Hey guys !
Kindly follow my FACEBOOK PAGE
Halfbloodymoon - watty stories
And if you want ,you may also add me on my facebook account.
Moonshine Estela Duldulao Balot---
A Princess loving a Princess
Chapter 15
--
Youme POV"Alam mo ba Shiny may trabaho na ako!"
Masiglang sabi ko kay Shiny, siya naman nangunot ang makinis niyang noo. Cute ^___^"Bakit ka magtra trabaho pano studies mo?"
Siya with concern tone."Kaya ko naman saka hindi naman mahirap ang work ko, kasambahay ako sa isang mansyon. Ang gara ng bahay ang laki kaso mag-isa lang ng amo namin ang naninirahan dun, diba ang lungkot ng buhay niya puro katulong ang kasama niya."
Ako na nalungkot bigla na maalala na ni isang pamilya wala siya.Wala namang imik tung kasama ko kaya tinuloy ko nalang ang kwento.
"Lumipat ako doon nung isang araw pa pero hindi ko pa nakikita yung amo namin, sabi ni tita maganda daw kasing edad ko lang at mabait! Hihihi mabait daw siya!"
Huminga ako saglit.
"Sana nga makita ko na siya mamaya para maipagluto ko siya, kahit sabi ni tita na hindi siya kumakain ng umaga magluluto parin ako pipilitin ko siya kumain haha! Diba ang feeling close ko?"
Tila ba nabato ako sa kinauupuan ko ng hawakan niya ang kamay ko. Sh*t! Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Nilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan ang likod nito na nagbigay naman ng milyong milyong butterfly na nagliliparan sa tiyan ko.
May sinabi siya pero hindi ko naintindihan dahil pabulong lng ito.
"Ha? Ano yun?"
Hindi naman niya inulit pa, ngumiti nalang siya sakin at hindi na nagsalita.
NATAPOS ang buong araw na ang saya saya ko. Dahil sa wakas okay na kami ni Shiny. Hindi naman na niya nababanggit yung mga bagay na hindi na dapat banggitin. Wala rin naman awkward moment samin.
Nakasakay ako ngayon dito sa kotse niya dahil gusto daw niya akong ihatid. Ayoko sana pero nag insist siya eh along the way daw.
"Dito nalang Shiny sa tabi." Kako nung nasa harapan na kami ng gate pero ang pinagtaka ko hindi niya tinabi kundi bumusina siya kaya nagbukas ang magarang gate.
"Oyy halla huwag mo ng ipasok nakakahiya." Pagpipigil ko pero too late na naipasok na niya sa garahe ang kotse. Nahihiya akong tumingin sa kanya kasi naman nakakahiya. Hinatid niya talaga ako hanggang dito eh pwede naman sa labas lang.
"Ako na Youmeng" siya nang tangkahin ko na buksan ang pintuan ng kotse. Pro protesta pa sana ako kaso nakita ko yung ngiti niya na nakapagbigay sakin ng kilabot sa batok. Grabe.. ang lakas ngiti palang yan ah.
Pagkababa ko nagpasalamat na ako sa kanya at ready na pumasok sa loob ng bahay kaso nakasunod pa siya. Ano ba problema ngayon ni Shiny bakit di pa siya umuwi? Gusto pa ata niyang ihatid ako hanggang sa kwarto. Pero parang gusto ko yun hihihi!
"Saan ka pupunta Shiny? Bakit di kapa umuuwi?"
Tanong ko sa kanya bago pindutin ang doorbell."Ah sa loob?" Patanong din namang sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Siya naman nakangisi lang na nagpa cool sa kanya.
"Hindi mo na ako kailangan ihatid pa Shiny baka kasi nandyan yung amo-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bumukas na ang pinto at niluwal nun si Tita Pacita.
BINABASA MO ANG
A Princess Loving A Princess [Extraordinary GxG Paranormal Story] *SPG*
FantasíaThis story is RANDOM. It contains ROMANCE, FICTION, VAMPIRE, WEREWOLF, FANTASY and PARANORMAL STORY. ~~ I have only ONE QUESTION FOR YOU. IS IT POSSIBLE TO HAVE TWO QUEENS IN ONE KINGDOM? **** Originally created by: HalfbloodyMoon