Kabanata 3: Alessandra Dales

202 8 11
                                    

Ang Huling Susi ng Gintong Libro

Alessandra…

Alessandra…

Alessan…

“Dra!” ang mahinahon na bulong na tumawag kay Alessandra Dales ay biglang napalitan ng isang malakas na boses ng isang binata.

Napagising ang brunette sa kanyang upuan habang ang kanyang ulo ay nakasandig sa mesang napupuno ng kalat na papel, at noon lamang nalaman ng dalaga na siya ay nakatulog pala samantalang siya ay may ginuhit kagabi.

“Alessandra! Gising ka na, sleepyhead!”

“Urg…” Habik ni Alessandra na naiinis. “Ano ba?”

Binuksan niya ang pinto at sa labas ay nakatayo ang isang matangkad na babae, katabi sa binata. Ang kanyang mukha ay nakasimangot parang siya ay galit kay Alessandra. “Alessandra, dapat tayong mag-usap.” Ang mahinang wika nito.

“Bakit ba? Ang disturbo naman niyo sa umaga, oh!” Ang sagot ni Sandra na nagyayamot. “Ales, nagsasama ka pa rin ba sa mga manggugulong kaibagan mo?” tanong ng babae.

“Claire, hindi na dapat iyun tinatanong. Klaro naman, eh.” Sabat ng binata.

“Tahimik, Morgan!” ang galit na sabi ni Claire Dales sa kanyang nakababatang kapatid. Subalit ang si Alessandra, ay hindi sumagot, sa halip, kanyang tinapon ang sarili sa kanyang kama para huminga ulit.

“Ales!”

“ANO!”

“Sumasama ka pa rin ba nilang Steph, Josh, Luk?"

“Tsk. Ano ba ’to, isang interrogation?

Si Claire ay nagalit dahil naging matigas ang ulo ni Alessandra. Dahil dito, binigyan niyang isang mabalasik na titig ang dalaga, at napilitan siyang sumagot. “Sige, na nga!”

“Sumasama pa rin ako sa kanila. Meron bang problema ’dun?”

“Malaki, Alessandra!” Ang matunog na tugon ni Claire kay Alessandra. “Kayo ay nagnanakaw palagi. Hindi kita pinalaki bilang isang tulisan, Ales! Ako ay isang cop! Hindi ko gusto-”

Bumangon si Sandra at biglang nagalit.“Hindi kami nagnanakaw.”

“Hindi? Hindi? Hindi? Eh, ano ba ang tawag niyo 'dun?"

“Pinahahanap lang kami ng isang bagay na kulay ginto na ang hugis ay taluhaba. ’Yun lang!” Siya ay umalis bago siya ay sinabihan ni Claire ng, “Ales,  gusto ko lang kitang protektahan.”

“Protektahan? Sa ano?” uyam ni Sandra na ang ngiti ay isang kunwari lamang. “Claire, ang mga magulang ko ay nag-iisa lamang at wala na sila, kaya huwag kang magpanggap na ikaw ay sila.” At siya ay umalis.

Si Claire ay sumunod at may sinabi na naging dahilan sa paghinto ng dalaga. “Alessandra, ako ay sumusunod lamang sa pakiusap ng dalawang diyosa na nag-anyong babae na nagbigay sa ’yo sa akin noong gabi na iyon.”

Pero si Alessandra ay kasing tigas ng bato. Hindi siya pinakinggan nito. Si Sandra ay patuloy lumabas sa kuwarto para humanap ng matahimik na lugar kung saan siya makapagpahinga ng mabuti, subalit nawala ang kanyang inip kaya siya ay lumabas na lamang sa bahay sakay ang kanyang bike upang ubusin ang kanyang nanatiling oras.

Nang siya ay nagbebesekleta, nakarinig siya ng balita na may tao na naman ang namatay kagabi dahil sa isang animal attack, ngunit walang nakakaalam kung ano ang umatake sa mga biktima. Habang nagpatuloy si Sandra, napansin niya ang mapag-isa na tagabantay ng punerarya na si Harry Platen, na siyang ang pinakayaman na tao sa Mythsbourg, mas mayaman pa kaysa sa mga kapatid niya na si Joseph at si Donald. Kamakailan marami siyang mga kliente sapagka't tuwing gabi may inaataki ng hayop.

Minsan, si Harry ay nakakatakot. Siya ay palaging nag-iisa kasama ang kanyang malaking aso na isang Rottweiler. At si Alessandra, na naging usyoso sa mga masasamang balita, ay napababa. Siya ay pumunta patungo sa malaking mansyon ngunit ang maitim na aso ay tumahol ng malalim. At dahil siya ay hinabol nito, siya ay napasabi ng, “Shi-”

Dahandahan, ang aso ay tumahol na mas malalim at mas malakas pa sa huling tahol. “Tahol! Tahol!” Ang balat nito ay napunit habang ito ay nagpapalaki, kasing laki sa bahay ng tagabantay. Nabigla si Sandra sa kanyang nakita sapagkat wala siyang nakitang hayop na katulad nito.

Napansin ni Sandra ang lupa na kanyang tinakbuhan ay naging malabo kaya siya ay napatingin sa likod. Ito pala’y anino ng higanteng aso na may dalawang mapapangit na ulo ang tumubo sa kilid ng leeg nito.

Sa pagkita niya sa asong halimaw, dumilat ang kanyang abuhing mata, at sa pagkakataon ay siya’y nadulas sa kanyang bike. “A-ano…”

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon