KLIVE
Nag-iwan na ako ng pera sa table. Gusto kong liwanagin sa babaeng 'to na hindi ako reporter. Ang bilis niyang maglakad. Ang hirap habulin. Pakiramdam ko, naikot na namin yung buong lugar.
Huminto siya sa may tapat ng simbahan at umupo. Medyo hiningal ako dun. Lumapit ako sa kanya at bago pa lang ako magsalita,
"Maupo ka nga dito," sabi niya sa akin. Di na ako nakapagsalita at umupo na lang talaga ako, "oh ito bayad ko dun sa kinain natin kanina," inaabot nya yung bayad pero di ko na kinuha.
"Wag na. Bayaran mo na lang sa susunod,"
"Susunod? Nawili ka ata sa akin ah,"
"Miss ito lang sasabihin ko sayo ah. Hindi ako reporter at..."
"Alam ko,"
"Ha? Ano?"
"Alam ko na 'di ka reporter,"
"Oh. Ba't mo yun sinabi sa akin kanina?"
"Wala naman. Pinagtripan lang kita," nginitian at kinindatan niya lang ako.
Gusto kong magalit kaso di ko naman magawa. Ang hirap magalit sa kanya kahit kakakilala lang namin one hour ago.
"Alam mo kung ano problema ko sa tatlong sinabi ko na yun sayo kanina? Una sa work, hindi tanggap ng magulang ko yung trabaho ko. Isa kasi akong Photographer. Big time yun kasi di lang maliliit na events yun. Gusto kasi nilang mag-Doctor ako eh ayoko naman talaga ng ganun. Tingin kasi nila sa Photography is malaking isang kalokohan lang daw. Pero para sa akin? Andun na ang puso ko eh. Feeling ko doon ako may future. At sa love life naman? Tanginang love life yan! Supposedly, magkasama kami dapat ng ex-fiancé ko na nandito ngayon. Kaso, gago eh! Sobrang gago talaga!"
Bigla na siyang nagumpisang umiyak. Di ko alam kung paanong pag-comfort ang gagawin ko sa kanya. Kung lalapitan ko ba sya at hihimasin, or yayakapin saka hihimasin.
"Gago yun eh! Inalok-alok pa ako ng kasal, eh kasal na din naman pala siya! Ako namang si tanga di ko pa nahalata na kasal na tao pala yung hayop na yun!"
"Chill lang, andito tayo sa harap ng simbahan o! Yung pagmumura, hinaan mo naman," sa wakas nakapag salita na din ako.
"Eh kasi naman yung ga..." bigla siyang bumulong "gagong yun..." lumakas ulit ang boses niya, "pinaikot lang talaga ako sa mga kamay niya!"
"Paano mo ba nalaman na may asawa? Saka ilang years na ba kayo?"
"6 years na kami,"
"Putaena! 6 years tapos di mo man lang nalaman na may asawa na pala siya?!" Napalakas yung pagkakasabi ko.
Tumingin siya sa akin ng masama, "makasigaw ka naman. Sige ipagsigawan mo pa dito kung gaano ako katanga. Ganito nga yun kasi. Dati talaga walang bahid ng ebidensya na may asawa siya. Kasi lahat ng oras niya nabibigay naman niya sa akin. Kaso, nung nag 6th anniversary at nag-propose siya sa akin, parang lagi siyang tuliro. Yun pala, nalaman niya na magbabakasyon na dito sa Pinas yung buong family niya. Hanggang sa harapin ako nung asawa niya. Hiyang hiya ako. Wala kasi akong alam talaga,"
"Eh bakit naman kaya nag-alok ng kasal yung ex mo, kasal naman pala sa iba? Di mo man lang chineck kung kasal ba siya o hindi?"
"Wala nga kasi akong alam sa mga ganyan,"
"Tanga ka nga talaga,"
"Wow! Thank you ah! Makapagsalita ka ng tanga, parang close tayo,"
"Eh, sorry naman. Opinyon ko lang naman yun,"
"Kaya ito, tinuloy ko na lang yung trip na dapat kasama ko siya,"
"Nakikiramay ako. Nakikiramay ako sa puso mong namayapa," nagulat ata siya sa sinabi ko at bigla siyang napatingin sa akin at miski ako 'di rin makapaniwala na nasabi ko yun.
YOU ARE READING
A Forgotten Love (ON-GOING)
Novela JuvenilMedyo mabagal mag-update pero please support this story po.