"A Princess loving a Princess"
Chapter 8
Youme POV
habang nasa byahe kami ni Shiny, ay may madadaanan kaming kumpol ng mga tao sa tabi ng isang bahay na may parang nakaburol. Hmm o kaya nangyari?
Pansin ko namang tumalim ang mga tingin niya at nangunot ang noo pero hindi siya lumingon.
Ako nman dahil sadyang chismosa ako binuksan ko ang bintana ng kotse para sana mas makita kong maigi pero....
"Yuck! Ang baho *cough cough*"
Sinara ko agad agad ang bintana dahil sobrang baho! Amoy parang patay na daga at ipot ng hayop at tao na ewan."Oh ano nangyari sayo?" Sabi ng katabi ko. Pinarada naman niya ang kotse sa tabi ng daan saka hinaplos haplos ang likod ko. Ako naman ubo lang ng ubo.
"Ang baho Shiny! Ang baho baho! Parang patay na daga at ipot naghalo halo! Yuck!" Ako. With ubo ubo pa yan kasi ang baho talaga hindi ko keri!
Nagtaka naman ako sa ekspresyon ni Shiny dahil nagulat siya, medyo lumaki ang mga mata niya at nakatitig lang saakin. Hmm problema kaya nito ? -.-
"Problema mo? Para ka nakakita ng multo?"
Kako ng mahimas masan.Nag iwas naman siya ng tingin.
"Okay kana ba? Kung ano ano kasi naaamoy mo eh baka naman bunganga mo lang." Siya sabay tawa.
Nang aasar nanaman siya! Kainis..
"Cheeeee! Nag toothbrush ako no at nag mouth wash pa nga!"
Inirapan ko nga siya tapos siya tumatawa lang. Hmmp!
--
Naglalakad lakad lang ang isang lalaki, nagpapahangin, nagiisip kung ano pa ang gagawin nang may isang babae na bigla nalang lumitaw sa harapan niya.
Gulat. Yan lang ang makikita mo sa mukha ng lalaki. Di nagtagal ang gulat ay napalitan ng lungkot at saya.
"I really love the smell of this flower."
Panimula ng babae habang inaamoy amoy pa ang isang bulaklak na kumikinang sa kanyang kamay.
She has a sparkling eyes, ang mata niya'y hindi mo maihahalintulad kanino man, matang siya lang ang nagmamay-ari.Hindi alam ng lalaki ang kanyang mararamdaman. Masaya siya? Oo sobrang saya ang nararamdaman niya ng mga oras na to. Parang lumulundag ang puso niyang hindi niya maintindihan. Nalulungkot siya? Oo dahil naalala niya ang mga huling tagpo nila ng kaharap niya.
"You've aged." Sabi ulit ng babae ng di tinitignan ang lalaki.
"You. You haven't change." Sabi naman ng lalaki habang titig sa mata ng kaharap.
Tumawa lang naman ng mahina ang babae.
"So as you, you haven't changed you're still Atropos."
--
Youme POV
Hay…. I love you sabado!!!
Nag inat inat ako ng kamay, alas 8 na pala napahaba ang tulog ko.Alam niyo ba gustong gusto ko kinakain pag sabado? ...
Fried chicken ng Jollibee hihihi..
Yumyum ^.^
Tumunog yung cellphone ko kaya naman napalingon ako, may nag text pala kaya
kinuha ko ito at binasa.Msg from : 0926*******
'Let's go out.'
Huh? Sino kaya to. Unknown.
Nag reply naman ako ng...
'Who you?'
Then sent...
Ilang sandali pa'y nag reply na siya ulit.
'Youmeng get ready, I'll pick you up at 10AM.'
Basa ko sa message niya.
Youmeng? Isa lang tumatawag sakin nito, si Shiny.
Napangiti naman ako ng malapad. Kagigising ko palang pero buo na araw ko.
Biglang pakiramdam ko na excite ako at lumundag ang puso ko. Hindi ko man maintindihan Ang nararamdam ko nagkibit balikat nalang ako at naligo na.Nagsoot lang ako ng skinny jeans, hoody shirt at flat shoes. Mahilig talaga ako nag susuot ng mga hoody type na damit or jacket.
9:50 na kaya bumaba na ako, sakto naman na nasa salas si papa.
"Oh nak saan ka pupunta?" Papa.
"May lakad lang ako pa." Sagot ko.
"Lakad? Sino naman kasama mo? Baka naman may boyfriend na tong unica ko ha?" Papa na mapang asar.
"Pa naman wala pa ho, si Shiny po susunduin ako mamaya lang konti."
"Hmm sino naman yanv kaibigan mo na yan ha? Anong pamilya ba siya?" Tanong ulit ni papa.
Sasagutin ko na sana pero naputol ang sasabihin ko dahil may nag busina sa labas.
"Ay pa nandyan na siya, alis na ako babye." Ako sabay halik sa pisngi ni papa.
"Ingat ka anak." Pahabol niya.
Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko agad si Shiny palabas ng kotse, umikot siya para buksan ang pintuan ng shotgun seat. Hmm ganyan talaga siya lagi ^,^ alam kong mali pero kinikilig ako pag ganyan siya.
Napatitig naman ako sa kanya, naka skinny jeans din siya, naka high cut shoes at... Naka hoody shirt?
Naka hoody shirt din siya kayalang kulay dilaw sakin siya naman kulay lila."Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami dito sa loob ng kotse.
Hindi niya ako sinagot bagkus bigla siyang lumapit sakin, kinabahan ako.
Ang lapit lapit na ng mukha namin sa isa't isa ilang sentimetro nalang at mahahalikan na niya ako, napalunok ako, yung feeling na kinakabahan na parang nagpapawis na ako dito.
Hindi ko alam ang gagawin kaya't naipikit ko nalang ang mga mata ko.
Naghintay ako ng ilang segundo sa pagkakaalam kong hahalikan niya ako, pero napamulat ako ng maramdaman kong nilagay niya ang seatbelt ko.
Shocks! Bakit ko ba kasi naisip na hahalikan niya ako! Sh*t nakakahiya. Babae ako babae siya! Bat ko ba kasi nararamdaman to! Ano ba nangyayari sakin!
Napakagat ako ng labi ko, siya naman tumikhim, nag ayos at ing start na tung kotse.
"Kain tayo, saan mo gusto?" Panimula niya.
Nagpantig ang tenga ko kasi totoong gutom na ako, hindi kaya ako nag breakfast at may gusto talaga ako kainin ngayon.
"Sa Jollibee! ^__^"
***
Sino kaya ang mga darating na karakter?
Abangan ......Vote!
Comment!HalfbloodyMoon
![](https://img.wattpad.com/cover/68760629-288-k55931.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess Loving A Princess [Extraordinary GxG Paranormal Story] *SPG*
FantasyThis story is RANDOM. It contains ROMANCE, FICTION, VAMPIRE, WEREWOLF, FANTASY and PARANORMAL STORY. ~~ I have only ONE QUESTION FOR YOU. IS IT POSSIBLE TO HAVE TWO QUEENS IN ONE KINGDOM? **** Originally created by: HalfbloodyMoon