Her Happiness

26 6 1
                                    


Someone's pov

I Love You Ace. Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko siya mula sa malayo , nararamdaman ko ang bigat ng nararamdaman nya. Di mapag kaka ila na nahihirapan sa mga nangyayari. Sandali ko pa syang tinitigan bago ako tumayo at maglakad papunta sa cr.

Joker's Pov

Napaka saya isipin na kasama mo na yung taong kaytagal mong hinintay.

Ang sarap isipin na sya ang makakasama mo sa pagkanta at pagtugtog , gaya ng mga pinapangarap nyo noong mga bata pa kayo. Pangarap na sana ay matagal ng natupad , pero dahil sa mapaglarong tadhana ay nasira ang lahat ng mga pinapangarap nyo na yun.

Tinitigan ko lang sya habang naglalakad. Mula sa backstage ay lumabas sya , saglit pa syang sumulyap sa akin , ramdam ko na masaya sya sa naging desisyon nya, at naging masaya rin ako dito.

Natauhan ako mula sa pag iisip ko ng malalim ng may magsalita.

Let's Do This. Maikling sabi nya. Ngumiti ako bilang sagot kahit di nya nakikita dahil naka maskara ako. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya bilang pag galang. Agad naman nya iyong tinanggap.

Napagpasyahan kong tapusin na ang palabas na ito at kakanta nalang kami ng dalawa pang kanta. Masaya na akong nakausap ko si jessa at muling nakasama. Binago nya ako mula sa pagkakalugmok sa masamang gawain ko. Ito na ang huling araw na gagawin ko ito. At para rin naman sa kanya ito. Nangako ako sa kanya nahinding hindi na ako manloloko ng tao at gagawin ko ng maayos ang bawat gig na gagawin namin.

Sinimulan ko nang kumanta. At hinawakan ang kamay ng babaeng katabi ko ngayon. Tumingin ako sa mga mata nya ng diretso para mas dama ko ang presensya ni jessa.

Director's Cut By Kamikazee

Pagmulat ng mata,agad kong naalala
Kagabi, sinabi mo ayaw mo na
May mali ka bang nakita,
May mali bang nagawa?
Bigla na lang naisip mo ayaw mo na

Lahat ng gusto mo,tamang sunod ako
Nagtataka, bakit biglang ayaw mo na
Binigla mo ng lubusan,nang akoy iyong iwanan
Isang iglap, naisip mong ayaw mo na

Humarap ako sa mga tao , saka ko isinigaw ang susunod na salitang lalabas sa bibig ko para mailabas ko ang tuwa at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong

Sumigaw, palabas at sabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo, palayo at iiwanan na ang alala mo

Sinundan nya ang pagkanta ko at bago pa sya kumanta ay muli akong humarap sa kanya at tumingin sa mga mata nya. Jessa , i love you. Sabi ko saisip ko habang nakatingin sa mga mata nya. But sabi nga sa isang kanta diba. "If You Love Someone You've gonna Learn To Let Them Go"

Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nag iisa, umiiyak, nahihirapang huminga
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nanginginig, nalulungkot

Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong

Sumigaw, palabas at sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo, palayo at iiwanan na ang alala mo

At kung hindi na babalik
Sana sa pagising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi na babalik
Ipipilit sa sarili na hindi ako ang nagkamali

Ace Of HeartWhere stories live. Discover now