Kabanata 4: Mistoryosong Mag-asawa

189 9 5
                                    

Ang higanteng aso na may tatlong ulo ay lumapit at umangil kaya siya ay natakot. Pinikitan niya ang kanyang mga mata nung sandaling may humaginit. “Ruben.” Tinawag ni Harry ang kanyang aso at ito ay tumakbo sa kanyang harapan. Ang dalaga naman ay huminga ng mabilis at nagulat nang nakita niya ang aso ay naging normal.

“Magaling, Ruben.”

Sa narinig ni Sandra, siya ay nagreklamo. “Magaling?” tanong niya na may tono. “Hoy tanda! Tingnan mo ano ang nagawa ng magaling mong aso sa akin!”

“Hmm…Which of the two of you was trespassing a property?” tanong ng nakaitim na lalaki na ngumingiti. “Sa palagay ko, ginawa ni Ruben ang kanyang trabaho, bata.” Dagdag niya sa isang malalim ngunit magaspang na boses.

Sugat ang nakuha ni Alessandra sa pagkabagsak niya sa sementong lupa kasama ang kanyang bike. Naging masakit ito sapagkat ito ay malaki. Umupo siya sa gilid ng kalsada at napangiwi sa sakit. “Aray.”

Maya-maya, may itim na sasakyan ang dumating, at bumaba ang isang magandang babae na may kulay mais gintong buhok. Ang pangalan niya ay si Sophie Platen, ang asawa ng may-ari ng punerarya. Minsan, hindi mapaniwalaan ng iba kung paano nakuha sa pusong itim ang si mabatang Sophie. Ngunit hindi alam ng iba na mapagmahal si Harry kay Sophie. 

Marami ang di makapagpaniwala subalit ito’y mas mabuti pa kaysa sa mag-asawang Hutcher na sina Vanesse, isang modelo at pinakamagandang babae na nakikilala ng lahat ng mga lalaki, at si Phil, isang walang kaganda-gandang mukha.

 “Ah,” sabi ni Harry habang nilapitan ang kanyang asawa, “maligayang pagbalik, mahal.” At siya’y sinagot nito ng malungkot na ngiti, at si Harry ay dumagdag, “Kamusta ang mga araw kasama ang iyong ina?”

Mukhang malungkot si Sophie na wala siyang gana pumansin at makipag-usap sa kanyang asawa. Gusto lang niya pumunta sa loob ng mansyon at magpahinga. Subalit nakita niya ang sugatan na dalaga na nakaupo sa gilid ng kalsada, at ito, ang kumuha sa kanyang atensyon.

“Ok ka lang ba, bata?”

Tumingin si Alessandra sa kanya. “Oh, Mrs. Platen.” Siya ay humingal sa gulat. “Oo,” sumagot si Sandra, itinago ang kanyang sugat, “hindi naman ito seryoso, eh.”

“Pwedeng tingnan?”

“H-huwag, huwag-” iyak ng dalaga habang pinipilit siya ni Sophie na ipakita ang kanyang sugat. “Huwa-”

“Tsk, tsk, tsk. Kaawa-awa. Sumama ka sa akin sa loob para matulungan kita d’yan.”

Hindi niya natanggihan ang alok nito kaya siya ay napunta sa loob ng kanilang tirahan. Ginamot ng maputing babae ang sugatan. “Ano ba ang pangalan mo, bata?”

At si Alessandra ay sumagot, “Alessandra.”

“Alessandra? Alessandra Ketchers?” ang mahinang tanong ni Sophie, napatingin sa kanyang asawa sa isang makabuluhang tingin.

“Hindi. Alessandra Dales.” Sagot ng dalaga. “At, huwag mo naman akong tawaging ‘bata’ ulit dahil kung ikaw ay tingnan ay parang kasing edad lang tayo.” Dagdag niya.

Ngumiti si Sophie at siya ay mahinang humalakhak. Si Alessandra ay humalakhak rin ng mahina. “A-ano ba ang nakakatawa ’dun?”

“Wala.Wala.”

“Umm….Mrs. Platen… Kailangan ko ng…Salamat sa iyong tulong.”

“Walang anuman.” Sagot ni Sophie na ngumingiti, at si Sandra ay umalis na nag-iisip sa kanyang sugat sa siko na hindi na ito sumasakit, at gulat sa kanyang nakita, ang kanyang sugat ay gumaling parang walang nangyari sa ito.

Dahil dito, inakala niya na mayroon siyang problema sa sarili sapagkat kanina ay nakakita siya ng higanteng aso na may tatlong nakakatakot na ulo at siya ay hinabol nito. Ikalawa, ang malaking sugat niya sa siko ay nawala.

Sa anong nangyari, siya ay nag-isip buong magdamag. Imposible itong pakinggan ngunit alam niya totoo ang kanyang nakita.

Cerberus.

Alam niya na ito ang halimaw na humabol sa kanya doon sa bakuran ng Platen datapuwa’t ang huli niyang nakita muli ay ang asong Rottweiler. Ano ba  ang nangyari sa kanya?

“Hoy, Ales!” sikmat ng isang binata na kaibigan niya. “Gumising ka nga sa panaginip mo diyan!” dagdag ng isa habang ngumunguya. “Dapat nating mahanap yung mataglay na kayamanan. Isang malaking halaga ang naghihintay sa ating lahat.”

“Hah? Oo.” Tugon ni Sandra, bumabalik sa kanyang isip, nang biglang sinunggab siya ng isa pa sa miyembro ng grupo na kaagad niyang itinanggal ang braso na nakapatong sa kanyang balikat. “Huwag mo akong hawakan. Aking ginagawa ito dahil sa pera.”

“Tsk! Tara na nga!”

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon