Chapter 7: Last Second

9 5 2
                                    

22nd of October, Saturday 8:00 AM

MAVIS POV

Maaga kaming umalis at ipinagpatuloy ang paghahanap. Hinati namin ang grupo para mas madaling maghanap. Magkasama kami nina Arvin at Kuya Luke. Sila Jaicelle, Drake at Ate Leigh naman ang magkakasama.

Sa isang kotse ni Drake kami sumakay at sa van naman sila Jaicelle.

Ng nakalayo na kami sa byahe. Biglang hininto ni Arvin ang kotse sa tapat ng subways.

Naghahanap kami sa loob ng makarinig kami ng kumakantang bata.

'We all gonna die.
Watch out! Watch out.
Blood spills all over the world.
Watch out! Watch out."

Sa totoo lang nakapangingilabot ang kanta ng bata. Sigurado naman akong babae ang kumakanta.

Agad kaming naghanap ng...

"Mavis yuko." Sigaw ni Kuya Luke. Agad naman inihagis ni Kuya Luke ang kanyang armas at tumusok ito sa noo ng zombie.

Ang armas pala ni Kuya Luke ay isang chain at sa edges nito may sharp pointed blade.

Ang armas pala ni Kuya Luke ay isang chain at sa edges nito may sharp pointed blade

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ipinagpatuloy namin ang pagsunod sa tinig ng isang bata. Nang nakakita kami ng kumpol kumpol na zombie, marahil nandito yung bata. Ngunit nasaan ito.

Pumito si Arvin at tumingin naman ang mga zombie sa kinatatayuan namin. Kumaripas ang mga ito ng takbo patungo sa amin. Hiniwa namin ni Arvin ang mga ulo nito at si Kuya Luke pinaikot ikot ang kanyang armas kaya nahiwa sa ulo ang mga zombie.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na may tumalong zombie sa likod ko ng biglang tumalon din si Arvin at agad tinusok ang espada sa ulo ng zombie.

"Focus!" Sabi nito.

Nang naubos na ang zombie agad akong nagtungo sa malaking trash can. At bigla naman na tumahimik ang kumakantang bata.

Ng binuksan ko ito laking gulat ko na isang batang babae siguro kasing edad lang ni Blitz. At ang mas kinagulat ko mag kaiba ang kulay ng mga mata ng bata. Sa left green at sa right at blue. Medyo creepy pero lakas loob ko siyang binuhat.

"Hello baby girl." Sabi ko hindi umimik ang bata. Tumingin ako kina Kuya Luke at Arvin at halata sa mukha nila ang pagkagulat.

Pumasok agad kami sa kotse at may sinulat akong address.

"Punta tayo dito." Utos ko at ibinigay kay Arvin ang address at agad naman na umandar na ang kotse.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Kuya Luke sa bata. Ngunit di nanaman siya nagsalita.

Kanina pa namin kinakausap ang bata ngunit di talaga siya umiimik. Natulog muna ako at nagbabakasakaling paggising ko at magsalita na siya.

THIRD PERSON POV

WATS: Escape from the Dead (On Going)Where stories live. Discover now