Chapter 10

310 12 6
                                    

Ian's POV

"So dito pala ang bahay mo?" tanong ko. 

"Malamang! Alangan namang sayo eh ako nga nagturo ng daan papunta dito." pambabara nya. Tamo 'tong babaeng 'to binabara ako! Ipaexpell ko kaya sya?! 

"Tss. Tara na nga." sabi ko tsaka lumabas ng kotse kong mamahalin. Inantay ko na lang siyang lumabas. Mga babae talaga ang babagal! Tss.

"Hoy! Napakagentle man mo talaga no? As in SUPER! Tss. Pasok na nga tayo." sabi nya tsaka binuksan ang gate. 

Okay naman 'tong bahay nila. Malaki naman at maganda ang pagkakadesign. Pangmayaman talaga. Oo nga pala nasa Exclusive Subdivision siya nakatira, kaya pangmayaman talaga. -___-

"Ate Maricel!! Ate Len!! Ate Tere!! Andito na po ako!" sigaw ni Yumi. 

"Andyan ka na pala! Teka may kasama ka pala." sabi ng isa ata sa katulong nila.

"Ah hehe opo. Si Ian po pala ate Maricel partner ko po sa project sa Science, Ian si Ate Maricel. " pagpapakilala nya sakin. Tinignan ko lang yung tinuro nya.

"Ahh, ate Maricel pagpasensiyahan mo na po yan, masungit talaga yan tsaka walang galang." sabi nya tsaka bumulong pero rinig ko naman. Tss. Akala niya siguro di ko maririnig yun. Walang galang pala hah!

"Sige po Ate Maricel gagawa na po kami ng project." sabi nya dun kay Ate Maricel daw.

"Sige, gagawan ko na din kayo ng merienda." sabi nung Ate Maricel tsaka pumunta na atang kusina.

"Hoy lalaki! Tara na sa sala." sabi nya sakin tsaka nagsimula ng maglakad, sinundan ko na lang siya. 

 Naabutan ko siyang naka-upo sa sahig sa tapat ng center table inaayos ang mga gamit nagagamitin namin. 

Kung ano ang project namin? Tsk. Kailangan daw namin magvideo habang nagrereport. Ipapasa na lang namin yung video sa teacher. Dami kasing arte ng mga teacher eh. -_-

 "Ay teka! Kunin ko lang yung camera ko. Dyan ka lang." sabi nya. Di na ako sumagot umalis na din naman siya eh.

Nilibot ko ang living room nila. Malinis, malaki, may malaking family picture din na nakadisplay. Dalawa pala silang magkapatid at sya ang panganay. Yung bata, yung kapatid nya kamukhang-kamukha nya. Teka, pamilyar talaga sakin yung mukha ni Yumi. Saan ko nga ba nakita yung mukha nun?

Mayumi's POV

Umakyat ako sa kwarto ko para kunin yung camera ko. Kumuha na rin ako ng manila paper. Pagtapos nun agad akong bumaba papuntang sala. Naabutan ko si Ian na nakatingin sa family picture namin.

"Hoy! Titig na titig ka dyan?" tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat ko sya kasi gumalaw yung balikat nya pero agad din naman syang nakabawi.

"Wala lang, may kapatid ka pala? Ba't parang wala namang bata dito?" tanong nya. :3

"Yung kapatid ko kasi nasa Tita namin, nagbabakasyon. Wala kasing kalaro dito kaya dun daw muna sya." sagot ko sa tanong nya.

"Ahhh. Tara na gawa na tayo ng project gusto ko ng umuwi." sabi nya. Kaya nagsimula na kaming gumawa ng project namin.

 Kasalukuyan kaming nagvivideo ng huling report namin ng dumating si Ate Maricel. Oo huli na. Bilis namin no? Hahaha.

"Oh, magpahinga na muna kayo eto merienda nyo. Kumain na muna kayo." sabi ni Ate Maricel habang pinapatong yung tray na may lamang cookies sa center table.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon