Chapter 6

6 0 2
                                    

MINA

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react nung nakita ko si Jeff. Ang liit nga lang ng mundo. Pero bakit yung konektado pa kay Jeff talaga yung na-mi-meet ko?

"Tito, kasama mo sila tita?" Tanong ni Klive kay Jeff.

"Ha? Ah... hindi," sagot naman ni Jeff na may pasulyap-sulyap pa sa akin.

"Ah, siya nga pala. Kaibigan ko, si Mina," pagpakilala niya sa akin, dapat makipag-shake hands ako diba? Inabot ko ang kamay ko at siya din namin ay sumunod din.

"Hello po," sabi ko na lang. kahit sa loob-loob ko, yan yung taong minahal ko.

"A-anong ginagawa niyo dito?"

"Kumain lang po," sagot ni Klive na walang kamalay-malay sa kung ano ba talagang meron.

"O sya, sige na. At may gagawin pa 'ko. Mauna na ako ah," umalis na ng mabilisan si Jeff. Ano kayang naiisip niya ngayon at kasama ko ang pamangkin niya.

--

Pag-uwi ko sa bahay, humiga na ako sa kama ko. Sarap nung pagkakahiga ko dito sa kama. Lapat na lapat yung likod ko. Papikit na sana ako kaso may biglang may nagtext.

"Magkita tayo sa studio mo,"
- Unknown number

Eh? Sino naman 'to? Tinawagan ko yung number na nagtext kaso hindi naman niya sinasagot.

Nagtext ulit si unknown number,

"Magkita tayo ngayon. Klive 'to,"

Si Klive lang naman pala. Bakit ibang number yung nagtext sa akin? Nireplyan ko ng bakit pero hindi na siya sumagot pang muli. May problema siguro yun. Kahit na tinatamad na ako, tumayo pa din ako para magpunta sa studio.

30 minutes nasa studio na ako ulit. Pagkadating ko sa tapat mismo ng studio, nandun na si Klive.

"Oh bakit? Anyare sayo?" Bungad niya agad sa akin.

"Ha? E ikaw kaya nagtext sa akin at sabi mo pa nga magkita tayo," sabi ko naman na gulong gulo yung itsura ko.

"Yun din kaya yung text mo sa akin, ito o," nilabas niya yung iPhone 7 niyang cellphone at pinabasa sa akin yung text na sinend din sa kanya.

"Halaaaaa! Sino naman kaya yan? Hindi ako yan.  Bakit alam niya yung mga number natin?"

"Ewan ko jan. 'Kala ko naman kung ano na nangyari sayo at bigla ka na lang nagtext ng ganitong oras at sa ibang number pa,"

"Ako din kaya. Iniisip ko din na baka may problema ka lang kaya ka makikipagkita sa akin,"

Inabot na kami ng madaling araw sa kaka-kwentuhan ni Klive. Ok din naman siya talaga. Napaka gentleman kahit mukha siyang bad boy. Yung porma niya kasi, pang bad boy.

"Ano pa lang kwento jan sa mga tattoo mo? Kasi, bibihira lang ako makakita ng mga ganyang klaseng babae,"

"Ah ito. Sa sobrang lawak ng pagiisip ko patungkol sa art, lahat na natry ko ito except sa pagpapa-tattoo,"

"So na-curious ka lang?"

"Pwede ding na-curious pero yung totoo kasi, ang ganda lang sa paningin para sa akin. Yun naman ang importante eh. Yung kung ano ang gusto mo, hindi yung gusto ng iba diba?"

"Sabagay," ika niya.

"Eh ikaw. Ang dami mong hikaw sa tenga. Ano naman ang dahilan bakit ganyan kadami yan?"

"Yung totoong sagot? Style lang talaga 'to nung una lang pero habang tumatagal naaadik na ko sa kaka-piercing."

/

A Forgotten Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now