Chapter Twenty Three : INSANE

3.5K 82 0
                                    


•°•°•°•   

HUNTER'S POV 

Nilibot ko ang aking pangin sa buong floor na kinalalagyan ko ngayon at nagpakawala ng malalim na hininga. 

Damn it Arise, sa oras na mahanap kita, itatali na talaga kita sa katawan ko! 

Sinuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. Nalibot ko na yata ang buong floor na ito sa kakahanap sakanya yet there's still no signs of Arise. 

Saan ba kasi nagsususuot yun? 

Napahawak ako sa sentido ko at tumingin sa paligid. She must've gone home. Tama, siguro nga ay nakauwi na siya. 

O maaari ring nasa opisina lang siya. Alright then, pupuntahan ko nalang ang silid niya ng makasigurado ako. Sana lang ay nandoon siya nang sa ganun ay mawala na ang namumuong kaba sa dibdib ko. 

Geez.. Why do I sound gay?!  Damn it. 

I tried to calm down but I still can't help myself from worrying. Hindi ko maintindihan ang sarili ko... naguguluhan ako. 

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. I don't usually care the heck about her but I don't know what has gotten me right now to behave this way. I bit my lower lip when I felt a slight smile trying to escape my lips. 

Buti nalang at walang mga taong sa paligid dahil kung sakaling meron man ay baka pag-isipan nila akong baliw. 

The thought of Arise being out of my sight is driving me insane. A-Ano bang nangyayare saakin? Why am I acting like this? 

Napangiti ako sa kawalan. I just thought that being insane isn't a bad idea after all when it comes to--. Aish!  Napakamot ako sa ulo ko. Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko, tch! 

Bago pa ako tuluyang mawala sa katinuan ay sinimulan ko ng humakbang papunta sa floor kung saan naka-locate ang opisina ni Arise. 

I hope she's still there.. 

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan pakiramdaman ang nakakabinging katahimikan sa floor na ito. I can't hear anything beside from my footsteps. Mukhang ako nalang talaga ang naiwan dito. 

Actually, This floor wasn't alloted for office employee's. Exclusive lamang ito para sa meetings and appointments kaya halos hindi masyadong nilulugaran ng mga tao. Masyadong malawak ang kompanya para hindi magkaroon ng space tulad ng floor na ito. It's one of our company's pride. Most especially when it comes to meeting the delegates from different countries .

Binilisan ko ang paglalakad ko. Liliko na sana ako ng may mahagip ang mga mata ko. Natigilan ako sandali ng nakakunot ang noo. 

Napailing ako. Hindi ako sigurado kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa may maramdaman akong kakaiba. 

Muli akong napatigil sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. Naningkit ang mga mata ko hanggang sa luminaw na ang lahat sa paningin ko. 

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Ramdam ko ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa mukha ko at nagpupuyos ito sa galit. My palms were balled into fists. Nagpipigil ako. 

He Who Owns MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon