Joker's Secret

30 5 0
                                    


Joker's Pov

Nasa harap ko na ang babaeng kay tagal kong hinanap. Ang babaeng minsan kong inibig at minahal. Ang babaeng nawala sa akin ng mahabang panahon.

Titig na titig ako kay heart habang tulog na tulog sya. Masaya akong tinitignan sya dahil kitang kita sa maganda nyang mukha ang malaking pagbabago ilang taon na ang nakakalipas.

Flashback

Jessa !! Hintayin mo ko !! Sigaw ko habang hinahabol si jessa.

Bilisan mo Zar !! Sabi nya habang tatawa tawa. Papunta kami ngayon sa tabing dagat kung saan kami laging nakatambay ni jessa.

Zaaaaar !! Sigaw nya habang patalon talon.

Napangiti ako habang tinititigan sya. Kahit napaka bata pa namin ay alam ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Sya ang lagi kong karamay sa mga panahon na malungkot ako at nag iisa. Sya ang itinuring kong anghel at gabay ko sa oras ng pangangailangan ko.

Ang bagal mo talaga kahit kelan. Sabi nya ng maabutan ko sya. Ngayon ay naka upo na kami sa buhangin at hawak hawak nya ang gitara nya.

Tinignan ko lang sya at pinagmasdan habang kinakalabit nya ang bawat kwerdas nito.

Hahahahaha !! Pagtawa ko habang hawak ko ang tyan ko. Hanggang ngayon ba naman , hindi mo pa din natutunan yan? Tanong ko sa kanya na ikini asar nya.

Edi ikaw na magaling mag gitara. Pagdadabog nya saka iniabot sa akin ang gitara sabay nag pout.

Ngumiti lang ako at umayos ng pwesto para tumugtog ng gitara. Tumayo sya at pumwesto sa harap ko kaya ngayon ay mag ka harap na kami. Saglit ko muna syang pinagmasdan at nakita kong may sumilay na ngiti sa mga labi nya.

Ngumiti lang ako bilang pagbawi.

Para sayo to jessa. Kasi ikaw ang laging nasa tabi ko kapag malungkot ako. Sabi ko pa.

Ang drama mo !! Kadiri di bagay sayo. Sabi nya sabay tawa.

Tinitigan ko lang sya ng masama pero agad ko namang binawi dahil masaya ako kung masaya sya.

Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
At sa yong mga mata
Pag-ibig ay damangdama
Di masusukat aking ligaya

Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan di ka nangiiwan

Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa yo
Awiting kinakanta ng puso ko

Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Lahat ng ito'y wala kundi dahil sa yo
Di masusukat ang iyong puso

Ace Of HeartWhere stories live. Discover now