C#7

814 24 0
                                    


*****

Youme POV

nakaalis na si Shiny pero heto parin ako hawak hawak tung pisngi ko na hinalikan niya.

Yung pakiramdam na madaming butterflies na parang lumilipad sa tiyan ko? Waaah! Anong nangyayari sakin?!

Kailan pa ako nag karoon ng ganitong nararamdaman para sa isang babae? Hayzz!

"Oh anak kanina kapa ba nandyan? Pumasok kana." Natauhan ako ng magsalita si mama. Kanina pa pala ako nandito pagabi narin pala -.-'

"Opo ma."

Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako agad para magpahinga. Dis oras narin ng gabi ng maalimpungatan ako. Lumabas ako ng kwarto para kumuha sana ng maiinom.

Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ko si papa na nasa kaharapan ng paborito niyang painting.

Rinig kong may sinasabi siya pero hindi maintindihan.

"Pa? Bakit gising pa kayo?"
Tila naman nagulat siya.

"Anak... Ikaw bakit gising kapa." Siya. Pero bakit parang nagpupunas siya ng luha? Umiyak ba siya?

"Pa umiiyak kaba?" Tanong ko ulit, ngumiti naman siya at umiling..

Inaabot niya sakin ang kamay niya kaya inabot ko naman.

"Anak, alam mo ba si Nyx hindi siya nagpapa kontrata kahit kanino. Hindi siya nagpapatali sa mga contractors, madaming gustong kumuha at gumapi sa kanya pero ni isa walang nagtagumpay."
Papa. Oh ganun?

"Contrata? Parang sa mga spirits na nakikipag contrata sa pamamagitan ng pentagram?" Tanong ko.

"Parang ganun anak, pero yung iba ang pinag ko kontratahan nila ay yung mga malulungkot, nababalot ng galit, puot, at malapit na masunog ang kaluluwa, ganun ang iba dahil gusto nila makain ang kaluluwa ng mga ito."

"Yung mga spirits na masasama po?"

Ngumiti lang si papa sakin na ikinapag taka ko.

"Matulog kana nak, punta na akong kwarto ha? Hinihintay nako ng mama mo." Papa. Kaya yun umakyat na sya.

Hanggang sa nakabalik na ako ng kwarto ko iniisip ko parin si papa, bat kaya siya umiiyak? Hmm nagkibit balikat nalang ako at natulog na.

-

Sa kalagitnaan ng gabi. Sa pag atungal ng mga pilat na palaka. Sa paghuni ng mga liglig at iba't ibang insekto sa gabi. Sa mga hindi rin pangkaraniwang pag ungol ng mga aso.

May gumagalang hindi pang karaniwang nilalang sa kalsada.

Naghahanap ng ma ko kontrata o host o ang pwedeng maging katawang bahay niya. Ang nilalang na ito ay may kakayahan at talagang malakas dahil nagawa niyang makalabas sa Abyss kahit na wala pa itong contractor.

Ang Abyss ay mai hahalintulad sa impyerno. Isa itong napakalalim at malawak na kadiliman na ang laman ay mga nilalang na nakikipag kontrata at kumakain ng mga kaluluwa. Dito ang tirahan ng mga ibang dark gods and goddesses, spirits, monsters at iba pang may kaugnayan sa kasamaan.
Ang Abyss din ay humihigop ng mga kaluluwa ng taong naisanla at hindi natubos.

Lumalakas ng lumalakas ang atungal at pag ungol ng mga palaka at aso. Mga yabag na nararamdaman ng mga hindi rin pangkaraniwang tao. Yabag na walang bakas. Yabag na hndi naririnig ng mga mortal.

Sa isang banda, sa isang bahay na maliit ang tungo ng mga yabag na iyon. Sa isang bahay na may nakahimlay sa burol. Walang katao tao ang bahay dahil kalagitnaan narin ng gabi, tanging ang nagmamahal lang dito ang gising, tumatangis at humihingi ng hustisya.

Hindi niya pansin ang nilalang na ngayo'y nasa likuran na niya. Nakangisi at inaamoy ang halimuyak ng kanyang kaluluwa. Kaluluwang nababalot ng galit at pagkasuklam sa mga tao.

"Napakabango, napakabango ng kaluluwa mo." Sa pagsasalita ng nilalang ay naramdaman iyon ng lalaking tumatangis, bigla siyang nangilabot at nagtaasan lahat ng balahibo niya lumingon lingon siya sa paligid bagaman hindi niya kita ang nilalang na umaamoy ng kaluluwa niya. Ang nilalang na galing Abyss.

"Gusto mo bang maipag higanti ang minamahal mo?" tanong ng nilalang,

Nagulat ang lalaki sa narinig, oo narinig niya ang boses nito, boses na parang galing sa ikailaliman pa ng lupa, boses na nanunuot hanggang laman at buto.

"Sino ka?!" Lukot ang mukhang tanong naman ng lalaki, hindi man halata pero nanginginig na siya sa takot.

"Ako ang pag asa mo hahahaha!" Simpleng sagot ng boses at tumawa pa ito na ikinatindi ng kilabot ng lalaki.

"Magpakita ka!" Lakas loob na sambit ng lalaki at sa isang iglap nasa harapan niya ang nilalang na kahindik hindik ang itsura na nakatingin sa kanya.

Napatulala ang lalaki, napanganga. Hindi makapaniwala sa nakikita.

"De- de- dem- demonyo!!!!"

At yun na nga lang ang tanging nasabi ng lalaki,
Napalaki nalang ang kanyang mata ng makita na duguan na ang kamay ng nilalang na tinawag niyang demonyo at dun sa palad niya'y nakapatong ang isang sariwang puso na tumitibok pa.

Napakabilis ni hindi niya nakitang gumalaw ito.

"Saakin kana, hahaha!" At tuluyan ng hinigop ng nilalang ang kaluluwa ng kaawa awang lalaki.

Nagdulot iyon ng dagdag na kapangyarihan at enerhiya sa kanya.

"Kulang pa. Gagamitin ko ang katawan mo para makahanap pa ng iba at para mahanap sila. Silang nagpakulong saakin sa Abyss." Nag ngitngit sa galit ang nilalang habang inaalala ako ang mukha ng taong nagpakulong sa kanya noon sa Abyss.

Unti-unti pumasok ang nilalang sa sugat ng lalaking nakabulagta na ngayon sa sahig at duguan.

Nang tuluyan ng nakapasok ay unti-unti itong tumatayo, unti-unti ring nalilinis ang kanyang katawan, naghilom ang sugat at napalitan ng kasuotan.

"Hahahahahaha! Wahahahaha! Humanda ka na, titirisin kita ng pinong pino at itatapon ko sa Abyss ang kaluluwa mo. Gusto kong maranasan mo ang naranasan ko sa loob mas matindi pa hahahahaha!"

Halakhak ng nilalang na boses na ng lalaki dahil ginamit niya ito bilang host.

Nakita niya ang makahimlay sa kabaong.

Gumuhit siya ng mga simbolo dito. Ilang sandali pa ay bumukas ang mata ng nakahimlay, lumabas ito sa kabaong at tumayo.

"Mag parami ka at maghasik ng lagim sa lupaing ito."

Yan ang huling salita ng lalaki at tuluyang naglaho na parang bula.

-

Sa kabilang dako ay nahuli ng dating ang isang lalaki, nakasuot ito ng maskara at maliksi kumilos.
Nakarating siya kung saan may nakaburol knina na muling nabuhay ngunit huli na. Wala na siyang naabutan. Isa sya sa nakaramdaman ng prisensya ng nilalang na kumakain ng kaluluwa na galing pa sa ikailaliman ng Abyss.

Nangunot ang noo nito ng mapako ang tingin sa kabaong at nabasa ang mga simbolo na nakasulat na tanging mga hindi rin ordinaryong nilalang lang ang makakakita.

"To Abyss You Go"

****

Vote?
Comment?
Please.. :-)

HalfbloodyMoon

A Princess Loving A Princess [Extraordinary GxG Paranormal Story] *SPG*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon