Chapter 10

536 4 0
                                    

Chapter 10

Nakaupo lang ako sa kama ko nang maramdaman ko na parang nasusuka ako. Agad akong nagpunta sa cr at pumunta sa lababo pero wala namang nalabas sa bibig ko kung hindi tubig lang. Wala rin naman akong kinain na masama kagabi. Lahat ng pagkain ko, si mama naman ang nagluluto. Sa totoo lang, ilang araw ko na rin 'tong nararamdaman. Mabilis rin akong mahilo.

"Patch, anak." Rinig kong katok ni mama sa pinto. Nag-ayos na muna ako ng sarili ko bago ko siya pagbuksan.

"Akala ko, tulog ka pa eh."

"Bakit po mama?"

"Naghanda na ako ng pagkain. Kain na tayo."

"Sige po." Bumaba na din agad kami ni mama. Naghahanda na siya ng pagkain ng halos maduwal ulit ako. Uminom agad ako ng tubig para di matuloy.

"Okay ka lang ba? Bakit parang ang putla mo?"

"Okay lang po ako mama." Pero nilagay niya pa rin ang kamay niya sa noo ko para tingnan ang temperature ko.

"Hindi ka naman mainit. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Opo naman."

"Siguro, nagpuyat ka 'no?" tanong niya habang umuupo sa silya. Tapos nun ay pinaglagay na niya ako ng pagkain.

"Hindi rin po mama."

"Eh bakit ang putla mo talaga? Gusto mo ba, magpatingin na tayo sa doctor?"

"Wag na po ma. Baka gutom lang po ako."

"Osiya, sige. Kumain ka na para naman di ka na mamutla." Tumango lang ako sa kanya at kumain na rin. Nang matapos ay ako na ang naghugas ng pinggan. Si mama naman ay nasa labas kasi magdidilig daw siya ng halaman.

"San si tita?" tanong agad sa akin ni Ligaya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Nasa likod."

"Hmm. Tara, labas tayo."

"Ayaw ko. Dito na lang ako."

"Patch... Isang buwan ka nang hindi nalabas. Anong balak mo sa buhay mo? Nagtatago ka ba?"

"Okay lang naman ako eh."

"Tingnan mo nga. Ang putla mo eh. Kulang ka siguro sa sikat ng araw."

"Ayaw ko pa rin lumabas."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa bahay ninyo? Matutulog tapos kakain? Kaya ka tumataba eh."

"Pwede ba, wag mo na lang pansinin ang katawan ko."

"Hindi. Maligo ka na dun at ipagpapaalam kita kay tita."

"Ayaw ko nga."

"Isa. Patricia Espinosa. Wag mo akong galitin. Sasabihin ko talaga kay tita ang lahat at hindi mo magugustuhan ang gagawin niya."

"Tss. Sige na. Maliligo na nga."

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at naligo. Tiningnan ko ang sarili ko at medyo haggard nga ang mukha ko kahit na wala naman akong ginagawa dito sa bahay. Pinagmasdan ko naman kung tumaba nga ako. Ganun pa rin naman ang usual na kain ko.

"Mag-iingat kayo ah." Bilin sa amin ni mama bago kami umalis.

"Opo tita."

"Buti naman at lalabas ka na. Mag-enjoy ka sa pupuntahan ninyo." Sabi sa akin ni mama.

"Opo."

"Bye tita, aalis na po kami."

May dalang kotse si Ligaya kaya dun na kami sumakay. Pinapatay ko sa kanya ang aircon dahil nilalamig ako at gusto ko na bukas na lang ang bintana.

Daddy's a Gay - Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon