Ang Fun Facts ni Author sa Daddy's A Gay

375 2 2
                                    

Ang Fun Facts ni Author sa Daddy’s A Gay

1.      Magsimula tayo sa naging inspiration ko para gumawa ng Daddy’s a Gay. Ang Daddy’s a Gay po ay inspired ng story na My gay boyfriend written by @Peytnibatman. Read it guys, nakakatawa at nakakakilig siya.

2.      This story is supposed to be a short story. Hanggang five chapters lang talaga ang plano ko dito tulad ng sa MGB. Kaso napahaba yata kaya nakaabot ng Chapter 15.

3.      Dedicated ‘to sa lahat ng followers ko at sa mga friends kong binabasa ito. Kung mapapansin ninyo din, wala talagang nagpapa-dedicate sa akin ng story pero pag tiningnan ninyo, may dedication. Know why? Kasi yung followers ko ang didedicatan ko nun. Di man sila nagsasabi na pa-dedicate pero nilalagyan ko pa rin sila ng dedication. It is because I want to show that I am thankful to them by that simple way. So pag nag-follow ka sa akin, asahan mong may dedication ka sa akin. Di ko lang madedicatan yung iba kasi kulang pa ako sa chapters. Pero pagdating ng ibang stories ko, may dedication na din kayo.

4.      Let’s talk about the characters. If you check my profile, you’ll see that this is the first KATHNIEL FANFIC story that I’ve made. Pero no, hindi po ito. I made a story entitled KIDNAP MY HEART, it is a KathNiel FanFic po. Kaso nung una lang ako sinipag nun eh, pero nung medyo dumating ako sa Chapters 5-10, parang nawalan ako ng gana at idea so hindi ko na siya itinuloy at dinelete ko na lang. Isa pa, di ko pinangarap na may makatulad ako. May Kidnap My Heart na pala sa Watty dati pa, written by @wallflower0524. Si ate Bernice Jennifer po yan, isa sa mga hinahangaan kong tao pagdating sa technology. Nung una, di ko kilala na siya pala yun pero nung na-check ko yung Twitter niya, nakita ko na siya pala si @wallflower0524. Kaya naggawa ako ng bagong KathNiel Fanfic na ito, Daddy’s a Gay.

5.      Hindi talaga PatVan ang characters nito, dapat ay JaBi. Bet na bet ko kasi si Billy dahil siya ang dahilan kung bakit ako na-in love kay DJP at si Jane naman ang nagmi-mirror sa ating fangirls. Kaso yun nga, fangirl ang character niya kaya naman iniba ko. Eh napanuod ko ang MBL kaya naman PatVan ang ginamit kong characters. Isa pa, boyish si Patch kaya naman maganda kung siya yung character dito.

6.      Sa bawat chapters, may AN ako. Pansinin ninyo yung Destined to Each Other, ZEMC’s Angels at Crush/Lover.. Wala silang ANs, saka lang magkakaroon ng AN pag nag-notify ako na ang music ay nasa multimedia. Di katulad ng DAG na talagang may kwento na. It is because na-curious ako kung ano ba yung feeling na may AN? Kasi di ko talaga feel na mag-AN dati, ngayon lang. At sobrang saya nun kasi sa AN ko nailalabas lahat ng gusto kong sabihin. Kaya naman ang ilang chapters ko, inaabot na ng page 4 dahil lang sa haba ng AN ko.. Kumbaga two pages lang talaga ang story dun.

7.      Hindi talaga ako nahiling na i-vote ninyo yung stories ko. Ang hiling ko lang talaga is yung comment. May kadaldalan akong taglay guys. At yung comments ninyo, pag nakaisip ako ng pan-reply dyan, talagang nagre-reply ako. Kaya tuwing chine-check ko ang profile ko at titingin ako sa stories ko, dedma ang votes pero ang comment, chine-check ko talaga. Tanda ko pa nga yung time na dati, 18 yung comments tas naging 20 na. Alam ninyo bang tiningnan ko lahat ng chapters kung alin doon ang may bagong comment. Tapos nung makita ko, nasa around 13-15 yata yun. Syempre, gumamit ako ng energy dun sa ibang chapters para tingnan pero nasa huli pa. Ayos lang sa akin yun, basta makita ko yung comment ninyo. Yun lang.

Daddy's a Gay - Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon