Kabanata 1: Ang Ketchers

803 15 10
                                    

Panimula

Lahat tayo ay binigyan ng kakayahan sa sarili na dapat nating maipagmamalaki, ngunit meron pang iba ang hindi nakatuklas kung ano ang kanilang makakayang gawin, at ang iba naman, hindi sila masaya sa anong talento ang kanilang mayroon. Isa sa mga ito ay isang pamilya na nakatanggap ng isang nakakamangha na abilidad. Isang kakayahan na hindi maipaliwanag at mapaniwalaan sa mundo. Ito ay isang malikhaing talento sa isipan, at kung ano ang kanilang isinulat at iginuhit na bagay, tauhan o pangyayari, ay nagiging isang katotohanan.

Ito ang pamilyang Ketchers, isang masayang pamilya na binubuo ng anim na miyembro: Si Mr. at Mrs. Ketchers at ang kanilang apat na anak na sina Lois, ang panganay na babae, Dean, ang ikalawa sa panganay, ang anim na taong gulang na si Michael, at si Alessandra, ang bunso ng pamilya na apat na taong gulang pa lamang.

Sila ay nakatira sa isang mapayapang lugar na napapalibutan ng mga malalaking puno at iba pang mga halaman at kakahuyan, malayo sa mga nakakaingay na tao. Ito ay matatagpuan sa isang maliit ngunit maganda na lungsod na ang tawag ay "Mythsbourg" na minsa'y tinawag bilang mistoryosong lungsod sapagkat ang pangalan ng lugar ay hindi ganito noon ngunit Neilsbourg. Subalit walang nakakaalam kung ano ang nangyari. Nalimutan naman sa mga tao ang tungkol sa nakaraan.

Dito ang pamilyang Ketchers namuhay ng mahusay, at dito rin ito nawasak, dahil sa kanilang katutubong kakayahan.

Sabi ng mga ibang matatanda na sila ay isang desedyente ng isa sa mga siyam na musa na si Thalia, o sa diyos ng araw na si Apollo kung sino rin ang diyos ng sining. Ang sabi naman ng iba na ang kanilang mga kakayahan ay iniregalo ni Apollo o Athena sa kanilang mga ninuno, at dahil dito, nakuha nila ang abilidad.

Ngunit ito rin ay hindi maipagmalaki nila dahil sila ay naniwala na ito ay hindi isang regalo ngunit isang sumpa na hindi maiiwasan.

Si Davis Ketchers ay isang tanyag na manunulat at sa parehong oras, siya rin ay isang artista. Subalit siya ay huminto na sa pagguhit. Ang kanyang asawa naman na si Serah ay isang napakagaling na artista kaya siya ay ang tagaguhit sa mga pangyayari at mga tauhan ng kwento ng kanyang asawa.

Sila ay mahilig sa mitolohiya lalo na sa mitolohiyang Greyigo sapagkat sila ay nakarinig ng maraming kwento sa kanilang mga ninuno tungkol sa mga diyos at diyosa, at sa mga matatapang na bayani. Ito ang kanilang naging inspirasyon.

Isang araw nang natapos na ang libro, ang orihinal na kopya ay ginawang espesyal ng mag-asawa. Ang pabalat nito ay ginawang yari sa ginto at ito ay may nakakanais na kandado na ang makabubukas lamang nito ay ang susi na ginawa para sa kanila. Ang bawa't miyembro ng pamilya ay may susi, at ito ay nakasabit lamang sa kanilang kwentas na palaging sinusuot.

Minsan hindi maunawaan ng kanilang mga anak kung bakit talagang lagyan ng pang-asa ang mga orihinal na libro. Dahil dito, naging usyoso sila kahit sa dalawang mga bagets na sina Lois at Dean.

Hanggang sa isang gabi...

"Mommy!"

Ang malakas na iyak ng isang batang babae ang sumira sa katahimikan ng gabi. "Mommy!" Siya ay sumigaw ulit habang umiiyak ng todo-todo, at sumunod naman ang isang batang lalaki na pati rin sumisigaw ng tulong.

Dahil sa ingay, nakagising si Davis at Serah, at sila ay nagmamadaling tumakbo patungo sa kuwarto ng dalawang bata. "Nandiyan na ako, mga anak!" si Serah ay tumugon na sumisigaw habang nag-alala kung ano ang nanyayari sa kanila. "Sandra? Mike?" kanyang tinawag ang mga pangalan.

"MOMMY!" ang iyak ng dalawang bata.

Ang kanilang iyak ay nakakanerbiyoso at ito ay walang hinto kaya ang nakatatandang kapatid naman ay nakagising. "Ano bang ingay nayon?" tanong ni Lois na nagyayamot.

Ang Huling Susi ng Gintong LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon