Chapter 11

110 8 2
                                    

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?! Kanina mo pa ako hinahatak ah?! May plano ka bang libutin 'tong buong campus?!" sigaw ko kay Ian habang ila-hila pa rin ako. Fishtea! Kanina pa 'to hila ng hila sa akin. Nasa third floor na kami ngayon.

Hindi niya ako sinagot! >.< Fishtea! Snobber? Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya. Ba't nga ba hindi ko pa ginawa yun kanina pa? Tss.

"Hey! Will you stop that?!" sabi niya. Aba aba!

"Why would I?! Will you just let go of my arm?!" sabi ko. Nahawa na ako sa english niya! :3

Nakatigil kaming dalawa dito sa tapat ng hagdanan at hawak niya pa rin ang braso ko.

"Fine! Now let's go." Nag-init ang pisnge ko. Hinawakan ko yung pisnge ko gamit ang aking kaliwang kamay. Paano kasi... binitawan niya yung pagkakahawak niya sa braso ko pero hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila na naman ako paakyat ng hagdan. Pupunta kaming rooftop? Bakit?

Pagpasok namin sa rooftop dumiretso kami sa pinakadulo at pumasok sa pinto. Eh pinto?! Kelan pa nagkapinto dito?

Nang makapasok na kami sa loob namangha ako sa nakita ko. Ang ganda dito! Ang galing parang may bahay dito.  Hindi pala, bahay talaga siya! Naglakad pa kami ng onti at nakarating kami sa sala. Andito pala yung mga kaibigan niya.

"Oh ayan na siya." sabi ni Steven.

"Nice one Mark." sabi ni Cedrick.

"Tapos na dare mo." sabi naman ni Joshua.

Lumapit silang tatlo samin tapos hinila ako paupo dun sa sofa.

"Hello Yumi! Kamusta ka?" tanong nilang tatlo. Yes. Sabay-sabay sila.

"O-okay lang." utal-utal kong sagot.

Ang weird nila. Hindi naman sila mukhang adik kasi may itsura naman sila. Baka naka drugs lang? Siguro nga. Sayang naman itsura nila, kung nagdadrugs sila.

"Anong tingin mo samin?" tanong nilang tatlo. Tumingin lang ako sa kanila.

"Gwapo ba kami?" tanong ulit nila. Tumingin lang ulit ako sa kanila bago sumagot.

"Oo?" alanganing sagot ko sa tanong nila. Ewan ko ba. Nahihiya akong magsabi na gwapo sila. Hahahaha

"Yun oh! Hahahaha" sabi nilang tatlo.

"Eh si Mark?" tanong ulit nilang tatlo habang nakaturo kay Ian na naka-upo sa single na sofa.

"Si Ian? Ewan ko. Demonyo ata yun eh." sabi ko, syempre bulong lang yung huli kong sinabi. Well gwapo din naman si Ian. Di ko lang sinabi kasi baka lumaki yung ulo nun at magmayabang sakin. Tsk.

"Hahahahaha Mark! Wala ka pala eh. Mas gwapo ako kesa sayo!" sabi ni Joshua. Binatukan siya ni Steven.

"Anong 'ako'? Tayo kaya!" sabi ni Cedrick pagkatapos batukan ni Steven si Joshua.

"Anong 'tayo'? Di tayo talo! Bakla ka ba?" sabi naman ni Joshua sabay tingin na parang nandidiri kay Cedrick. Pfft. Hahahahaha

"Gag*! Di tayo talo. Kadiri 'to." sabi naman ni Cedrick sabay tingin din kay Joshua na parang nandidiri.

"Ako pa ang kadiri?! Ikaw nga ang nagsabi na tayo eh. Mandiri ka nga sa sarili mo." sabi ni Joshua kay Cedrick. Hahahaha

"Gag* ka pala talaga eh! Ikaw lang naman nag-iisip ng ganun." sabi naman ni Cedrick.

"Mga nakadrugs ba kayo?"

"Mga nakadrugs ba kayo?"

Napatingin ako kay Ian na nakatingin din pala sakin.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon