KLIVE
Nag-text ako kay Mina. Nag-so-sorry ako kasi bigla akong nawala nung last time siyang nagpunta sa work place namin. Bigla din kasi akong inutusan ni Sir Jet na pumunta sa isang site kung saan meron kaming project. Kaso hanggang ngayon hindi pa din siya sumasagot. Hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang busy lang siya.
Weekend na naman at barkada time na naman kami. Same place, sa resto ni Carlo. Walang pinagbago. Maiingay pa din kami. Nag-aasaran, may kanya-kanyang kwentuhan. Kaso, si Vince na palabiro, nananahimik ata. Madalas kasi, pabida 'tong mokong na 'to. Wala namang ibang nakapansin ng pagkatahimik niya kundi ako lang.
Hindi ko muna siya nilapitan. Kasi baka ayaw niya din malapitan o makausap. Pinagmamasdan ko lang siya from time to time, hanggang sa nakahanap na siguro siya ng bwelo at nagpunta siya sa terrace ng restaurant. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi siya mapakali. Panay check sa cellphone. May problema 'to sa pag-ibig malamang.
Habang busy pa ang lahat, pinuntahan ko na si Vince sa terrace, "Tol," yan ang bungad ko para malaman niya na merong tao.
"O-oh?" Halata sa mukha niya na pinipilit niyang ngumiti.
"Ba't andito ka? Ayaw mo bang makipagkulitan sa loob?"
"A-ha? Hindi naman, meron lang akong kausap," tinuro niya yung phone niya na hawak-hawak niya.
"Hmm. Sige, kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako," napagpasyahan ko na, na umalis. Kasi mukhang kailangan talaga niyang mapagisa.
"K-Klive!" Bigla niya ako tinawag kaya hindi ako nakapasok agad sa loob.
"Oh?"
"Ganito pala yung pakiramdam ano? Yung pakiramdam na, iniwan ka ng taong mahal na mahal mo," sa tono ng boses niya, pinipilit na lang niyang hindi umiyak. Pero 'di nagtagal, umiyak na din siya.
First time kong nakitang ganito 'tong si Vince. Hindi pa 'to umiiyak ng ganito, "sino ba yung babae?" Oo nagtanong ako kasi, wala naman siyang naikukwento sa amin tungkol sa babae.
"Si Grace..."
Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat na meron talaga siyang girlfriend.
Napatingin din siya sa akin at medyo napangiti ng konti, "oo na. Alam kong nakakagulat. Hindi ko sinabi sa inyo ito dahil ayoko makantyawan,"
"Yan tayo eh. Lakas mong mangkantyaw tapos..." sabi ko na lang pero in a pabiro way.
"Hindi ko din sinabi sa inyo kasi, ayokong mapurnada ang lahat. Sa buong akala ko na kapag nilihim ko 'to sa lahat, matutuloy lahat ng plano namin,"
"Teka... ibig sabihin, wala talagang nakakaalam ng tungkol sa inyo?"
"Wala. Miski pamilya nga namin hindi alam,"
"Bakit?"
"Kasi, gusto namin, kapag pinakilala na namin ang isa't isa sa pamilya at sa mga kaibigan namin, yung sigurado na kami. Yung kami na talaga. Kaso, wala talagang poreber. Putainginang poreber yan!"
"Ganyan talaga yan 'tol. Sa una lang masakit yan pero di kalaunan, makakalimutan mo din siya,"
"Sana nga makalimutan ko. Tangina! 3 taon na kami, ba't ngayon pa? Nakaka bullshit talaga ang pagibig!"
"Ano balak? Sasabihin mo ba sa kanila?"
"Di na siguro. Tama ng ikaw lang ang nakakaalam, tara na."
Tumayo na kami sa kinauupuan namin at pumasok na kami sa loob na parang walang nangyaring kadramahan.
/
YOU ARE READING
A Forgotten Love (ON-GOING)
Teen FictionMedyo mabagal mag-update pero please support this story po.