The letter – Eos' letter – did well to me, I guess. Ang akala ko lang ay sakit lang ang hatid niyon sa akin pero habang tumatagal ay napapansin kong nagiging malaya ako. I realized that I don't have to be stuck in his memories anymore, that somehow, he wanted be happy and he wanted me to move on with my life.
Isa na lang siyang distant memory sa ngayon and he will stay that way for a very long time. Isa na lang siyang magandang alaala. Iyong sa Greece, iyong sa prom – lahat ng masasaya, iyon na lang ang tatandaan ko.
"So, why are we shopping again?" I was with Perseus that morning. We were in the mall at ibinibili ko ng damit si Mama, si Papa at pati na rin siya. Gusto ko lang na magmukhang tao si Perseus even once in a while lang tapos si Papa siyempre, given na gwapo na ang Papa ko, mas gagwapo pa siya dahil sa mga suits na ito.
"Because you need to look like you're worth something." Mataray na sagot ko. Napakamot lang siya ng ulo. I saw him made a face kaya sinapak ko siya nang pabiro. Hindi naman ako pinapatulan ni Perce, mas matanda kasi ako sa kanya. Isa pa, love niya ako. Si Kuya Apollo lang naman ang masama ang ugali at pinapatulan ako kapag inaaway ko siya. Kuya Achilles was always the patient one, si Apollo, siya ang mortal kong kaaway.
Matapos kong maibili ng shoes si Percy ay nag-aya na akong umuwi. Dumaan muna kami sa flower shop para ibili si Mama ng yellow roses. Gusto niya kasi iyon.
I kinda felt sad dahil habang tumatagal, Mama's condition was getting worse. Ang sabi ng doctor niya sa aming magkakapatid ay magpa-test na rin kami dahil hereditary ang Alzheimer's. Mama got it from Mamita Alexis. Iyong nag-iisang kapatid ni Lola Mama Apollo. It was sad because sometimes, Mama would wake up and she wouldn't recognize anyone.
May times na hinahanap niya si Lola Mama and Papa would have to break her heart. Kailangan niya kasing sabihin na wala na si Lola Apollo and Mama, iiyak lang siya maghapon. Sasabihin niya na hindi man lang daw siya nagkaroon ng pagkakataon para makausap sa huling pagkakataon ang pinakamamahal niyang Mama.
Palagi tuloy akong nalulungkot at palagi kong naiisip iyong mga sinabi ko noon kay Mama nang malaman ko kung anong ginawa niya kay Eos. Hindi ko iyon dapat sinabi at ginawa. She gave everything to me. I have to be thankful to her. Kaya nangako ako sa sarili ko na aalagaan ko siya.
"Percy, Haley and Theo are pretty serious about their relationship. I hope you accept the fact that she's happy now."
"I will never accept that fact, Tia." Mariing wika niya. Nasuntok niya pa ang manibela. "Haley and I are made to be together. Mag-boyfriend pa lang naman sila."
"Fiancé na."
"Whatever. Eleithiya. Ang manok mas madaling hulihin kapag tali na." Ngumisi siya sa akin. Sa inis ko ay binatukan ko siya.
"Umayos ka!"
Lunch time nang makarating kami sa mansion ni Hera Vejar. Si Percy ang nagdala ng mga gamit na pinamili ko. Ang bitbit ko lang naman ay iyong roses ni Mama. Mabilis akong naglakad para makapasok sa bahay kasi excited akong ibigay sa kanya ito. I wanna surprise her but ako ang na-surprise dahil pagpasok ko ng sala ay naroon si Lenos Demitri at kausap niya ang Mama ko.
They were even laughing at something. Napansin kong may tinitingnan silang album. Kinabahan na kaagad ako.
"Ma!" Napahiyaw ako. My eyes were on the album. Pink iyon tapos may maliit na crown sa itaas. Akin iyon.
"Tia, nandito ka na pala. Nandito si Eos, kanina ka pa niya hinihintay." Napaawang ang mga labi ko. I smiled. "Iiwan ko na kayo at hinihintay ako ng Papa mo sa entertainment room. Ikaw nang bahala sa prinsesa ko, Eos ha."