Chapter 8

1 2 0
                                    

The Pretty Reckless Ms.Nothing<3

-------

Arielle's POV

My today's Gig was succesfully done. Kaya lumabas na ako ng bar para makapagsindi ng sigarilyo. Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng kagubatan dahil naka-pwesto kasi sa gubat yung bar na pinasukan ko para hindi makita ng mga-hepe. Kundi lagot kami't mawalan pa ko ng trabaho.

Habang naglalakad ako may napansin akong isang babae na nakaupo sa may puno. Para siyang umiiyak dahil yumuyogyog yung balikat nito. Nilapitan ko sya't inabutan ng panyo. Buti nalang dala-dala ko 'to palagi. Paborito ko pa naman 'tong panyong 'to.

"Hey? What are you doing here in the middle of the forest?" I asked as i offered the handkerchief.

Dahan-dahan syang tumingala. Shit!

"IKAW?!" Sabay naming sigaw dahil sa gulat.

"Ba't ka nandito?" Tanong n'ya saakin. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkagulat.

"Ako dapat ang nagtanong sa'yo n'yan eh." sagot ko at napakamot pa ng ulo.

"Aish! Wala ka na dun kuya rockstar." Tch. Napanguso naman ako dun sa sinabi n'ya. KUYA pa talaga yung tawag saakin?

"Stop pointing your mouth. Hindi mo 'yan ikina-gwapo." Sabi nito atsaka napairap.

"Ang hard mo!" Sabi ko at dahan-dahang naupo sa tabi nito. "By the way, bakit ka nga nandito?"

"For some reasons kuya." tipid n'yang sagot saakin at yumuko ulit. Sinampa n'ya yung mga kamay n'ya sa kanyang tuhod.

"Stop calling me kuya. Pinagmuka mo pa saakin na hanggang Kuya-zoned lang ako ay este—na matanda ako sa'yo." Sabi ko sakanya. 'Tong babaeng 'to talaga. Pareho lang kaya kami ng age nuh? Mukhang matanda pa nga siya saakin. Hahaha—joke!

"Tse! Okay, ano nga pangalan mo?" Pairap na tanong nito sakin. Hmmp! Sungit.

"I'm Arielle Monsaga! Arielle nalang itawag mo saakin." nakangiting sabi ko sabay pogi-points hahaha.

"Ahh. Arielle? Yung Arielle 7.50? Hahaha!" Napatawa naman siya dun. Okay na rin atleast tumawa siya.

"Parang yun na nga." Natatawang sagot ko rito.

"Hahahaha! K."

"Masayahin ka pa lang tao." masiglang sabi ko. Nakita ko namang napawi yung ngiti n'ya. Uh-oh! Wrong move ka Arielle! Tanga ko talaga,-

Hindi nalang rin ako nagsalita pa dahil alam kong kailanangan n'ya ng oras para mag-isip at mapag-isa.

"Okay. Nandito lang ako sa tabi mo pag may kailangan ka." Yun nalang atsaka pinagmasdan siya.

Hindi ko masyadong makita yung mukha n'ya pero alam kong maganda siya. Kahit umiiyak man ito. Every part of her is perfect. Her beauty is unique hindi gaya ng iba na lalagyan pa ng make-up yung mukha para gumanda. Eh siya? Konting pulbos lang maganda na. Base rin sa kilos na nakikita ko sakanya ay hindi siya isang maarteng babae. Yung happy go lucky woman lang siya at yung kuntento na siya kung sino at ano ang kasama n'ya. Basta masaya lang ito, okay na! Napatingin ko sa langit. Medyo nagdidilim na rin at makikita mong malapit ng magtatakip-silim.

Napahinto ako sa pagmamasid sa napakaganda n'yang mukha ng biglang may sumulpot na tao. Agad naman n'yang hinila yung katabi kong babae. Napatayo ako sa gulat.

"Hey man! Who are you!" Sigaw na tanong ko rito at saka hinila pabalik sakin yung babae. Ngayon ay hawak-hawak ko na siya.

"Ikaw ang sino! Give me that girl!" Sigaw nito pabalik sakin.

The Pretty Reckless Ms.NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon