Chapter 12

93 4 0
                                    

Yumi's POV

 "Bakit po sir?" tanong ko kay Sir Julius.

"Ayieeee~" kantyawan ng mga kaklase ni CM pagtapos kong magtanong. Nakita kong nakatayo si CM sa gitna. Owkey? What's happening? 

Tinignan ko si Sir Julius sa gitna at nakita ko na parang nagtataka siya sa pag-ayie nila.

"Bakit? Bakit?" tanong ni Sir.

"Kasi po. Hahahahaha." 

"I'm waiting" ani Sir Julius.

"May picture po kasi dati na nakalagay sa bulletin board. Picture po nila Christian at Mayumi na magkatabi sa rooftop, iyon." sabi nung isang classmate ni CM

"Ahh kaya. Mamaya na yan." sabi ni Sir sabay lipat ng tingin sakin. 

"Mayumi, paki samahan naman si Christian sa Science lab.. Di ba ikaw yung naglagay ng microscope? Huh? Thank you." sabi ni Sir Julius.

"Okey po." sabi ko na lang.

I don't get it. Kung yun lang naman pala ang iuutos, bakit kailangan pa akong papuntahin dito? Wierd. Hayaan na nga!

Pumunta na kami sa Sci. Lab. ni CM

"Saan kayo nagpunta kanina ni Mark?" tanong ni CM

"Sa may rooftop." sagot ko naman.

"Anong ginawa nyo dun?" tanong ulit nya.

"Dare niya atang dalhin ako dun. Binwiset lang ako." sabi ko. 

"Ahh talaga? Akala ko inagaw ka na nya sakin." sabi nya. Tapos bumulong na naman siya. Bubuyog talaga 'to. 

Nang dumating na kami ay tinuro ko na kung saan nakalagay yung microscope tapos binuhat nya na. Hinawakan ko yung baba ng lalagyan ng microscope kasi muntik na malaglag. 

"Dahan-dahan! Mahal yan." sabi ko sa kanya. 

"Mas mahal naman kita." bumulong na naman sya! 

"Anong sabi mo?" sabi ko. 

"Sabi ko sorry." sagot nya.

"Ahhh. Ok lang. Hahaha" sabi ko na lang. 

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming room. Ihahatid pa nga daw niya ako pero hindi na ako pumayag. Baka pag-usapan na naman kami. :3

CM's POV

Pagdating ko sa room nilagay ko na sa table yung microscope.

"Ba't ang tagal mo? Hinatid mo pa si Mayumi no? Ayieeee." pangangantyaw ni Kryzthelle. Yung seatmate ko.

"Hindi ko nahatid. Ayaw nya. Sayang nga eh." sagot ko sa kanya habang naglalakad papunta sa upuan ko. Nangantyaw yung ilang kaklase ko pero hindi ko pinansin at umiling na lang. 

"Oh? Sayang nga! Pero dapat hinatid mo pa din!" sabi nya sakin.

"Bawal daw sumunod eh. Hayaan mo na sya. Hahaha" sabi ko.

Tumigil na kami sa pag-uusap at nakinig kay Sir Julius. 

Lumipas ang isang oras at umalis din si Sir Julius kaya't nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko. Kinausap naman ako ni Kryzthelle.

"Christian! May gusto ka ba talaga kay Mayumi?" tanong niya. 

Nginitian ko lang siya. Sa tingin ko hindi ko na muna ipagkakalat na may gusto ako kay Yumi. Sa akin na lang yun. Hahahaha.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon