Kabanata 5: Pagnanakaw ng Librong Ginto

200 8 0
                                    

Sa isang maluwang na gusali tawag Mulborrows Row, dito matatagpuan ang mga kagamitan na kahanga-hanga. Ito ang mga gamit na tinawag nilang mahiwaga kung kaya ito ay mabuting binabantayan ng apat na maririkit na binibini.  

Makikita dito ang hindi na mapaniwalaan na kumikinang na puno gawa sa ginto na may mga gintong mansanas nito. Dito rin matatagpuan ang mga rebulto, sandata at ano pang mahalagang gamit sa mga tinatawag nilang diyos at diyosa. Nandito ang mga tsinelas na may pakpak ni Hermes, ang mga sandata ni Ares, ang dalawang ulo na palakol ni Hephaestus, and kudyapi ni Apollo, ang pana ni Artemis, ang mga trono nila at iba pa.  

Ang grupo, gayunman, ay hindi para sa mga ito ngunit sa kanilang hinahanap na ginto rin. Naniwala sila na dito nila ito makita.  

Bakit nila itong hinahanap?

  Sila ay inutusan na maghanap at kapag mahanap nila ito, sila’y makatanggap ng gantimpala. Hindi sila makakatanggi nito.  

Nang sila ay nasa loob ng Mulborrows Row, sinalubong sila ng apat na babae kasama ang kanilang matatamis na mga ngiti. “Ano po ang maihatid namin sa iyo, mga binata?”  

“Umm….nandito po kami para sa isang proyekto namin sa school…”  

Tumutuklas sa lugar,inaliw ang apat na babae sa mga binata habang si Alessandra ay humahanap ng isang makapal na gintong rektanggulo. “Nasaan ka na ba?” bulong niya. “Saan…”

  Alessandra…

  Si Alessandra ay tumingin sa kanan at nakita ang isang gintong libro na nakapatong sa isang marmol na lamesa at siya ay napangisihan. Binigay siya ng senyas pagkatapos niya nakuha.

  “Ang Venus de Milo ay talagang napaka-” napahinto ang isa at tumango. Siya ay nagbigay ng senyas at tumakbo, at napansin ng mga tagabantay na meron silang ninakaw kaya kanilang hinabol sila.

  “Tigil mga bata! Tigil!” sigaw ng isa sa mga apat na naghahabol sa binatang nagdadala ng libro, kanyang kamay umabot sa maitim na chaketa, subalit, gura ang kanyang naabot, at ang tinaguan na mataas na buhok ay bumagsak. Napatigil ang babae at buo niyang nakita ang mukha sa magnanakaw, pero si Sandra ay nakatakas sa kanya.  

“Lagot tayo ni Zeus.” Hingal ng apat. “Dapat nating isumbong ito.”      

                                                                              *****                             
“Magaling, Ales!”  

“Ikaw na talaga!” ang sigaw ng mga binata na nagpapalayo.

  Sa isang madilim na lugar ay dito nilang ibinigay ang libro. Ibinigay nila sa isang lalaki kung sino ang tinawag nilang amo.

  “Magaling, magaling.” Sabi ng lalaki sa isang malali na boses habang nakatawa. Ang libro ay kanyang tinitigan at ang mga masasamang ngiti niya ay napakita sa kanyang mukha. “Ngayon, ibigay mo sa akin ang susi!”

  Bigla silang natamimi nung hiningian sila ng susi na hindi nila alam. “S-susi? A-anong s-susi?” utal ng pulang buhok na binata. “W-walang susi naman po.”  

Tumingin ang lalaki sa isang nakakatakot na titig, at siya ay nagalit. “ANO!”  

“Walang susi?” Siya ay sumigaw. “Hanapin mo ang susi!”

  “Ano kaya kung bigyan mo muna kami ng pera.” Sagot ni Alessandra. “Pinaghirapan namin ang libro. Ang kasunduan ay kasunduan! Pinangako mo ‘yun!”

“A-Alessandra…” tawag ng isa na natatakot.  

“Ah, hindi niyo pala gagawin ang inutos ko, hah. Sige.”  

Ngumiti siya at tinawag ang kanyang mga tao na nagsisilbi sa kanya. “Kayo na ang bahala sa…gantimpala, mga alagad.” At siya ay umalis kasama ang kanyang asawa at ang libro. “Tanggapin nyo ang inyong pera! Hahaha!”  

“Hindi ito mabuti…” Ang isa ay nagsalita sabay lunok.  

Sila ay umatras nung nilapitan sila ng mga ito. Ang mga mukha nila ay naging nakakaiba sapagkat ang mga ito ay kaunting napupunit at napapangit. Ang kanilang balat ay napupunit at biglang nagbago ang kanilang anyo, at sila ay naging mga halimaw.

Sa mga lalaki, katawan ay naging malaki at maitim, at ulo ay naging bakang nakakatakot. Mga halimaw na may katawang at sila'y humihinga dalang usok sa kanilang ilong.

Sa kabila naman ang mga babae ay nagbabago ng anyo, magagandang mukha’y pumapangit at ngipin ay matulis, mga braso ay tinutubuan ng mga balahibo at mga ito’y naging malaking pakpak ng ibon, gayun din sa kanilang mga binti at paa ay naging sa ibon rin.

Mga paningin ay gutom, handa na sa almusal nilang nakikita. Ang kanilag ungal at sigaw ang nagtakot sa mga kababata. Sandali lamang ang mga ito na umatake sa nagtatakbuhan na mga bata. Mabuti, nakalabas si Alessandra pero nasusugatan dahil sa paglukso sa bintana. Rinig na rinig niya ang malakas na sigawan ng kanyang mga kasama ngunit wala siyang magawa kundi ang magtigas sa sarili dahil siya ay hinahabol ng mga ibong babae.

  “AAAAAaaaaaark!” Ang tili ng ibong babae na lumilipad at humahabol, sinubukan nilang kakagatin. Nakailag si Sandra. Iba naman nito’y sumunod at nagsimulang humabol sa dalaga.   Sa malayong natakbuhan ng biktima, siya ay nakatagpo ng bato na ito ang dahilan na siya ay natapilok. Siya ay napatibik sa sakit at napaiyak dahil inakala niya na ito na ang huli ng kanyang buhay. O, ito ba talaga? Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata, naghihintay sa isang mangyaring milagro kung meron pa ba.  

Aaaaaaaaccckkkk!  

….Lubdub…Lubdub…  

Aaaaaaa-  

“Hah!”  

May sandaling sumunggab kay Alessandra, at ito ang nagligtas sa kanya sa kapahamakan. “Muntik na ’yun, hah.” Sabi ng magandang binata habang nagbubuhat sa kanya. Ang mga mapuputing pakpak nito ay pumapalakpak sa mahinahong hangin. “Ok ka lang ba?”

  Si Alessandra ay tumingin pababa at nakatuklas na siya pala’y lumilipad. Bigla siyang nabigla dahil dito. “Ano-” Hindi siya makapaniwala.  

“Ika’y ligtas na.” ngumiti ng matamis ang magandang lalaki.  

Tumingin ulit si Sandra sa baba at meron siyang nakitang mga tao na lumalaban sa mga halimaw. May dalawang lalaki, at isang babae na may dala dalang pana.  

“H-huh? S-sino?”  

“Hindi mo alam? Ang napakamalakas na si Herakles at Theseus, at ang napakamabilis na si Atalanta!”

“H-hah? A-ano? Ano bang biro ito? I-ikaw? Sino ka ba, hah? Anong panaginip ba ito?”  

“Ako? Sa panahon ngayon, ako ay tinatawag nilang Aaron pero ako ay si Eros.” Sampatikong sinagot siya nito.

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon