Chapter 3

5 2 0
                                    

WARNING: Typos and Errors.
Alam ko pong nakakatamad magbasa ng story pag may typos pero intindihin n'yo nalang po. sorry talaga ;* labyuuuu again<3

The Pretty Reckless Ms.Nothing<3

---------

"Manong dito lang sa tabi." Sabi ko habang nagre-ready ng lumabas.

"Sa tabi po ma'am?" Ulit nito sa sinabi ko.

"Hindi manong, Try mong i-park sa gitna." Lokong driver 'to. Sana ipinasagasa ko na kay bruno kahapon. Edi sana wala ng bobo sa buhay ko.

"Talaga po ma'am? E, makakasagabal po tayo sa traffic eh." Napakamot niyang sabi. Nang-iinis ba 'tong si manong?

"Ugh! Nakakabobo ka kausap! Itatabi mo 'tong sasakyan o ikaw ang ilalagay ko sa gitna ng daan? Para naman wala ng bobo sa buhay ko!" Inis kong sabi at lumabas nalang kahit hindi pa naitabi yung sasakyan. Maaga siguro akong masisiraan ng bait kay manong! Tang ine,-

Nakarating ako sa school. And as daily routine, inaantay ko nanaman ang pinakagwapo kong fiancee. Nandito ako sa harap ng gate at hindi mapakali dahil patingin-tingin ako sa orasan at sa cellphone ko. Nagbabakasakaling mag'text man siya sakin. Ilang minuto na akong nag-aantay kay Jayvie pero wala pa rin eh.

Nakita ko naman agad si Ryan na naglakad papasok pero hindi niya kasama si Jayvie. Saan nanaman kaya yun? Kumaway ito sakin at kumaway naman ako pabalik.

"Hi." Nakangiting bati nito.

"Hello." bati ko pabalik rito. Napatingin pa ako sa likod nito para kumpirmahin kung nakasunod ba si Jayvie sakanya. Pero wala eh. Napalingon naman ito sa likod niya ng mapansin na parang may hinahanap ako.

"Anong meron? May hinahanap ka?" Takang tanong nito na palingon-lingon sa likod nito at sa akin.

"A-ano kasi. Hindi mo kasama si Jayvie?" Tanong ko rito.

"A-ahh. Y-yun ba? A-ano...." halata namamg nanglaki yung mata nito. "ANO! nasa likod daw siya ng paaralan." Nagulat ako sa pasigaw at paghila niya sakin.

Hindi na ako nakaimik dahil sa gulat at dahil na rin sa rason na alam pala niya kung nasaan si Jayvie. Thanks God! Napaisip ako bigla kung ano ang una kung sasabihin sakanya? Kung paano ko sisimulan ang makipag-usap rito. Naguguluhan ako, at the same time nangangamba. Baka kasi reject na naman ang makuha ko sakanya. Kinakabahan akong malaman na yun talaga ang kalalabasan pag kinausap ko siya. Nasasaktan man ako ay kailangan kong tanggapin yun lang naman ang naging role ko simula nung makilala ko siya. Ang maging tanga sakanya. Nakarating kami sa likod ng building ng school nato pero ni anino ni Jayvie hindi ko makita. Sinong niloloko ng lalaling 'to?

"Sino niloloko mo Ryan Rey Chua?!" Inis kong tanong sakanya dahilan para mapakamot siya sa kanyang ulo. Halatang alam nga niya pero di niya sasabihin.

"A-ano...nauna nalang daw siya sa classroom niya." Nagdadalawang-isip na sagot niya. Kainis!

Lumapit ako't pinandilatan siya ng mata.

"Kapag wala siya sa Classroom, sa pangalawang pagkakataon. Talagang ilalampaso ko yang mukha mo Ryan! Tandaan mo." Padabog akong umalis sa harapa niya. "Kainis!"

"Teka lang....Sefar!" Di ko siya pinakinggan at patuloy pa rin sa paglalakad. Kakalokang mga lalaki kayo!

Ba't ba ang hilig-hilig n'yong magsinungaling sa babae na ang hiling lang naman ay ang katotohanan? Sanay-sanay na talaga kayong makitang masaktan ang mga babae eh nuh? Kung putulin ko kaya pinakaiingatan nyo ng sa ganun maramdaman niyo rin masaktan at kung paano mawalan ng kaligayahan. Dali-dali akong umakyat patungong 3rd floor at naramdaman ko pa ring nakasunod ito saakin.

The Pretty Reckless Ms.NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon