Chapter 9

559 6 2
                                    

Chapter 9

Nandito lang ako sa kwarto ko, nanunuod ng telenovela. Ilang episodes na nga lang at matatapos na din 'to. Isusunod ko na nga yung sikat na sikat na Weightlifting daw. Maganda rin daw kasi yun. Ngayon, busy muna ako kay Sim Cheong at Joon Jae.

"Patch... Bebe gurl." Narinig ko na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Di ko naman pinansin yun at patuloy pa rin sa panunuod.

"Patch, tulog ka ba?" hindi ko pa rin pinapansin yun.

"Patch, naririnig kong may maingay dyan sa loob. Buksan mo na 'to, alam kong gising ka." Sabi na, dapat nag-earphones na lang ako eh.

"Patricia Espinosa!" patuloy pa rin ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Tss. Pinause ko muna ang laptop ko bago ako naglakad papunta sa pinto at binuksan yun.

"Ano?"

"Sabi na, gising ka eh." sabi niya bago pumasok sa kwarto ko. Isinarado ko naman yung pinto tapos bumalik na ulit sa pwesto ko kanina.

"Yung totoo, kwarto ba 'to ng kulto?" binuksan niya yung kurtina na nagtatakip sa bintana tapos binuksan niya ang bintana.

"Ligaya, nanunuod ako ng kdrama!"

"Ayan. Nanunuod ng kdrama! Pang-ilan na ba yan at parang di matapos-tapos ha?"

"Syempre, sunod-sunod 'to. Marathon, ganun. At tsaka bakit ka ba kasi nandito?"

"Well, tinawagan lang naman kasi ako ni tita at sinabing dalawang linggo ka na daw na hindi lumalabas sa kwarto mo."

"Lumalabas naman ako sa kwarto ko pag kakain ako."

"Kumakain ka nga ba? Tingnan mo nga 'yang sarili mo, namamayat ka na."

"Kumakain naman ako pag nagutom."

"Pag nagutom? So ilang beses ka magutom sa isang araw? Wala? Patchot, ang sabi sa akin ni tita, hindi ka na talaga lumalabas ng kwarto mo. At hindi ka na bumaba para kumain kasi dinadalhan ka niya lang dito. Kung di ka pa daw niya dadalhan, di ka pa daw kakain. Madalas nga, di mo pa ginagalaw ang dinala niya."

"Busy nga kasi ako."

"Busy saan? Sa kdrama? Patch, ano ba talagang problema mo?"

"Ano bang pake mo? Nanay ba kita?"

"Hindi. Pero yung nanay mo nga, di mo sinasabihan kung anong problema mo. So kailangan ko pa ba maging nanay para lang magkapake ako? Sabihin mo na lang kasi kung anong problema mo at nagkukulong ka dito."

"Tatapusin ko nga kasi 'tong pinapanuod ko."

"Tapos magsusunod ka ng panibago kaya di ka na naman lalabas?"

"Syempre, hindi naman ako makakanuod kung lalabas ako diba."

"Ayun na. Masyado ka na bang adik sa kdrama na 'yan para di ka na lumabas ng kwarto mo?"

"Alam mo Ligaya, kung nandito ka lang para sermonan ako, pwede ka nang lumabas."

"Hoy. Para sabihin ko sa'yo Patricia, nagpunta ako dito para makausap mo. Ano ba kasing problema mo?"

"Wala nga. Gusto ko lang talagang tapusin 'to."

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi mo papabayaan ng ganyan ang sarili mo kung gusto mo lang talagang tapusin 'yan pinapanuod mo."

"Sinabi ko na sa'yo yung gusto mong malaman tapos di ka pa maniniwala sa akin."

"Kasi hindi yun ang totoo. Sabihin mo sa akin kung ano talagang dahilan kaya pinapabayaan mo 'yang sarili mo. Ano? Nag-away ba kayo ni Christian kaya ka nagkakaganyan?" tumingin lang naman ako sa kanya. Gusto ko na talagang iclick kung aalis na agad siya dito.

Daddy's a Gay - Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon