KLIVE
"Kelan ka pa dumating dito!?!?! Ba't di ka man lang nagsabi?!?!" sobrang higpit ng pagkaka yakap niya sa akin. Halatang namiss niya ko.
"Kakadating lang namin kanina," sabi ko naman,
"Gaga ka talaga," bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at tinignan niya ako, "pucha, tumangkad ka na naman?! Kelan ba titigil yang pagtangkad mong bakla ka?! At... gumwapo ka ah,"
Oo, ito na nga. Ang isang malaking rebelasyon. Sa paningin ni Faye, isa akong... bakla. Kaya nga lagi akong inaasar ng tropa dahil ang tingin sa akin ni Faye ay isang bakla.
Nagandahan talaga ako sa kanya nung unang kita ko pa lang sa kanya. Pero dahil sa medyo may pagka torpe ako, hindi ko siya magawang lapitan. Masaya naman ako kahit sa malayuan ko lang siya nakikita. Hanggang isang araw, nakita ko siya na may mga tropang bakla. Hindi na ako nagdalawang isip pa na gawin yun. Talagang sinadya ko na lang na makita niya ako at dahil wala na ako maisip na paraan na makaiwas pang muli, nag-bakla-baklaan na ako at yun, di nga ako nagkamali, malapit talaga siya sa bakla.
Nung nalaman nga ng buong tropa yung ginawa ko tawa sila ng tawa. Ang galing daw ng naisip ko. Oo magaling nga talaga pero iniisip ko din kung hanggang kelan ako magpapanggap?
"Guma-gwapo ba? Ligawan kita diyan eh," biro ko sa kanya,
"Ikaw talaga!!! Tara pasok muna, kumain ka na ba?"
"Oo kumain na kami pagdating na pagdating pa lang namin,"
Nag-kwentuhan lang kami hanggang madaling araw dito sa sala nila. Tinext ko naman si Vince na wag na lang i-lock yung gate at mga pinto.
Sobrang naaliw ako sa kanya dahil sobrang daldal pa din talaga niya. Parang wala ng bukas kung mag-kwento siya.
"O ikaw, ano? May boyfriend ka na ba?" Tanong niya sa akin,
"Sa tingin mo lalapitan nila ako? E mas mukha pa 'kong maton kesa sa kanila," biro ko sa kanya.
Tumawa siya, "gaga ka talaga! Yan ang namimiss ko eh. Yung biro mo. Pero seryoso nga. Wala ka pa ba?"
"Wala. Di ko naman na balak, wala na kong balak,"
"Bakit naman? Pwede naman yun ah?"
"Pwede nga pero ayoko, gusto ko pa din magka-anak. Magkapamilya," pinipilit niya talaga ako, wala na ba talaga akong pag-asa?
"Kasi, may sasabihin ako sayo,"
Kinabahan ako sa sinabi niyang yun, mukhang may kakaiba sa galawan niya. Tumayo siya at tinignan niya kung may tao sa paligid. Nung wala naman siyang nakita, umupo siya ulit sa tabi ko. Nasa sala kasi kami at yung buong pamilya niya tulog na tulog na.
"O ano ba kasi yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya,
"Ito kasi yun, bakla. May nagugustuhan ako," sabi niya sa akin na may kasamang ngiting sobrang ganda,
"Ha?" Yun na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang gulat.
"Sabi ko, may nagugustuhan ako, kaso di ko pa sinasagot," PATAY NA! Nanliligaw na pala sa kanya yung lalaki. Sino naman kaya 'yung mokong na yun?
"Kilalang kilala mo na ba yan? Baka naman kakakilala mo lang diyan? Naku Faye, ayoko ng ganyan,"
"Matagal ng nanliligaw yun saka matagal ko na din siyang kilala. Ewan ko ba, biglaan lang ang lahat,"
YOU ARE READING
A Forgotten Love (ON-GOING)
Teen FictionMedyo mabagal mag-update pero please support this story po.