It's Us (Part Two)

55 9 5
                                    


Clover's Pov

Naalala ko pa yung panahon na pangarap ko palang maging miyembro ng isang sikat na banda. Isang malaking ngiti ang makikita nyo sa mukha ko habang nag ccelebrate kami ng ikalawang anniversary namin bilang isang grupo. Di ko talaga inaasahan na tatagal kami ng ganito.

Flashback

Prenteng prente akong pumasok sa loob ng audition room at tumayo sa harap ng mga huradong nasa harap ko. Napansin kong medyo sumeryoso ang mukha ng isa sa mga ito. Pero hindi yun naging dahilan para masira ang confidence ko. Alam ko naman kasi na matatanggap ako sa bandang to noong una palang. Sigurado akong magugutuhan ako ng magiging leader nito dahil na rin siguro sa talentong taglay ko lalo na sa electric guitar.

Ngumisi ang lalaking kaninang sumeryoso ang mukha.

Okay Mr. Valdez , Show me what you've got. Sabi nito saka umupo ng naka dikwatro.

Hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko lang sya at kinuha ang dala kong electric guitar at ni set up ko na. Makalipas ang ilang minuto ay handa na ako para sa pagpapakitang gilas ko.

Sinimulan ko ang pagkalabit ko sa gitara. Inisip kong nasa isang gig ako na may mga taong naghihiyawan ng panglan ng banda namin at nakikisabay ang mga ito sa kanta.

Tinugtog ko ang Director's Cut Ng Kamikazee

Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nag iisa, umiiyak, nahihirapang huminga
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nanginginig, nalulungkot

Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong

Sumigaw, palabas at sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo, palayo at iiwanan na ang alala mo

At kung hindi na babalik
Sana sa pagising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi na babalik
Ipipilit sa sarili na hindi ako ang nagkamali

Sumigaw, palabas at sabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo, palayo at iiwanan na ang alala mo

Sumigaw, palabas at iiwanan na ang alala mo

Tumakbo, palayo, at iiwanan na ang alala mo

Ibinaba ko ang gitara at tumingin sa kanila , isang masigabong palakpakan ang ibinigay nila sa akin , at isang matamis na ngiti naman ang iginanti ko sa kanila. Tinignan ko si Ace na makikita sa mga mata ang pagkamangha at inialok nito sa akin ang kanyang kamay , inabot ko naman ito at nag shake hands kami saka sya nagsalita.

Congratulations , Mr. Valdez, you are now part of my band. Sabi nya at ngumiti.

Prenteng lumabas ako ng audtion room na parang walang nangyari pero sa loob ko ay galak at tuwa ang nararamdaman ko dahil sa na tanggap ako at mai sasa katuparan ko ng ang aking mga pangarap.

Ace Of HeartWhere stories live. Discover now