Note: I'm sorry kung natagalan ang pag-uupdate ko dito sa story. Medyo naging busy kasi sa school. Naisip ko din na baguhin ang plot ng story. Pero hindi naman yung buo, may part lang talaga na babaguhin ko. Thank you.
Chapter 8
Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko. Ano nga bang nangyari sa akin kahapon? Nag-ayos ako para makipagkita kay Jin Jin. Pumunta ako sa mall kasi dun daw kami magkita. At pagkadating ko sa parking lot, nakita kong magkahalikan sila ni Christian.
Argh! Oo nga pala... Break na kami ni Christian. At walang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko. Ang tanga mo kasi Patch. Bakit ka kasi nagpaloko ulit. Dapat kasi, nakinig ka na lang kay Ivan...
Si Ivan... Oo nga pala, matapos nang pangyayari sa parking lot, pumunta ako sa bahay nina Ivan. Nagkaayos na din kami tapos kumain kami ng magkasama at uminom ng beer tapos...
"Patch..." naririnig ko pa rin ang mga boses niya, kung paanong tinatawag niya ang pangalan ko.
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Ivan na mahimbing na natutulog. Napatingin ako sa paligid ko at nandito kami sa kwarto niya. Tumingin naman ako sa sarili ko. Agad ko namang hinila ang kumot pataas sa leeg ko para matakpan ang katawan ko. Oh my god... May nangyari nga pala sa aming dalawa.
"Ugh!" sumakit ang ulo ko. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at pumunta sa cr ng kwarto ni Ivan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok, at ang daming red marks sa leeg ko. Naalala ko naman lahat nang nangyari kagabi. Grabe! Meron talagang nangyari sa amin.
Agad akong naghilamos ng mukha at nagmumog. Kinuha ko yung suklay ni Ivan at sinuklay ang buhok ko. Lumabas na ako ng cr at pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig tapos nagbihis agad ako. Napatingin naman ako sa veranda ng kwarto niya kaya pumunta ako doon.
Agad akong huminga ng sariwang hangin pagkadating ko doon. Naisip ko na naman lahat ng nangyari kahapon. Si Christian... Di ko na napigilan at tumulo na naman ang mga luha ko. Nagpaloko na naman ako, hinayaan ko na naman na maloko ako. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko sa mata at tumingin na lang ulit sa sumisikat na araw.
Nakaramdam naman ako ng kamay na bumalot sa bewang ko at labing humalik sa buhok malapit sa tenga ko.
"Good morning."
Tumingin agad ako sa kanya. Si Ivan... Half-naked, naka-shorts lang siya. Magulo ang buhok niya at suot niya ang ngiti na gustong-gusto kong nakikita mula sa kanya.
"Hey, ayos ka lang?" pansin ko ang concern sa mukha at boses niya.
"I'm fine."
"Kamusta ang tulog mo?" Ivan
"Ayos lang."
"May masakit ba sa'yo?" Ivan
Napa-glare naman ako sa kanya. Bakit niya tinatanong kung may masakit sa akin? Malamang sa malamang, meron talaga.
"Uhm, ano... Gusto ko lang naman malaman kasi concern ako. May gamot dyan, ikukuha kita kung gusto mo." Ivan
"Masakit yung ulo ko... At tsaka yung... Ano..." at hindi ko na naiwasang hindi mamula. Napatingin naman ako kay Ivan at namumula ang tenga niya. Okay... Medyo awkward nga yun, di ko na lang dapat sinabi eh.
"May gamot ako para sa sakit ng ulo, ikukuha lang kita." Tapos iniwanan na niya agad ako sa veranda. Nang makabalik siya, inabutan niya ako ng gamot at ng tubig. Kinuha ko naman yun at ininom ko na.
"Mamaya, mawawala na din yung sakit ng ulo mo." Tapos ngumiti siya sa akin.
"Ivan..."
"Bakit?" Ivan
BINABASA MO ANG
Daddy's a Gay - Currently Editing
ФанфикHe's willing to do everything for her. And I'm willing to do it for my love too. But hey! Why don't you first join me in the story of my parents that made me said... Daddy's a Gay.