Kabanata 7: Ang Diyosa ng Alitan

165 6 0
                                    

 “…Ho?”

“Nagustuhan ng modelo ang iyong mga ginuhit lalo na ang larawan niya na ginuhit mo. Siya ay hanga hanga sa 'yo. Sige, Ms. Dales.Una muna ako.” Iniwan siya nito ngunit napasimangot si Alessandra na nakita niya si Charley naging kalahating kabayo sa baba. “Charley? Chiron?”

Nang umuwi ang dalaga sa bahay, siya’y sumigaw ng, “Claire! Morgan! Nandito na ako!” ngunit walang tao ang sumagot sa kanya.

“Morgan?”

Dahil sa tahimik, siya ay nagmadaling pumunta sa sala at nakita niya ang nakakalat na lugar. “Morgan! Claire!” iyak niya.

Kring… kring… kring… toot…

“Hey, these’r Dales. We’ll be out shortly, so, just please leave a message after the beep and we’ll just call you back.”

Tumingin si Alessandra sa telepono nung siya’y nakarinig nito.

Beep. Beep. Beep. Bee-

“Alessandra Dales, a.k.a, dalagang na may abuhing mata. Alam ko nga pakikinggan mo ang aking sasabihin, oh, dapat nga, o hindi mo makikita ang pamilya mo ulit. Ngayon, pakinggan mo akong mabuti. Hindi mo alam kung sino ako pero alam ko kung sino ikaw, pwede mo akong tawagin sa pangalan, Ellen. Huwag mong tanungin ang iyong sarili dahil hindi mo masasagot. Sinasayang mo lang ang oras mo.”

“Gusto ko na dalhin mo ang iyong sarili dito sa aking lugar kung gusto mong iligtas ang ate mo at si Morgan. Punta ka sa Southstreet Fort at doon, meron kang makitang daan. Dito ka maglakad, at hanapin mo ang aking mansyon… Bilisan mo, Alessandra. Dapat ka nandito bago ang orasan ay tumama sa anim, o, paalam na kay Claire at Morgan… Tiktok!”

Beeeep…

Pinuntahan ni Sandra ang lugar na nabanggit. Kanyang sinunod ang mga direksyon na ibinigay at doon natagpuan niya ang isang malaki ngunit madilim na mansyon. Siya'y pumunta sa loob nito, at doon nakita niya si Claire at Morgan, nakatali sa isang lubid na hindi maputol. “Claire! Morgan!” ang kanyang sigaw.

Sinubukan niyang putulin ang mga lubid na nakatali sa kanila ngunit hindi ito maputol. Biglang may dalawang lalaki ang dumakma sa kanyang mga braso, hindi siya makagalaw dahil dito. “Arg!”

“Uh-uh-uh, mga alaga ko. Dapat nating tratuhin ang ating bisita ng mabuti.” Ang pamilyar na nakahihikayat na tinig kasama isang alik-ik ang nagsabi sa dalawang lalaki. Sila ay sumunod sa kanyang utos at biglang nawala kasama ang isang usok.

Ang magandang babae ay nagpakita sa kanyang harapan, at ang kanyang masamang ngisi ay palagi niyang isinuot sa mukha. Siya ay lumitaw sa harap ni Alessandra, at tumingin sa kanyang mukha ng mabuti. “Ah… totoo… mga matang abuhin puno ng tanong, puso kasing itim katulad sa akin.” Ang babae ay umalik-ik.

“Ellen, pakawalan mo sila.”

“Oh?” Si Ellen ay ngumisi ulit, ang isang kilay ay itinaas.

“Nandito na ako. Pakawalan mo sila.”

“Pero, ika’y nahuli ng isang minuto. Sabi ko bago ng oras.” Kanyang tinukso ang dalaga para siya ay mainis. “Sinungaling ka…”

“Tsk! Mortal, mortal, mortal! At ang kanilang mga salita.” Napikon si Ellen at sinikmat niya ang kanyang mga daliri, usok ang tumatali kay Alessandra. “Bakit ka bang kailangang mag-alala sa kanila, Ally, na sa katunayan, hindi mo sila pamilyang totoo.”

“Wala silang pakialam sa iyo,” dagdag ng babae habang inukitan niya si Alessandra, “wala.”

“Ang palagi nasa ulo nila ay ikaw ang ahas ng kanilang buhay, Ally. Isang problema.”

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon