Kabanata 2: Gabing Nakatadhana

238 8 4
                                    

Ang mga bata ay nag-iyakan ulit dahil sila ay natakot. “Hah? Ano ba talaga ang nasa librong 'yun?” ang tanong ni Lois, ang kanyang mga kamay ay hawak-hawak ang mga gamit, at bigla naman bumalik ang ilaw.

Ang kulog, kidlat at lindol ay tumigil.

……

“Ano ba ang nangyayari?”

……

Off.

Ang kulog ay mas malakas pa sa dati ganun rin ang kidlat at ang lindol. Ang hangin ay umihip ng napakalakas na naging dahilan sa pagbuklat sa lahat ng pahina sa libro. “Ang libro! Isara nyo ang libro!”

Ngunit ang gabi ay madilim. Mga papel, mga gamit ay nagsisiliparan na sa bahay, at ang kidlat ay tumama sa bahay, at ito ang nagsimula sa pagkakabasag ng mga salamin at and dahilan sa sunog. At sa hindi inaasahan, may kislap na lumabas sa libro habang patuloy pa rin ang paglindol, pagkulog, pagkidlat, pag-ulan, pag-ihip ng malakas na hangin.

Ang lahat ay walang makita nang biglang may mga maliwanag na ilaw, kasing liwanag ng araw, at biglang may nagpakita sa kanilang harapan. Subalit meron rin silang narinig na may tumili at umungal ng malakas, at ito ay nakakatakot pakinggan.

“Takbo! Takbo!”

“Takbo sa labas!” Ang boses ni Davis ay nagaalingawngaw. “Takbo!” 

 Takbo, takbo…takbo…

 Ang gabing iyon ay madilim at malamig ngunit naging mainit dahil ang malaking bahay ay unti-unting nasusunog at walang iba nakakaalam kung paano ito nangyari. Si Chaddy, ang kanilang batang aso, ay maingay na tumatahol habang natandaan ni Alessandra na siya ay umiiyak sa madamong lupa at mukhang  marungis katulad ng kanyang sinusuot na puting damit na pantulog ay naging kulubot at mapunit rin.

 Rooooooooooaaaarrrr! 

“Mommy…daddy…” 

Roooaaaarr! 

Isang pilak na palaso ay ang matibay tumama sa malaking halimaw na may tatlong uri na hayop sa isang katawan (isang leon, isang ahas, at isang kambing na humihinga’y apoy) na nagpapalapit sa babaeng bata, at saka ang arkero ay mabilis tumakbo para saklutin siya. “Aaaah!” ang iyak ni Alessandra nang binuhat siya sa matangkad na babaeng olandes na nakasuot ng puting tunic, at panang pilak ay dala-dala ng kanyang isang kamay habang ang isa ay nagbubuhat. “Aaaaah!” Patuloy na iyak ni Alessandra. “Mommy! Daddy! Mommy!”

“… Ako ang bahala sa bata, ikaw ang bahala sa mga halimaw na susunod sa amin…”

“Tanggapin mo ito! Kayong mga karumal-dumal na halimaw!” Ang sigaw ng isang nakasandatang lalaki habang hinahampas ang kanyang matibay na sibat.

Ang dalaga ay huminto, at ipinasa si Sandra sa isa pang nakakaakit na babae, katabi ng lalaking nakasandata, na nakasuot ng magarang na puting chiton ngunit mapangahas at nakatutukso. Sabik nitong itinanggap ang bata, at siya’y patakbong umalis sa kaguluhan, at sumunod ang mangangasong babae.

“Mommy! Daddy!”

“Shhh… huwag kanang umiyak kaawa-awang bata.” Sabi ng magandang babae sabay ng isang matamis na ngiti, ang kanyang mapayat at malambot na kamay ay nagpupunas sa kanyang luha. “Huwag kanang umiyak, Ales…sandra…

Sa gabi na iyon, nawasak ang pamilyang Ketchers. Lahat sila ay nawala maliban sa apat na taong gulang na si Alessandra kung sino ang naligtas lamang dahil siya ay tinulungan sa mga taong kahangahanga.

Lumipas ang maraming taon, ang lahat na alaala ng Ketchers ay buong nawala kasama ang libro na walang anumang tao ang makabukas sapagkat kailangan ito ng susi, at ang susi ay nawala na.  

WAKAS NG PANIMULA…

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon