si Nathan pala kasama ang Head ng Team nila.

I heaved sigh. Seriously ? Halata ba?  

Pinaningkitan ko siya ng mata. " Mukha ba? " sambit ko at binalik ang atensyon sa meeting kahit wala naman talaga akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila. 

He Who Owns MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon