KLIVE
Sa tanong niyang yun, di ako agad nakapagsalita.
*flashback*
"Ano na gagawin ko?" Tanong ko sa buong tropa,"Sabihin mo na lang ng direchahan," sabi ni Carlo. Ang black sheep ng barkada. Oo, ok siya makisama pero pagdating sa sarili niya, ibang usapan na. Sobrang mahal niya sarili niya.
"Tss wag ganun! Palpak naman yang sinabi mo Carlo," sabat naman ni Zed. Siya yung taong "skate is life."
"E anong mai-sa-suggest mo aber?"
"Ganito lang yan 'tol, old school. Bigyan mo ng bulaklak. Isang bouquet na bulaklak,"
Napaisip ako. Tama si Zed. Bulaklak nga ang tamang ibigay sa kanya. Simple lang naman kaligayahan nun.
*end of flashback*"Di ko alam. Malay mo lang diba?" Sabi ko kay Faye na walang kaalam alam na ako talaga ang nagbigay ng flowers.
"Ano kaya ibig sabihin nun? Grabe naman, gusto ko ng tanungin si Jared,"
"WAG!" Napasigaw bigla ako at naging lalaki bigla ang boses ko.
"Bakit beshy?"
"Kasi ano... kasi ang mga lalaki, ayaw nilang nauudlot yung mga surprises nila noh! Kaya manahimik ka na lang diyan beshy," yun na lang nasabi ko. Wala na 'kong maidahilan pang iba.
"Ganun ba yun? Ba't yung iba di naman ganun?"
"Kasi iba sila. Di naman pare-parehas ang lalaki. Parang kayong mga babae din ganun."
"Aaah. Sige na nga."
Buti naman napapayag ko si Faye. Kung hindi. Malalaman niya na ang katotohanan.
--
Ilang araw na lang. Pwede ko ng sabihin yung totoo sa kanya. Handa na yung mukha ko sa sampal niya. Malamang yun masakit kasi ayaw niyang naloloko. Eh! Bahala na nga!
Pabawas ng pabawas yung pulang bulaklak. Medyo kinakabahan na ako. Pwede pa bang iurong?
"Uubusin talaga niya yung pulang rosas," sabi ni Faye habang inaamoy niya ito,
"Excited ka na ba?"
"Oo naman beshy. Jusko pa-suspense pa kasi pwede namang wag na,"
Na-ku-konsensya na talaga ako. Gusto ko ng sabihin na lang sa kanya yung totoo pero hindi naman pwede pa.
"Nga pala Klive. Si Jared tumawag kanina,"
"O?"
"Sabi niya sumama ka daw sa kanila,"
Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba ayaw niya ko tantanan?!
"Saan naman?"
"Ewan ko dun, bonding daw,"
"Bonding. Wag nga ako! Tigilan niya kamo ako."
"Sungit naman nito. Malay mo makatagpo ka na ng isang lalaking nais mo,"
"Tigilan mo 'ko Faye ha. Naha-high blood ako diyan sa manliligaw mo,"
"Hay nako. Sige na nga teka i-text ko sabihin ko ayaw mo sumama,"
Pag mga ganitong usapan ayoko talagang kinukulit ako. Makulit lang 'tong manliligaw ni Faye.
--
Maraming beses ng sinubukan nung Jared na kausapin ako kada makikita niya ako pero dahil sa bilis kong umiwas di naman nangyayari ang gusto niya. Di ko alam ba't ba siya nangungulit. Di ko alam kung anong gusto niyang patunayan.
YOU ARE READING
A Forgotten Love (ON-GOING)
Подростковая литератураMedyo mabagal mag-update pero please support this story po.