Two peas in a pod

49.3K 1.7K 438
                                    

           

"Is Haley asleep?"

The maid looked at me as she puts down the warm cup of green tea in the coffee table in front of me. I was reading a book while waiting for Helios to come home that night. Palaging ganoon ang ginagawa ko. Hinihintay ko siya habang nagbabasa. It calms me down. Lalo na sa panahon ngayon na may banta sa buhay niya. But  know he's gonna come home to me like what he had promised me the day we finally decided to be together.

"Yes, Ma'am. Kararating niya lang po kanina. Mukhang pagod po ang bunso."

"Hayaan mo na." Ngumiti ako. "Bukas pakipagluto siya ng tocilog. She'd like that."

"Sige po, Ma'am. Babalik na ako sa kusina."

"Magpahinga ka na. Ako na lang ang maghihintay kay Helios."

I sat on the couch in the living room, reading while sipping the tea. I was also looking at the clock. Eleven na, mukhang napasarap ang kwentuhan nila ni Yto. I am really glad that Yto had learned to be kind to my husband. Naalala ko noon na si Yto ang kauna-unahang tumutuligsa sa pagsasama naming ni Helios and now they're together – they're like brothers. Kahit si Yvo at si Yllak ay mukhang napatawad na rin ang asawa ko.

Si Tatay lang talaga ang hindi nasuyo ni Helios noon.

At exactly eleven forty-five in the evening, bumukas ang pinto ng bahay at mula roon ay pumasok ang asawa ko. He was still the same good looking man I once knew, oo, nagka-edad kaming dalawa, but he's still the same.

"Hey, love!" He greeted me. He sat beside me and rested his head on my shoulder. Ibinaba ko ang librong binabasa ko.

"Ang tagal mo naman. Nakatulog na ang bunso mo. Si Heath umuwi na rin sa bahay niya. Saa ba kayo nagpunta ni Sungit?"

"Sa Sports bar lang."

Nalukot ang ilong ko.

"Nakainom ka. Marami ba?"

"Yeah."

"And you drive?!"

"Nah, love. I hired a cab. Yto took home my car. Mas kaunti ang nainom niya."

"Helios! I told you, masama iyong panay inom! May edad ka na! Kamusta naman ang atay mo!"

"Love, minsan lang naman ito."

"Kahit na. Maligo ka bago tayo matulog. I hate your smell when your drunk."

He nuzzled my neck and kissed my lips. I made a face dahil nalasahan ko pa iyong alak sa bibig niya. Hinatak niya ako para tumayo at umakyat na sa silid naming dalawa. He went straight to the bathroom, ako naman ay pumasok sa walk in closet at inayos ang mga gamit niya.

"Nakauwi na ba si Yto?" I asked him.

"I don't know, Love. Hindi pa siya tumatawag sa'yo? Baka naman tulog na sila ni Nikita."

Helios went out of the bathroom wearing only his silk robes. Ibinigay ko sa kanya ang damit na isusuot niya. We wear matching pajamas. Wala lang. I think it's cute.

Tinuyo ko pa ang buhok niya matapos iyon at sabay kaming humiga sa kama. I like his smell now kaya nagsumiksik ako sa dibdib niya.

"Love you love." Sabi pa niya. I was about to doze off when Helios' phone rang. Nagtaka ako.

"Is that work? Gabi na ha! H'wag mo nang sagutin."

"No, it's Leighton." Wika niya pa. Tumango na lang ako at pinanood siyang sagutin ang tawag ni Yna.

Secrets Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon