Chapter 1

6 2 0
                                    

Warning: Typos and Errors Alert!

The Pretty Reckless Ms.Nothing<3

-----

Pagkatapos kong gamutin si Ray? Roy? Ano nga bang pangalan no'n? Ewan. Sabay na kaming pumasok dahil magkaklase rin naman kami. O' dba? Ang gentlewoman ko dahil ako pa talaga yung umalalay sakanya para maglakad. Kung alam ko lang talaga na ang bigat niya at hindi kakayanin ng napakaganda kong muscles edi sana pinabayaan ko na lang siyang maglakad mag-isa. Pero kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganyan eh, kaya kers lang.

Habang naglalakad pinagtitinginan kaming dalawa, alam ko namang maganda ako nuh! Sino kayang hindi mabibighani sa Cielo Sefar Varciano Ong na katulad ko? Na isang apo ng pinakamayaman na business man sa mundo na kayang bilhin ang kahit na sinoman o anoman sa isang salita lang. O' diba ang taray 'te! Hahaha tse!

Agad naman kaming nakarating dalawa at pinaupo siya sa upuan niya. Napa-aray nga siya dahil binitawan ko agad-agad. Nangangawit na kasi yung braso ko, kaya ayun. Lalong sumakit yung sakit niya sa katawan.

"Sorry ulit! Hihihi. Maupo ka kasi ng maayos." Pilit akong napatawa sa ginawa ko't nag peace sign nalang hehe.

"Tss. Kung 'di ka lang maganda."

"May sinasabi ka po?" Tanong ko with matching pa kyot² eyes.

"Sabi ko thank you! Tanga nga lang." hindi ko narinig ng malinaw yung huli niyang sinabi pero alam kong nagte-thank you siya sakin. Bait ko talaga.

"Walang anuman." Nakangiting sabi ko saka umupo na rin ako dahil pumasok na yung una naming subject teacher.

"Goodmorning Class." Bati ni Ms.Ramirez

Tumayo naman kami at binati siya.

"Goodmorning Ms.Ramirez." bati namin pabalik saka umupo.

Yung isa naman jan hindi man lang tumayo. Pero kers na rin, masakit katawan e, papatayuin ko pa? Mag-isa siya! Pansin ko lang, wala pa si Jayvie sa upuan nito. Saan kaya naman nagsusuot ang isang iyon? Matanong ko nga ang kaibigan niyang nabugbog ko, mamaya.

I was wondering lately, why is he acting like i'm a germs to him to the point na nandidiri siyang tignan o lapitan man lang when i'm in front of him. I just want to talk like there's no tomorrow hellooooo duh! E, gusto ko lang naman ikwento sakanya yung mga ginagawa ko nung wala siya. 'Di ko kasi mapigilan magkwento eh. Yung mga panahon na bata pa kami at ngayon na hindi na kami nagpapansinan. But he keeps on saying—

'Fuck with that! I don't want any connections between the two of us anymore.'

Pero okay lang, mahal ko kasi. Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao handa kang magpakatanga kahit na nasasaktan ka na't ano pa basta mahal mo ang isang tao kakayanin mo ang lahat kaya I will love him no matter what happen. Magkamatayan man, mag World War IV man, magkahubadan man at palakihan ng—ay basta alam niyo na yun. Hahaha basta kahit anong mangyari mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.

"But before we start, introduce yourself." Sabi ni ms.Ramirez.

Nandito nanaman po tayo sa introduction, mahalaga pa ba yun? Hanggang college ba naman may ganyanan pa? Ano kami? Kinder? Tanga rin tong si miss eh, pasapak nga sakanya mamaya.

Nagsimula na silang magpakilala hanggang sa mapunta dun sa bagong kaibigang lalaki ni Jayvie. Paika-ika pa nga itong maglakad papuntang harapan at halatang medyo nagulat yung mga estudyante.

The Pretty Reckless Ms.NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon