Chapter 6
Halos one month na kaming di nakakapag-usap ni Ivan. Wala na kaming communication sa isa't isa. Di na din siya napunta dito sa bahay. Tapos si Christian, two weeks ko nang hindi nakikita. Simula nang mangyari yung nagkausap kami about kay Ivan, lumayo na din siya sa akin. Nagpapadala pa din naman siya ng mga gifts pero di na siya nagpapakita.
"Anak, saan ka pupunta?" mama
"Lalabas lang po ako."
"Saan? Sinong kasama mo?" mama
"Sa mall daw po, may kakausapin lang po ako."
"O sige, mag-iingat ka ha." mama
"Opo."
Lumapit na ako kay mama at humalik na sa kanya.
"Bye ma."
"Anak, magdala ka ng payong. Baka umulan o." mama
"Hindi na po ma, mabilis lang naman po ako eh."
"Ingat ka anak." Mama
"Opo ma."
Sumakay na ako sa taxi at nagpahatid na sa may mall. Habang nasa daan, binasa ko ulit ang text sa akin ni Jin Jin.
From: 0929*******
Hello Patch. This is Jin Jin, Christian's ex. I know na binalikan ka na ulit niya. But don't worry, wala naman akong hinanakit dun. I guess our relationship didn't work out after all. Oh well, I texted you dahil gusto ko sanang magkaroon ng friendly talk. Alam mo na, girl bonding for us two. Pumunta ka sa mall at 6PM, magkita tayo sa underground parking. Mahirap kasi kung maghahanapan pa tayo sa loob mismo ng mall, at least sa parking, magkakakitaan agad tayo. I'm hoping na dadating ka. And oh! Please wear your nicest and comfortable clothes.
Pagkabasa ko agad nang text na yun, kinonsult ko naman si Ligaya, girl best friend ko. Sabi niya, wala naman daw sigurong masama kung pupuntahan ko kung ganun naman daw ang pakay eh. Siya na din ang nag-ayos ng isusuot ko. Pinagsuot ako ng dress at naka-wedge pa ako. Ang sabi pa niya, "At kung sakali na hamunin ka ng pagandahan, naku 'teh! Panalo ka na pag ito ang isinuot mo!" kaya eto, pinasuot sa kin 'to.
"Ma'am, nandito na po tayo."
"Salamat po manong."
Binayaran ko na agad iyon at bumaba na ako. Naglakad na ako papunta sa underground parking. Naglakad lang ako nang may mapansin akong dalawang tao dun sa likod ng kotseng naka-park. Mas lumapit naman ako doon para mas makita ko sila ng ayos.
"C-Christian...?"
Napaatras na lang ako mula sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Daddy's a Gay - Currently Editing
FanfictionHe's willing to do everything for her. And I'm willing to do it for my love too. But hey! Why don't you first join me in the story of my parents that made me said... Daddy's a Gay.