Chapter 6

1 2 0
                                    

The Pretty Reckless Ms.Nothing<3

----------

Nang bumalik na sa tino yung utak at katawan ko napagpasiyahan ko ng umuwi. Pagdating ko sa bahay agad naman akong sinalubong ng mga maids.

"Ms. Pretty Cielo Sefar Varciano Ong. Bakit ang basa n'yo po ma'am?" Nag-aalalang tanong nito. Kung siya nanaman ang makakausap at makakasalubong ngayong pag-uwi ko sana hindi nalang ako umuwi at hinayaan ang sarili ko na liparin sa bagyo.

"Ang init kasi sa labas kaya basang-basa ko ngayon! Stupid! Isn't it to obvious? Bobo." Galit kong sabi rito. Naku! Naku! Ilayo n'yo yang bobitang yan sakin baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sakanya ko maibuhos yung lahat ng galit at sama ng loob ko.

"Ay!—sorry po ma'am." Napahinto ako sa sinabi n'ya. Bumalik sa utak ko yung nangyari kanina. Yung sorry n'ya.

"Sorry mo mukha mo!" Singhal ko rito. Napatingin naman ako du'n sa ibang maid.

"At anong tinitingin-tingin n'yo jan? Hindi kayo binabayaran para tumunganga lang! Now, back to work!" Agad naman silang natakot at nagsibalikan sa mga ginagawa nila. Marunong rin naman pala matakot eh.

May isang maid na nag-abot sa akin ng tuwalya at agad ko namang inabot. Ibinigay ko sakanya yung payong na dala-dala ko.

"Anong gagawin ko po dito ma'am?" Takang tanong nito habang nakatingala saakin.

"Isalsak mo sa bunganga mo!" Sigaw ko saka umalis na sa harapan nito. Nakaka-imbyernang mga katulong kayo!

"Eh, ma'am? Yung totoo po kasi." Tawag n'ya sakin. Napalingon naman ako sakanya at saka sinabing.

"Yung totoo? K." Humugot ako ng malalim na hininga saka nagsalita. "YUNG TOTOONG HINDI KO MAIAALIS SA PUSO'T ISIPAN KO NA MAHAL KO ANG ISANG KATULAD N'YA!" Napasigaw ako dun kasabay ng pagpatak uli ng nga luha ko. Hindi na naman kumibo yung maid at umalis na sa harapan ko na nakayuko.

Putang'na!

Pumasok ako sa silid ko atsaka naligo. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng mga kailangan kong gawin ay nahiga na ako sa kama ko't natulog. Wala akong gana mag-isip ngayong araw. Blanko lahat! Gusto ko munang magpahinga at matulog. Nakakatamad rin palang masaktan nuh? Na paulit-ulit na nangyayari sa akin.

*********

Kinabukasan, nagising ako na mainit ang pakiramdam. Sa pagkakatanda ko kahapon, nakabukas yung aircon ko pero ba't ang init? Tatayo na sana ako pero namanhid bigla yung buong katawan ko. Agad ko namang tinawag si Lolo.

"LOLOOOOO!" I shouted, eventhough nahihirapan ako.

"*hingal* bakit apo?" Lolo rushed in. Humihingal pa ito at makikita mo sa mukha na nag-aalala.

"Ano po. Ang init ng pakiramdam ko 'ho." Sagot ko rito. Napahagikgik naman si lolo sa sinabi ko.

"Tinatawa-tawa mo jan, lolo?" 'Tong matandang 'to ang sarap ihambalos! Kainis.

"Ilabas mo lang 'yan apo. Nagdadalaga ka na talaga. Hahaha!" Lumaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya.

"LOLO!" Singhal ko rito. Kung ano ba naman iniisip.

"Hahaha! Biro lang." Lumapit naman ito saakin saka inilapat yung kamay n'ya sa noo ko. Napabitaw naman ito agad dahil sa hindi ko alam. "Nag-aapoy ka sa lagnat, apo ko. Nagpaulan ka siguro kagabi. Teka tatawagin ko lang si Yaya Melda." Sabi ni lolo sakin atsaka lumabas. Oo, lolo nagpaulan ako dahil sa kaba at takot na baka matangay ang magandang ako sa isang malakas na hangin. Hindi n'yo na makikita ang maganda n'yong apo.

The Pretty Reckless Ms.NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon