Good as new

55.8K 2.2K 850
                                    

           

"What are you doing here?"

Yoyo hissed at me. Ngayon lang nangyari na pumasok ako sa kwarto niya tapos nagising siya. Napabuntong-hininga ako. I climbed to his bed and lay beside him. Hinatak ko rin iyong kumot niya at iyong unan niyang kulay blue.

"Hey!"

"Doon ka matulog sa kwarto ko. Andoon si Mommy. She creeps me out."

"She's your mother."

"I know. Hut she creeps me out. Ayokong inaalagaan niya ako eh. Okay naman ako. Hinipuan lang ako pero hindi naman ako mamamatay." Umismid ako sabay pikit. Narinig kong nagbuntong-hininga si Kuya Yohan.

"Stand up. Tumayo ka diyan o bubuhatin kita papunta doon!"

Inis na bumangon ko at lumabas ng silid niya. Dumiretso na lang ako sa kusina kung saan nakita ko si Daddy na pinaiinom ng gatas si Yuna.

"Bakit gising ka pa? Nasaan ang mommy mo?"

"Dad, doon ka na lang matulog sa kama ko, nandoon naman si Mommy ako na lang sa master's bedroom." Sabi ko pa. Napapangiti ako. Umiling si Daddy. Humarap si Daddy kay Yuna at nag-sign language siya para utusan iyong bunso naming na umakyat sa taas at puntahan si Mommy sa kwarto. Yuna nodded and hugged Daddy. She looked at me and signed that she loves me and I love her too – as I told her.

"Yana, come here." I rolled my eyes. Kumunot naman ang noo ni Daddy.

"You have to be kind to Alyza Mae."

"I am kind, Daddy. I love her kaya nga iniiwasan ko siya kasi kapag nakikita niya ako nasasaktan siya."

Daddy shook his head.

"Hanggang noong six years old ka nagbe-breastfeed ka sa Mommy mo, alam mo ba iyon? Anak na namin si Yuan noon pero nakikiagaw ka sa gatas at kahit hirap si Mommy mo, pinagbibigyan ka niya kasi mahal ka niya."

"So?"

"Yana, naiinis na ako. Baka umigkas iyong kamay ko sa pisngi mo."

"Sorry po, Daddy... Eh kasi naman..." Napapadyak ako. "Kapag lumalapit ako sa kanya para bang iiyak siya. Tinitingnan niya ako na para bang naaawa siya sa akin. I need her love not her pitty tapos narinig ko si Mama Hya noon na sinabi daw ni Mommy na gusto niya akong ipalaglag. Kaya naisip ko lalo na ayaw niya sa akin,"

"H'wag kang nakikinig sa Mama Hya mo. Alam mo namang baliw iyon. You're mother loves you. Ako iyong may kasalanan kung bakit naisip niya iyon. Sa akin ka magalit, h'wag kay Alyza. Ako rin ang may kasalanan kung bakit may ADHD ka."

Tumaas ang kilay ko. "Daddy, alam kong mahal mo si Mommy pero hindi mo kasalanan iyong ADHD ko. Hindi mo ba napansin? Mula sa'yo hanggang kay Tita Ikeng lahat kayo may ADHD. Hindi lang na-diagnose eh. H'wag ka nang magdrama Daddy... tabihan mo na si Mommy doon. Kay Yuan na lang ako matutulog. Night, Daddy." Hinalikan ko siya sa pisngi at umakyat na sa kwarto nila sa itaas. Pero habang naglalakad ako ay nakita ko si Mommy na nakatayo sa may pintuan ng silid ko at nakatingin sa akin. Napilitan tuloy akong lumapit sa kanya.

"Bakit gising ka?" Tanong ko.

"Anak, I said that because I was afraid of what might happen to you. Nabuo ka noong hindi kami okay ng Daddy mo. Dumating ka nang maraming takot sa puso ko. I never wanted you gone. I would never do that to you. I love you very much. I love you much that my heart aches every time you distance yourself. Kasi dapat ako ang best friend mo..."

Secrets Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon