Kabanata 8: Mga Bayani at Gorgon

191 6 0
                                    

Habang siya ay tumatanaw sa kanyang dinadaraanan, nakita niya na may espada na nakasandal sa magaspang na dingding at sa palagay niya na ito’y isang gamit na makatulong sa kanya. Kinuha niya ito kahit ito ay mabigat.

Sneak.Sneak.Sneak. At nakasalubong niya naman ang mga mapapangit na minotaur na papunta sa kanyang direksyon kaya bumalik siya sa kanyang dinaraanan na nanenerbyoso at natatakot. At mga kamay ay lumalamig habang bitbit ang espadang mabigat.

Dahil sa kanyang pagtatanaw sa likod, hindi niya napansin na meron na siyang nabangga sa harapan at siya ay napatalon sa kaba, ganun din sa taong nabangga rin niya. Ang espada nito ay handang pumutol ng halimaw subalit napigilan nito nung nalaman niya na isang mabatang babae pala ang bumangga sa kanya.  

“Anong ginagawa mo dito?”Pabulong na tanong ng lalaki. “Ako ay naghahanap ng libro!” bulong na sagot ni Alessandra. “Ang mga minotaur…”

“Sumunod ka sa akin.” At sumunod si Alessandra sa kanya. “Huwag kang umasa na minotaur lamang ang halimaw dito dahil meron pang ibang uri na halimaw na nagtatago…”

Totoo ang sinabi ng lalaki. Nakita ni Sandra may tatlong lalaki ang nagsagupaan sa mga halimaw na harpies at dalawang minotaurs. Meron pang mga higante na may isang mata pala.

Natumba ang dalawang higante, at tatlong palasok ang pumatay sa ibang harpies na umatake sa mga matatapang at malalakas na lalaki.

“S-Sino ka ba?” ang tanong ni Alessandra.

“Ako si Jason.” Sagot ng lalaki. “At sila naman ay ang ibang mga bayani, sina Theseus, Herakles, at Perseus.”

“At ako naman si Atalanta.” Sabi ng babae na may dalang pana.

Si Alessandra ay nabigla nung nalaman at nakilala niya ng kahanga-hangang bayani noon. “Pero bata, ano ba ang ginagawa mo dito sa isang mapanganib na lugar?” dagdag ni Atalanta. “Ako ay”

Napahinto si Alessandra nang narinig niya ang mga nagpapalapit na tinig kaya kaagad tinawag ni Theseus si Herakles habang tumatakbo patungo sa isang bilog na batong pinto. “May marami pang mga hayop na patungo dito,” sabi ni Theseus, “Herakles, kailangan namin ang tulong dito. Kailangang kong buksan mo ito.”

Tinulak ni Herakles ang higanteng bato patagilid para sila ay may madaanan. Ito ay bumuka. Ang lima naman ay umunang pumunta sa loob at si Herakles din, pagkatapos kanyang isinara ang pintong bato.

“Hhhsssssssssssssss!”nagsisisutsot na ingay ng mga ahas.

Hssssssssssss…

“Hindi ito mabuti.”

Si Perseus ay humawak sa estatwang lalaki na nakasimangot, at siya ay tumingin sa palibot. “Nandito tayo sa pugad ng mga Gorgons.” Wika ni Perseus na humahanda sa kanyang sandata. “Atalanta, kailangan namin ang iyong tulong. Tayong mga lalaki ay dapat mag-ingat dahil tayo ang mga biktima sa mga gorgong halimaw na ito.”

“Isang tingin sa mga mata ay kami’y magiging bato.” Dagdag ni Perseus. “Isang tingin kami’y masusunog… Isang tingin kami’y mahuhulog sa kanyang abilidad, at dahandahang kami’y pupunitin nito…”

Hsssssss! Hsssss! Hssssss!

“Hahahaha!” ang nakasasamang halakhak ng mga babae ang nag-alingawngaw sa buong lugar ng pugad. “Perseus, nagawa mo naman ito dati, diba? Si Medusa?” tanong ni Alessandra habang nakikinig sa masamang halakhakan ng mga gorgong magkapatid. Si Perseus ay sumagot ng “oo” ngunit, “hindi kay Stheno at Euryale.”

Ang halakhak ng tatlong magkapatid ay malakas habang sila’y nagdadabog dabogan sa mga ibang nasisirang bato, gumagapang ng mabilis patungo sa kanilang bibiktimahin. Sila’y nagtutuwaang humahabol sa kanila, mga bayani’y tumakbo palayo.

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon