Chapter 4

294 14 2
                                    

A/N: Sorry kung maikli lang ung UD ko ngayon. Hindi kasi ako marunong magPOV sa lalaki eh. Try ko pong mag-UD mamaya.

~= ~= ~= ~= ~= ~= ~= ~=

Ian's POV

Siguro naman hindi ko na kailangan magpakilala di ba?

Kung akala nyong masungit ako tama kayo dun. Makulit naman kasi talaga ako dati eh. Makulit na mabait, nagbago lang ako simula grade 1 di ko na kasi naging classmate yung crush ko. Kaya naging masungit na ako tsaka tahimik.

Since nung bata pa ako ang topic itutuloy ko na.

Nung grade 2 ako lumipat kami sa Korea at dun na ako nag-aral. Ayaw ko pa nga sumama eh kasi gusto ko laging makita yung crush ko. Tapos pagkagraduate ko bumalik kami dito sa Pilipinas. Hiniling ko kasi sa mga magulang ko yun para mahanap ko yung crush ko. Parang kapalit na rin nung pagpayag ko na mag-aral muna dun sa Korea. Sa kasamaang palad di ko na maalala buong pangalan nya. Ang alam ko lang Belle ang tawag ko sa kanya dati kaya nahirapan akong maghanap sa kanya.

Nagpalipat lipat ako ng school kada year para lang mahanap sya. Oo alam kong may sarili na kaming school pero sinabi ko lang na mas mapapadali ko siyang makita kung sa iba't ibang school ako papasok. Madali lang naman makapasok dahil bukod sa matalino ako mayaman pa kami. Di naman ako nagmamayabang nagsasabi lang ng totoo. 

Ang pinapasukan kong school nung mga nakalipas na taon ay yung may mga Belle ang pangalan. Paano ko nalalaman? Syempre dahil sa parents ko. 

Ngayong taon naman bumalik na ako dito sa school namin kasi wala na kaming makita na school na may Belle ang pangalan. At yung mga Belle na nakilala ko ay fake. Kasi kung nahanap ko na sya edi sana may girlfriend na ako ngayon.

Hay nako Belle kelan ba kita makikita. Kung makita man kita sana naman kilala mo pa ako.

*Flashback* (Nung second day po ito)

*School

Late na naman kami. Bakit na naman? Dati kasi kapag pumapasok kami on time lagi kaming pinagkakagulohan. Kaya simula nun lagi na kaming pumapasok ng late.

 Tapos ayun na, nakipagsagupaan na ako sa teacher namin. Wala pa akong balak magpakilala eh. :3

Pinaalis ko yung lalaki tapos umupo ako sa tabi nung babae na pamilyar ang mukha. Pero ang ganda nya. 

Pero wala na din akong pakielam. Inaantok ako. Puyat ako kagabi eh.

"Hoy! Wag kang matulog. Nagkaklase pa si Ma'am" bulong nitong katabi ko.

"Wag ka ngang magulo" inis kong sabi sa kanya.

"Oy! Wag ka ngang matulog baka pagalitan ka" sabi na naman nya

"Pakielam mo ba?" sabi ko. Napatahimik naman siya dun. Buti naman.

"Tss. Nangingialam pa kasi." bulong ko. Tapos nakatulog na ako.

Hanggang sa ginising na naman ako nitong katabi ko.

"Hoy! Gumising ka daw sabi ni Ma'am" sabi nya habang kinakalabit ako. Tsk. Patuloy pa din niya akong kinakalabit at ginigising. Hanggang sa nainis na ako.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong nung teacher.

"Pake mo? Eh ginigising ako nitong katabi ko eh." sabi ko.

"Pinagising kita lolo. Bakit ka natutulog sa klase ko?" sabi nung teacher

"Puyat ako kagabi." inaantok na sagot ko.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon