Chapter 3

4 1 0
                                    

KLIVE

"Kuya ge na, samahan mo 'ko bukas please!" Nagmamakaawa na ako kay Klay kahit na mukha na akong tanga sa harap ng tropa. Ayaw kasi nila ako samahan, lahat na sila naaya ko pero ayaw talaga nila.

"Kagaguhan mo kasi Klive, bahala ka ngayon diyan," sabat naman ni Klark na nililinisan yung sapatos niyan Nike.

"Ano ba kasing nangyari at ayaw na ayaw mo na makipagkita mag-isa?" Tanong ni Vince.

"Ang awkward kasi tol,"

"Anong awkward dun?" Sabat naman ni Zed. Ang skater sa tropa.

"Kaya nga," sabat naman ni Theo,

"Kayo ha, kung wala kayong masabi o ma-suggest manahimik na lang kayo. Sino ba willing sumama sa akin?" Natahimik ang lahat.

--

Habang nagmamaneho ako, napapamura na lang ako sa isip ko. Ta*gina kasi! Ba't kasi di ko naisip yun?! Pinahiram na lang sa akin ni (kuya) Klark yung kotse para pampalubag loob. Wala kasi talagang gustong sumama sa akin. Dahil nga ang pagkakakilala nila sa akin dito eh isang bakla. Baka daw mapagkamalan pa silang jowa ko. Mga mokong talaga.

Pagka park ko, huminga ako ng malalim. Ge, kukunin mo lang naman yung cellphone tapos aalis ka na. Bumaba na ako at nagpunta na sa loob ng SM. Ang sabi kasi sa akin ni Faye, sa food court ko na lang daw intayin yung Jared na yun. Pero hanggang ngayon, wala pa din. Ilang minuto na ako nag-aantay pero wala pa din siya. Ano bang balak nung mokong na yun?! Kung di lang dahil sa cellphone, di ako makikipagkita eh!

Yuyuko na sana ako ng bigla may kumalabit sa akin.

"Ah, Klive right?" Napatitig ako. Si Jared nga.

"O-- Oo," sagot ko naman.

Umupo siya sa tapat ko, "do you like anything?"

"Ah, oo yung cellphone ko sana,"

"Ay! Sorry, sorry. I almost forgot," kinuha niya sa bulsa niya yung cellphone ko, "here, chinarge ko na din yan. Kasi nasa 20% na lang yung battery kagabi,"

Inabot ko na yung cellphone tapos chineck ko ito kung nabuksan ba. Mukhang hindi naman. "Salamat," hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya.

"May gusto ka bang kainin?"

"Ha? Wala naman,"

"You sure? Baka nagugutom ka or thirsty,"

"Di ok lang talaga ako," ba't ba ang pilit niya?

"Lagi ka nakukwento ni Faye sa akin," sabi niya sa akin, pero nginitian ko lang siya, "and she says na you're her best friend, true yun diba?"

"Oo, bakit?"

"Wala naman. Are you really gay? Or Bi?"

"Ba't mo naman natanong?"

"Wala lang, I'm just wonderin'"

"Don't worry dude. Di ko naman papatulan si Faye. Di kami talo,"

"So sa sagot mo, straight na gay ka,"

"Bahala ka kung ano gusto mong isipin,"

"Why? Ba't di mo masagot?"

"Bakit ba gusto mong malaman?"

"Gusto kitang makilala ng lubusan,"

"Nice meeting you though Jared. I have to go now. Tinext na ako ng mga friends ko,"

"Wait!" may kinuha siya sa loob ng wallet niya at binigay niya sa akin, "here's my calling card, kung interesado ka about dating with other men just give me a call,"

A Forgotten Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now