Chapter 14

0 1 0
                                    


The Pretty Reckless Ms.Nothing<3

--------

Ryan's POV

Kanina pa ako tumatawa dito dahil sa pinagagawa ni Sefar. Paano ba naman, hindi pa tapos tumawa dun sa kabaliwan na pagpapahiya niya kay Jayvie.

"Hahaha! Laughtrip yung mukha mo Jayvie." Natatawa niyang sabi dun kay Jayvie habang si Jayvie naman ay ang sama ng tingin nito sakanya.

"Pahiya pa ko sayo! Litsy." Inis nitong sabi.

Ang sarap ngang iumpog ng dalawang 'o ngayon na! Naalala ko naman yung nangyari samin ni Dexter nakaraang araw na nakalipas.

"Dexter." Mahinang tawag ko sakanya.

"Ano?" Baling niya saakin habang inaayos yung ikaapat niyang mata.

"Nakita mo 'yung dalawang yun." Turo ko kela Jayvie at Sefar.

"Oo, bakit?" Nagtataka siyang tumingin sa direksyon ng dalawang yun.

Bumulong naman ako sakanya. Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong iparating. Tumayo na siya't tumabi kay Jayvie. Maya-maya sumunod naman ako at tumabi kay Sefar.

"Shit/Fuck!" Sabay nilang sigaw. Hahaha nakakatawa yung mga mukha nila promise. Binuhat ko lang naman na parang sako si Sefar habang hawak-hawak ni Dexter si Jayvie sa kamay. Nerd nga si dexter pero malaki naman ang katawan.

"Anong ginagawa niyo?!" Inis na tanong ni Sefar samin pero para kaming walang narinig at patuloy lang sa ginagawa.

Binuksan ko naman agad yung pintuan na nasa likod namin.

"It's you Mr.Chua." bungad nung babae saakin halatang nakainom ito sa itsura niya.

"You have two visitors tonight." Sabi ko at saka itinulak yung dalawa sa loob.

"NOOOOOO!" Sabay nilang sigaw at tuluyan ng ipibasok nung babaeng bumungad sakin kanina.

"Gossssh! We have visitors.—KYAAAAAHHHH!" Rinig na rinig namin yung sigawan sa kabilang banda. Hahaha! Ano kayo? Parehas kayong magdusa, bwahahahaha—chos! Nahahawa na ako sa kabaliwan ng babaeng yun. Nag-apir naman kami ni Dexter.

"Ayan! Wala ng maingay." bulong ko sa sarili ko.

Nagpatuloy na naman ako sa aking gunagawa ng mapagod ako't umuwi. Iniwan ko nalang yung dalawa dun total marunong din naman sila umuwi sa kani-kanilang bahay eh.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga. Pinilit kong ipikit yung mga mata ko pero kahit anong pilit ko'y ayaw pa rin. Kainis! Naalala ko tuliy yung mukha nilg babaeng yun. She's adorable and cute for a fine young woman. Base sa kilos niya wala siyang arte, just go with the flow lang siya. Yung mga ngiti, tawa at luha niya. Yun ang hindi ko makakalimutan.

I think i like you Sefar.

Ewan ko kung bakit pero sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan ay nasasaktan rin ako. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko sakanya. Ginusto ko siya the way She is!

Tumayo na ako para magtimpla ng gatas, hindi kasi ako makutulog kakaisip sa babaeng iyon. Ewan ko kung madrama lang ba ako o ganyan talaga. Pumunta ako ng kusina para magtimpla pero hindi ko makita yung sachet ng gatas ko. Hinanap ko na siya aa buong kitchen pati na rin sa lagayan nito pero hindi ko pa rin makita. Kaya no choice nalang ako kyndi bumalik sa kama at hintayin ang antok na dumalaw saakin. Damn!

Maya-maya hindi ko na namalayanna nakatulog na pala ako.

"Hi Rey!" may isang babaeng na bumati saakin. Hindi ko maaninag yung mukha.

"Hello Eise." Sagot ko naman. Nilapitan ko pa siya't hinawakan sa kamay.

Sabay kaming naglakad habang magkahawak ang aming mga kamay. Tinungo namin ang seashore. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papunta dun.

"Ang ganda ng sunset nuh?" Biglang sablita niya.

"Oo nga eh, kasing ganda ng Reyna ko." sagot ko raw at napatingin dun sa babae. Dahan-dahan lumapit ang mga mukha ko sakanyang mukha at hindi inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

*boooogshhh*

"REYYYY!!!!"

"—KYAAAAAHHH!" Pawisan akong bumangon dahil sa napaginipan ko. Para siyang totoo, para siyang nangyari sa totoong buhay. Para siyang—AKO?! Anong nangyayari ngayon! Paulit-ulit na ang panaginip kong ito! Putcha!

Tinignan ko yung side clock ko at nakitang madaling araw pa lamang. Hindi na ako natulog pa ulit dahil takot akong mapanaginipan yung ulit. Natatakot ako sa mga panaginip ko, dahil—fuck! Tumayo nalang ako at nagtungo sa library. Magbabasa muna ako ng mga libro para malibang at makalimutan yung panaginip ko na paulit-ulit nalang nangyayari. Habang hinahanap ko yung paboritong libro ko ay may nahagilap yung mata ko.

'Ano 'to?' First thing that came up on my mind.

Kinuha ko yung parang notebook at may nalaglag na litrato. Pinulot ko 'to at hindi inaasahan ang nakita.

'This is Senpai~' bulong ko sa sarili ko.

Bakit kami magkasama dito? Anong kinalaman niya sa buhay ko? Matagal ko na ba siyang kilala? May pinagsamahan ba kami? Ano bang nangyayari? Aghh! Napasabunot nalang ako sa sarili ko.

Tinignan ko ang nasa likod nito at may nakalagay.

'KING Rey and QUEEN CLARRISSE.'

H-hah? Lalong dunagdag pa yun sa gulo ng utak ko. Hindi ko alam bakit may litrato kaming dalwa na sa pagkakatanda ko ay bago ko pa lang siyang nakilalala?

Kung may kinalaman ka man sa buhay ko Senpai~ay aalamin ko! Itinago ko yung litrato sa may mga libro para siguraduhing jindi ko yun mawawala. Aalamin at aalamin ko kung bakit may litrato kaming magkasama. Bumalik na ako sa higaan ko. Kahit takot ako na mapanaginipan ulit yun ay wala na akong paki. Baka bukas mapuyat nanaman ako at tatamarin akong pumasok.

'CLARRISSE DE LEON. Who are you?'

At tuluyan na akong nakatulog.

---------

Author's Note:

Sino kaya yung Clarrisse na yun? Anong kinalaman niya sa buhay ni Ryan? At ano raw? Gusto niya si Bobitang Sefar?

Papalapit na tayo sa revealation guys! Enjoy ;*

-rullaine143♥

The Pretty Reckless Ms.NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon