18th of October, Tuesday 1:30 PMMAVIS POV
"In front of Arvin's house." Wika ni Drake.
Wait what? Arvin? Or baka ibang Arvin. At biglang may lumabas na lalaki at dumiretso sa van. Laking gulat ko na si Arvin Sy ang Arvin na tinutukoy ni Drake.
ARVIN SY. Varsity sa larangan ng basketball at naging crush ko simula nang nagtransfer ako sa SJA. Siya ang naging daan upang mawala ang sakit na naramdaman ko noon.
Tumahimik ang van simula nang sumakay si Arvin. Bale sa tabi ng Driver's seat siya sumakay. Nakaramdam ako ng hiya habang pinagmamasdan ko ang likod niya.
"Bro, kailangan nating mahanap si Micah." Rinig ko na sabi ni Arvin. Nakita ko namang tumango si Drake.
Micah? Sinong Micah? Matanong nga kay Jaicelle.
"Jaicelle! Sino si Micah?" Bulong ko sa kanya.
"MICAH SALVADOR, girlfriend of ARVIN SY. Leader of cheer leading squad. Currently holding the title MS. UNIVERSE of SJA." At talagang inemphasize pa ang Ms. Universe. Kainis hindi ko man lang alam na may girlfriend si Arvin.
Malapit ng lumubog ang araw ngunit wala paring Micah. Puro zombie lang ang nakita namin. Kahit taong pagala gala wala man lang kaming nakita.
Hindi ko na namalayan ang paghinto ng van dahil nakaidlip ako.
"Guys! Dito muna kayo sa bahay ko." Sabi ni Drake. At tama ba ang pagkakadinig ko. Bahay ni Drake ang pagkalaki laking mansyon.
Malaki ang bahay ni Drake. At malawak ang garden. Sumagi naman sa isipan ko, nagiisa lang ba siya dito.
"Nasaan mga magulang mo." Tanong ko.
"They left me when I was 8 years old. And this house is my father's gift when I was 7 seven years old." Sagot naman ni Drake. Halata sa mga mata ni Drake ang lungkot na nasapit niya sa kanyang pagkabata.
Itinuro na ni Drake kung saan ang kwarto namin. At tig-iisa pa kami ng kwarto.
Hundi ko na nagawang kumain dahil antok na antok na ko. At agad na dumapa sa kama.
Bigla akong nagising ng di alam ang kadahilanan. Chineck ko ang oras at 10:30 PM na pala.
Napag-isipan ko munang magpahangin sa labas. At laking gulat ko naman na nakita kong nakaupong magisa si Arvin. Nilakasan ko ang loob ko at nakiupo sa kanya.
"Minsan na rin akong napagkaitan ng mundo." Panguumpisa ko. Hindi siya umimik at itinuloy ko ang pagsasalita.
"Yung taong mahal ko bigla nalang nawala sa kamay ko. Don't worry Arvin, I can sense na mahahanap rin si Micah." Sabi ko sabay tingin sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. At shit! Parang natutunaw ako. Ang hirap maitago ang kilig kapag kaharap mo na ang taong crush mo.
"How did you know my name and yet I don't even know you?" Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa sinabi ni Arvin. Ba't kasi ang feeling feeling ko. The fuck! Nakakahiya.
"Ah ganon ba! Hahaha. I'm Shaine Mavis Nakiri." Sabi ko ngunit hindi ako humarap sa kanya. Kita ko naman sa aking peripheral vision na hindi lumingon si Arvin sa sinabi ko. Bigla ko nalang naisipan na iabot ang kamay ko symbolizing na makikipag shake hands.
![](https://img.wattpad.com/cover/89848714-288-k256894.jpg)
YOU ARE READING
WATS: Escape from the Dead (On Going)
Mystery / ThrillerBehold! Widen your imagination as you enter from the world of transcendency. Play the game well. Hide! Play! Win or Die. Plan on how would you escape from the dead and the living. You'll regret if you won't win. Nightmare comes within you. Make th...