Chapter 7

229 10 2
                                    

Mayumi's POV

*inat inat 

*dilat mata

*tingin sa wall clock

9:00 AM NA! SHEMAY NAMAN! DAPAT DINAANAN AKO NILA CHERRY EH! DI MAN LANG AKO GINISING NI ATE MARICEL >.< LATE TULOY AKO :3 WAG NA KAYA AKO PUMASOK?

Wag na nga lang :3 Tinatamad din ako eh. Tumayo na ako at pumunta sa sa cr para maghilamos. Kinuha ko na rin yung cellphone ko sa lamesa na katabi ng kama ko.

Bumaba na ako pagtapos kong maghilamos. 

 "Ate Maricel! Ba't di nyo po ako ginising?!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"Eh ba't walang nasagot?" tanong ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa kusina para tignan kung may tao. Pero wala. ENEBEYEN :3 Iniwan nila ako?

Tignan ko nga sa Maid's room. At ayun, nakita ko si Ate Len.

"Good Morning po Ate Len! Bakit parang ang onti po ng tao dito sa bahay?" tanong ko kay ate Len.

"Good morning din. Si Maricel kasi nagday-off binisita nya yung mga kamag-anak nya sa probinsya. Si Tere naman namalengke kasama si Ben. Kaya tayo lang ang nandito sa bahay ngayon." sabi ni Ate Len. Si Kuya Ben yung Family driver namin. Wala kasi si Kuya Rick. May emergency daw kasi. Nagkasakit yung asawa nya kaya bumalik siya ng probinsya nila.

"Ahh ganun po ba?.... May pagkain po ba sa kusina?" sabi ko.

 "Oo meron. Initin ko lang baka kasi lumamig na." sabi ni Ate Len

"Ahh sige po. Dun lang po ako sa sala." sabi ko tapos pumunta na sa sala. 

Binuksan ko yung tv. Hindi para manood kundi para umingay naman ng onti yung bahay ang tahimik kasi eh. Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at tinext ang magagaling kong bestfriends.

'HOY MGA BABAE! BAKIT DI KAYO PUMUNTA DITO SA BAHAY! NA LATE TULOY AKO NG GISING! BTW, HINDI NA PALA AKO PAPASOK PAKI SABI NA LANG SA MGA TEACHERS MAGBIGAY KAYO NG KAHIT ANONG REASON HA! AYUSIN NYO YUNG EXCUSE AH!' 

-SEND TO EUNIZEL, CHERRY & ALLYSA-

"Yumi, ma-init na yung pagkain pwede ka ng kumain." sabi ni Ate Len

"Salamat po Ate Len." sabi ko tapos umalis na si Ate Len pero pinigilan ko siya.

"Ahh. Ate Len kumain na po ba kayo? Sabay na po tayo?" sabi ko.

"Hindi na po. Nakakahiya naman po eh." sabi ni Ate Len

"Hay nako Ate Len! Nahiya ka pa! Halika na po! Sabay na tayo." sabi ko habang hinihila si Ate Len papuntang kusina. Nagpahigit naman si Ate Len. Tapos kumain na kami pagdating namin sa kusina.

"Ah Ate Len, bakit di nyo po ako ginising kanina?" tanong ko kay Ate Len

"Ah kasi nalate din ako ng gising. Tsaka akala ko kasi wala kayong pasok." sabi ni Ate Len

"Ahh. Ganun po ba?" sabi ko tapos nagpauloy na sa pagkain. Nung natapos na akong kumain pumunta na ako sa sala. Naramdaman ko namang nagvibrate yung cellphone ko.

'HOY BABAE! WALANG PASOK NGAYON! SINISI MO PA KAMI KUNG BAKIT HINDI KA NAGISING NG MAAGA! TSK' reply ni Cherry

'Eh?! Talaga? Bakit walang pasok ngayon?' reply ko sa kanya.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon