Chapter 5

289 14 3
                                    

Mayumi's POV

Nung bandang 5:55 umalis na ako sa bahay 5mins. kasi akong maglalakad papuntang gate ng subd. ayoko magpahatid ngayon eh. Daanan ko kaya silang tatlo? Ay wag na lang gusto ko maaga pumasok eh. Baka tulog pa yung mga yun.

Nang makarating na ako sa gate, nag-abang ako ng jeep. Tapos nung makasakay na ako, parang nagtitinginan yung mga tao sakin. Problema nila? May dumi kaya ako sa mukha? May tagos? ay hindi imposible pala yun wala pa ako ngayon eh. Pero seryoso bakit sila nakatingin sakin? Hayaan ko na nga lang.

Tapos maya maya may sumakay na lalaki, OHMAYGULAY! ang pogi. Kuya akin ka na lang! Joke lang hihi :"> Baka magselos si Mark ko. ♥ 

Tumabi sakin si kuyang pogi. Tapos parang lahat ng tao sa jeep nakatingin samin. Bakit kaya? Kanina ako lang tapos ngayon kami ng dalawa. 

"Why are they staring at us?" bulong nitong katabi ko.

"I don't know. Kanina bago ka sumakay nakatingin sila sakin." bulong ko din. Tapos nagnod lang siya.

"Do you know where's Silver Crown University?" tanong nya sakin, pabulong pa din

"Yes. " sabi ko naman.

"Ahh, Are we near?" tanong nya. Tumingin ako sa labas.

"Yup. Are you going there?" sabi ko. Tapos nag nod nalang ulit siya.

Makapagbayad na nga. "Kuya bayad ko po." sabi ko sabay abot ng sampung piso.

"Ahh, miss nirenta po itong jeep" sabi ni manong driver. Teka ANUDAW?

"PO?! Eh bakit pa kayo nagsakay?" sabi ko

"Eh miss kayo lang naman yung sumakay eh." sabi nya ulit. Oo nga noh? Waaaaaaaah! Nakakahiya naman. Tapos parang tumawa ng mahina yung mga nakasakay sa jeep. Jusko po! Ano bang ginagawa ko. Nakakahiya talaga. Kaya naman pala sila nakatingin samin eh.

"Hala! Nako sorry po. Pwede po paki tabi na lang sa gilid? Bababa na po kami." sabi ko. Tapos ginilid naman ni manong. Tapos nagthank you ako.

"Let's go." sabi ko. Tapos bumaba na ng jeep. Sumunod naman siya sakin.

"Waaaaaaaaah! Nakakahiya talaga yun. Kainis naman. Waaaaaah!" sabi ko habang ginugulo yung buhok ko tapos nagpapadyak ng paa.

"Pfft. Hahahahahahahaha Para kang baliw." sabi nung lalaking katabi ko kanina.

"Problema mo? Nakakahiya kaya yun. Gusto ko na ngang magpalamon sa lupa kanina nun eh, tapos ngayon tatawa tawa ka pa! Hindi ka ba nahihiya kanina. Teka! Marunong ka naman pa magtagalog eh" sabi ko sa kanya.

"Syempre nahiya. First time ko eh. Marunong naman talaga ako magtagalog." sabi nya.

"Ah okey. Ang lakas din ng loob mo ahh. Ngayon ka lang ba nakarating dito sa Pilipinas?" tanong ko sa kanya. Tapos nagsimula na kaming maglakad.

"Hmm. Yes. " sagot nya.

"Ahh. San ka ba galing?" tanong ko sa kanya.

"Korea" maikling sagot nya.

"Oh? Eh bakit marunong ka magtagalog." tanong ko.

"Because I'm smart." sagot naman nya. Tss. Yabang.

"Yabang." bulong ko.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon