Last

51K 2.1K 718
                                    

           

"Nandyan na si Nanay, Yto! Dali!"

Umiyak si Yto dahil hinatak ko siya tapos nalaglag siya sa hagdanan. Ang bagal naman kasi niyang maglakad, nandoon na si Nanay at alam kong para sa amin ang dala niyang cotton candy.

"Yzang! Nasaktan ang kapatid mo!"

Tumingin ako kay Yto. Umiiyak siya pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko.

"Sorry, Yto!" Bibitawan ko ang kamay niya pero humigpit lalo ang hawak niya.

"H'wag mo akong bibitawan, Yza!"

Hindi ko siya binitiwan. Maraming beses na dapat niya akong binitiwan pero lalo lang niya akong niyayakap. Hindi siya sumuko. Hawak niya ang kamay ko kahit na saan siya magpunta, anuman ang mangyari, umuuwi siya. Yto will always be my best friend.

"Totoo bang si Tatay ay si Sir Sancho?"

Lumabi ako dahil alam ko iyong tono ni Yto. Seven years old pa lang siya pero napakasungit niya talaga!

"Oo. Sabi din noong Lola niya. May NBI test pa nga eh!"

Kumunot ang noo ni Yto.

"Anong NBI Test? DFA test iyon! Iyong kukuhanan ng buhok tapos ibibigay sa pulis tapos pagbalik may sulat nakalagay kung positive o negative."

Napalabi ako. "Anong mangyayari kapag positive?"

"Eh doon sa tv, umiyak si Amor Powers eh. Baka iiyak din si Sir Sacho."

"Iiyak ka din ba?" Tanong ko.

"Ewan. Hindi ko alam. Basta love ko si Nanay." Hinawakan ni Yto ang kamay ko. "At siyempre love din naman kita. Wala naman kasi akong ibang choice."

"Inaaway mo ako. Hmp!" Naghalukipkip ako. Nakaupo kami ni Yto sa hagdanan ng bahay sa likod ng mansion kung saan nakatira si Tatay Sancho.

Iyak ako nang iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Buong buhay ko kasama ko si Yto  - mula sa unang pag-iyak hanggang sa unang pagmulat ng mga mata ko, sa unang paglakad nang magkahawak ang kamay. He was there in all my first day of schools. He fights the monsters underneath my bed. Niyayakap niya ako sa bawat kulog at kidlat na kinatatakutan ko. Ngayon... ano nang mangyayari ngayon?

"Anong sasabihin mo?"

Sinundo ako ni Yto noon sa bahay. Iniwan namin si Zach doon kaya siya na ang tumulong kay Nanay na magluto ng fruit cake ni Tatay. Yto took me to the park – sa loob din ng village. Naupo kami doon sa paborito naming swing. He was grinning like hell. Kamukha niya si Tatay ngayon.

"Hoy! Ano ba?"

"Dala mo ba iyong sandok mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi! Ano ka naman! Araw-araw dala ko?"

Tumawa siya. May kinuha siya mula sa bulsa ng pantalon niya. Ipinakita niya iyon sa akin. Isang kulay pink na velvet box na may tatak na Tiffany & Co.

Binuksan niya iyon.

"Oh my..."

"I'm gonna ask Nikita to marry me. Lilipad ako ng Paris mamayang gabi para sa fashion show niya. I'm gonna marry the love of my life, Yzang Kulet."

Napaluha ako. Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko. He wiped my tears.

"You're always be my number one girl, Yza. We're twins and nothing ever gonna change that bond."

Secrets Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon