Chapter 8

279 9 3
                                    

Ian's POV

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Kainis! Nababaliw na ba ako? Nagtataksil na ba ako kay Belle? Hindi rin siguro, baka nga di na ako maalala ni Belle eh. Hindi naman siguro masamang ma-inlove ako sa iba di ba? Hindi ko na rin siguro makikita si Belle. Isusuko ko na ba talaga siya? Parang di ko kaya! Di ko kayang isuko si Belle. Pero ano ba 'tong nararamdaman ko. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko pagnakikita o napapalapit ako sa kanya? Sh*t ang bakla naman nito! 

Tss. Makapasok na nga! Kung ano-ano pang kabaklaan ang naiisip ko. 

Pagdating ko sa school dumiretso agad ako sa classroom, wala pa ngang tao eh. Ang aga pa kaya. 5:00 am palang eh. Nilagay ko na lang yung bag ko sa upuan ko. Tapos umakyat sa rooftop.

 Mayumi's POV

Andito na ako ngayon sa school, ang aga pa kaya siguro wala pa masyadong tao. 5:30 pa lang ata. Dumiretso na ako sa classroom at wala akong nakitang tao, pero may nakita akong bag kay Ian ata yun? Ang aga nya ah? Kpayn wala akong pake.

Dumiretso na ako sa upuan ko at kumuha ng libro para magbasa kung iniisip nyong nagrereview ako sinasabi ko na sa inyo hindi. I think I'm in Love ang title ng libro ang cute ng story nya. *u* (A/N: Pasingit. I Think I'm in Love by PrincessSnake Try nyo pong basahin. Maganda Habang nagbabasa ako bigla na lang may nagtakip ng mata ko.

"Sino 'to?" tanong ko.

"Hulaan mo kung sino ako!" sabi nung nagtatakip ng mata. Sino kaya 'to?!

"Yah! Tanggalin mo na nga yung kamay mo sa mata ko! Kitang nagbabasa ako eh!" reklamo ko.

"Ayoko nga! Hulaan mo muna kung sino ako!" sabi nya. Hindi ko mahulaan yung boses nya kasi parang nililiitan nya yung boses nya para di ko mahulaan. -___-

"Kasi naman eh! Tanggalin mo na please!" pagmamaka-awa ko. Hindi ko nahala kung sino yung pumasok kanina kasi busy ako sa pagbabasa. 

"A-YO-KO!" pagmamatigas nya.

"Ah ayaw mo ah?!" pwersahan kong tinggal ang pagkakatakip nya sa mata ko at saka tumalikod at nakita ang mukha nyang tawa ng tawa. -___-

"KAINIS KA KUYA CM! KAILANGAN TALAGANG TAKPAN YUNG MATA KO?!" sigaw ko sabay batok sa kanya.

"Hahahahaha wala lang. Masyado ka kasing focus sa pagbabasa mo dyan. Hindi mo ako napansin kaya naisipan kong pagtripan ka. Hahaha" sabi ni Kuya CM

"Hmmp! Ewan ko sayo!" sabi ko na lang tsaka pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Hoy Yumi! Punta tayong rooftop! Dun ka nalang magbasa. Samahan mo na lang ako." sabi nya.

"Rooftop? Sige. Mukhang mahangin dun." pagpayag ko. Tsaka kami nagpunta ng rooftop. Nang bigla nya akong akbayan.

"Hoy Kuya CM! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa balikat ko!" pagrereklamo ko.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon