Chapter Twenty One : STEVEN ALEJO

3.6K 88 0
                                    


•°•°•°•  

ARISE' POV 

Napapikit ako habang minamasahe ang aking sentido nang matapos ko na rin sa wakas ang mga ibang papeles na kailangan ireview ng kompanya. Naihatid ko na rin ang mga iyon sa stock room na punong-puno ng mga alikabok. 

Geez.. Muntik na akong hindi makahinga sa loob. Paano, mukhang wala na silang balak linisin yung silid na yun. Napailing-iling nalang ako at umupo sa isang upuan na gawa sa isang embroidered wood na mukhang bench dito sa pinaka likod ng kompanya.

Kasalukuyan akong napadpad dito dahil bukod sa pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ay gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. 

Nilibot ko ang mata ko sa kabuuan nito. 

Ilang beses na rin akong nakapunta dito pero ngayon ko lang napansin ang kabuuan niya. Mukha siyang hardin ng kompanya na napapalibutan ng mga kakahuyan at mga bulaklak na kakaiba pero ang nakapagtataka ay iisa lang ang upuan dito. 

Tanging ito lang ang nandito na natatakpan ng mga sanga at dahon ng iba pang punong nakapalibot mula sa matinding sinag ng araw. 

Pinasadya kaya ito ni Hunter? 

Napapikit ako ng tumama ang kurampot na sinag ng araw sa mukha ko.

Natawa ako. Feeling ko first time ko lang masinagan ng araw. Ang sarap sa pakiramdam.

Napakarelaxing talaga. Para akong niyayakap sa init na binibigay nito. Dapat pala lagi nalang akong pumupunta dito. Pakiramdam ko tinangay na ng lugar na 'to lahat ng stress sa katawan ko. Jusko.. heaven! 

I felt my lips curve. Automatic nalang akong napangiti sa sarap ng feeling. Feeling ko napalayo ako sa kompanyang wala ng alam ibigay kundi 'stress'. 

Nakapikit lang ako ng buong oras hanggang sa may maramdaman akong kakaiba. 

" Anong ginagawa mo dito? " 

Napitlag ako ng may magsalita kaya automatic na bumukas ang mga mata ko para tignan kung sino 'to. 

Steven ? Anong ginagawa niya dito? 

Tsk!  Hindi niya ba alam na nagpapahinga ako? Istorbo. 

" Hindi ba't oras pa rin ng pagtratrabaho? " dugtong pa nito habang nililibot ang paningin sa paligid. 

Hindi ko alam pero parang may binulong siya na hindi ko maintindihan. 

" May sinasabi ka? " pukaw ko ng atensyon niya kaya napunta ang mga mata niya saakin. Sandali naman akong natigilan ng makita ko ang mga mata niya. Nakakahawa ang lamig nito kung titignan mo. 

Napakunot ang noo niya at umiwas ng tingin bago tumabi sa kinaroroonan ko. 

" What are you doing here? " he asked in a empty voice. Maging ang boses niya ay walang kaemo-emosyon. 

" Hindi ba't ako dapat ang magtatanong niyan sa'yo? Anong ginagawa mo dito? May appointment ka ba kay Hunter? " sunod-sunod na sabi ko sakanya. 

Nakita kong napasandal siya sa inuupuan namin. He crossed his arms and closed his eyes na animo'y parang walang narinig saakin.

Naningkit ang mga mata ko. Seriously? 

" It's your job to know. You're the secretary right? Tss.

Right there, I felt my jaw dropped. 

He Who Owns MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon