KLIVE
"Tara na! Gagabihin na naman tayo nito!" sigaw ni Kuya sa aming lahat na nasa labas ng bahay namin. Hinihintay kasi namin yung mga tropang wala pa.
"Asan ba yung mga yun? Kanina pa kasi tayo naghihintay! Ang sabi kasi 4PM. Pilipino talaga," sabi naman ni Klay na patingin-tingin sa orasan ng cellphone niya.
"Iwanan na nga natin sila! Nakakainis na ah!" 'Di na mapakali si Kuya. Kating-kating na yung mga paa niya na umalis papuntang Quezon Province.
Tuwing bakasyon kasi, madalas kami pumunta sa kung saan lumaki ang ilaw ng tahanan namin. Mas ka-close namin sila kaysa doon sa pamilya namin sa father side.
Siya nga pala, ako ang pinaka bunso sa magkakapatid. At si Klark, ang pinaka panganay. Yung isa ko pang kapatid na kasing edad lang din ni Klark na si Klay. Mas matanda lang siya ng buwan. Si Klay kasi ay anak sa ibang babae ng tatay ko. Kung tutuusin, dalawa lang kami dapat ni Kuya Klark, pero, dahil sa namatay na yung totoong ina ni Klay nung bata pa siya, pinagpasya na ng aking ama na kunin na lang si Klay upang maalagaan ito. Di naman siya tinratong iba ni mommy. Kaya di siya nahirapan na mag-adjust sa amin.
"Ayan na yung mga ulupong," sabi ni Klay sa amin.
Paghinto at pagbaba pa lang sa sasakyan ni Vince, nasermonan na agad siya ni Kuya,
"T*ng*na naman 'tol! Ang tagal niyo! Ang usapan alas kwatro eh anong oras na?!" sigaw ni Klark kay Vince,
"Alas five na," ika ni Vince,
Biglang piningot ni kuya si Vince, "ang late niyo naman! Tara na!" Sumakay na kami sa kotse ni Kuya at sila Vince at ibang tropa nasa kotse na ni Vince.
Si Vince ang pinaka maloko sa aming lahat. Sinasabi niya na mas maloko daw kaming magkakapatid pero ang totoo nun, siya ang mas maloko.
"Makikita na naman ni Klive yung best friend niyang chicks!" Biro ni Theo sa akin, na nakasakay sa kotse ni Vince. Pero nasa harapan siya.
Yang si Theo ang pinaka matalino sa tropa. Scholar ng tropa yan. At kahit na scholar siya, hindi siya madamot. Madamot sa pagbibigay ng sagot sa amin. Mapa-exam man yan or quiz.
"Selos ka naman Theodoro-t!" Asar ni Vince kay Theo,
"Ako pa daw! E ikaw nga ang may gusto dun sa chick na yun!" Sigaw naman ni Theo kay Vince,
"Nag-asaran pa talaga yung dalawang gunggong! Umalis na nga tayo at aabutin tayo ng tanghali sa daan!" Inawat na sila ni Paul na nakaupo sa back seat ng kotse.
"O! Bumaba na kayo diyan Zed at Alex. Lumipat na kayo sa kotse nila para di kayo siksikan diyan," sabi ni Vince.
Pagkababa nung dalawa at lumipat na sa kotse namin. Dumiretso alis na kami. Masyado na kaming late sa pag-alis dahil sa makukulit kong tropa.
--
Madalas kaming huminto sa mga gasolinahan. Matagal-tagal pa ang ba-byahiin namin. Kung tutuusin, 5 oras lang dapat byahe namin. Kaso, sa kaka-stop over, pakiramdam ko hindi 5 oras ito.
Kulitan lang kami sa loob ng sasakyan. Halos lahat naman kami marunong magmaneho kaya papalit-palit kami. Para makapag pahinga naman yung nagmamaneho.
--
Ala-una na kami nakarating ng Quezon.
"Gising huyyy! Gising!" Sigaw ni Zed sa akin.
Nakatulog kasi ako. Ang aga ba naman naming gumising.
"Ano 'tol? Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Klark,
"Wala na 'ko magagawa, paninindigan ko na 'to," huminga ako ng malalim.
--
Pagbaba na pagbaba namin sa kotse, sinalubong na agad kami ng Lola ko. Ako agad ang niyakap. Siyempre bunso. Edi paborito.
"Mga apo ko! Jusko, na-miss ko kayo!" Hinalikan niya muna ako tapos sila Klark at Klay naman, "ang tatangkad at ang gu-gwapo niyo! May mga nobya na ba kayo?"
"'Lola naman! Wala po sa bokabolaryo ko yang ganyan," sabi ni Klark kay lola,
"Naku ka talaga Apo! Palabiro ka talaga. Osiya, tayo'y tumaas muna at kayo'y kumain na! Alam kong gutom na kayo!"
Pagka akyat namin, nangangamoy na yung ulam na niluto ni lola. Napaka sarap magluto niyan. Sa kanya nagmana si Mommy. Yung tipong, pagka natikman mo, hahanap-hanapin mo na.
Pagtapos kumain. Kanya-kanya na kami ng ligpit. Pagkatapos ko, pinuntahan ko na si lola at pinatulog ko na siya. May kailangan kasi akong puntahan pa. Su-surpresahin ko siya.
"O san ka pupunta?" Tanong ni Jason sa akin. Ang pinaka tahimik sa tropa,
"Wag kang maingay ah? Pupuntahan ko si Faye. Wag ka na lang maingay sa tropa at sa mga kapatid ko,"
"Sige lang 'tol,"
"Salamat," umalis na agad ako. Di naman madaldal yang si Jason. Buti na lang din siya yung nakakita sa akin. Atlis ngayon di na nila ako kakantyawan.
Sobrang na-e-excite ako na kinakabahan na ewan. P*ta, gustong-gusto ko na siyang makita.
Bakit nasabi nila na chick si Faye? Siya kasi yung tipo ng babae na kahit simple at probinsyana, ang ganda pa din. Saka ang bait pa. Pero hindi siya tulad ng ibang babae. Basta kakaiba siya. Hindi siya promdi.
Mag-best friend kami simula 1st year college ako at siya naman ay 4th year high school. Buti nga di niya naabutan yung Senior High kasi kung hindi, baka isipin naman ng iba masyado akong mapagsamantala.
Malapit na ako sa bahay nila at medyo pinapawisan na ako. Ito na yun. Magkikita na muli kami!
"Tao po? Tao po!" sabay katok sa gate nilang kulay black. Buti naman pininturahan nila yung gate nila. Dati kasi kulay kalawang eh.
Maya-maya pa'y bumaba na yung kapatid niya na si Faith, ang ate ni Faye.
"HALA!" sigaw ni Faith sumenyas ako na wag siyang maingay. Bigla niyang tinakpan yung bibig niya at binilisan yun lapit sa gate para mabuksan ito.
"Wag kang maingay. Nasaan na kapatid mo?"
"Asa taas nanunuod ng TV, kelan ka pa nandito?" Bigla niya ko yinakap, "lalo kang tumatangkad!"
"Kanina lang,"
"Gaga ka talaga! Lika na!" Hinatak niya ako pataas. Nang malapit na kami sa pinto, "dito ka lang muna," iniwan niya ko at pumasok siya, "hoy Faye! May naghahanap sayo sa baba,"
"Ha? Sino?" Kinabahan ako lalo. Narinig ko na yung boses niya,
"Tignan mo na lang, di ko kilala eh,"
"Di daw kilala, pwede bang di mo kilala!"
"Tignan mo na lang,"
Ramdam ko na tumayo na si Faye sa kinauupuan niya at palakad na siya papunta dito. Lalo akong kinakabahan habang naririnig ko yung lakad niya. Kng*na ito na siya, di ko alam kung ano sasabihin at i-aakto ko.
Pagkalabas niya, nagkatinginan kami. Nagtitigan lang kami. Hindi ako nagsasalita at pati din siya. Ano, walang gulat effect? Fail ata ako.
"BAKLAAAAAA!!!"
YOU ARE READING
A Forgotten Love (ON-GOING)
Fiksi RemajaMedyo mabagal mag-update pero please support this story po.