"Makipag-usap ka sa Mommy mo, Yana. Sa kanya ka magpaalam and let me know what she says, okay?"
Hindi ko napigilang sumimangot sa harapan ni Daddy matapos niyang sabihin sa akin ang sagot niya,. May outing kasi kami sa school at sasama lahat ng classmates ko and I really want to go there dahil iyon lang iyong moment na pakiramdam ko normal na classmate ang tingin nila sa akin at hindi iyong may ADHD or something.
Buti na nga lang at hindi niya nakita ang pagsimangot ko kundi sa gae kong seventeen, mapapalo na naman ako. Umalis na ako sa office niya at umakyat na lang sa room ko. I opted to do my assignments to take my mind of everything.
Hindi na lang ako pupunta sa outing. Hindi naman ako papayagan ni Mommy kasi ayaw niya akong maging masaya. Wala naman kasi siyang tiwala sa akin. Para sa kanya, I'm an accident waiting to happen. Hindi ko talaga makalimutan iyong mga reaction niya noong nasa Junior High pa lang ako at panay siyang napapatawag sa school. She would look at me with so much disappointment in her eyes. She woul shook her head and instead of talking to me, she walks away and she never want to talk about whatever happened.
Kung sabagay, the woman wanted me gone the moment she found out that she was pregnant with me. What shall I expect?
"Hey! Sinong na-miss mo?!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Kuya Yoyo. He's here! Akala ko bukas pa ang balik niya galing sa Greece. Iyon kasi ang regalo sa kanya ni Dydy. Trip to Greece. Sumasama nga ako pero ayaw akong payagan. Halos two months siya sa Greece. Nagputa rin siya sa Paris at kung saan pa.
"Nagkita kayo ni Malena?!" Iyon agad ang sigaw ko sa kanya. Natawa si Kuya.
"Europe's very big. I didn't see her. How are you, Yanabee?" Ngumuso ako.
"H'wag mo akong tawaging Yanabee, hindi na kaya ako mataba. Saka si Tita Ikeng lang tumatawag sa akin ng ganoon." Bumalik akong muli sa kama at ipinagpatuloy ang paggawa ng assignments ko. I saw kuya shaking his head. Naupo na rin siya sa tabi ko. Kinuha niya iyong sinasagutan ko tapos ang sumunod pati na rin iyong ballpen ko. He ended up doing all my assignments. Matalino si Kuya Yohan. Cum Laude nga siya diba.
"Anong pasalubong ko?" Tanong ko pa.
"Oo nga pala. Naiwan ko yata sa bagahe ni Alester. Mamaya baka dalhin dito. Tinawagan ko kanina kasi sabi ni My dito na daw siya mag-dinner."
"Hindi na ba siya aalis?" I asked him. Kuya looked at me.
"Bakit, crush mo ba si Lester?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi oy! Nami-miss ko kasi iyong Mommy niya. Bigla na lang kasi silang umalis dati. Eh diba naging catatonic iyong mommy niya? Kinakantahan ko iyon eh."
"Okay na si Tita ngayon. Okay na rin iyong parents niya."
"Diba nanonood kayo ng bold noon dati?" Namula ang mukha ni Kuya.
"Manahimik ka nga!"
"Diba naging girlfriend niya si Lena? Nag-sex ba sila? Dapat alam mo iyon diba friends kayo? Kasi na-observe ko sa mga classmate kong lalaki na panay silang nagkukwentuhan abou sa girls na nipa-fuck nila."
"Yana! Anong nipa-fuck. Umayos ka nga! Dapat talaga sa private school ka talaa nag-aral."
"Ayoko. Mas matindi mam-bully iyong mga nasa private school kays sa public. Naniniwala kasi ang mga tao na mas matigas ang ulo ng public school kaysa sa private eh hello, mas matigas ang ulo ng mga taga-private kasi mayaman sila at akala nila kaya nilang gawin ang lahat parang ano... ay! Parang iyong iba nating uncle at aunties!" Napahagikgik ako. Umiling lang naman si Kuya Yoyo at ipinagpatuloy ang assignment ko. Nahiga ako sa tabi niya hanggang sa makatulog ako. Nagising lang ako nang tawagin ako ni Yaya Tansing dahil kakain na daw.