Hey guys !
Kindly follow my FACEBOOK PAGE
Halfbloodymoon - watty stories
And if you want ,you may also add me on my facebook account.
Moonshine Estela Duldulao Balot
Sabihin niyo lang na galing kayo sa Wattpad hehe.
---A Princess loving A Princess
Chapter 16
---
Mahimbing na natutulog ang dalagang si Youme sa kanyang kwarto ng may isang istranghero na pumasok mula sa bintana.
Pagka apak na pagka apak palang ng kanyang paa sa sahig ng veranda ng kwarto niya ay agad umilaw at kumislap ang mga tanim na halaman niya na nasa ibabaw ng lamesitang maliit.
"She kept it." Impit na bigkas ng istranghero.
Pinagmasdan niya ang dalagang mahimbing na natutulog.
Umihip ang malamig na hangin dahilan upang magising si Youme. Tumayo siya.
"Bakit bukas ang bintana, sinara ko naman ata to kanina ah" sabi niya sa kanyang sarili. Napailing nalang siya dahil minsan makakalimutim siya.
Ang babaeng may gintong mata naman ay nakatayo lang sa sanga ng puno pinagmamasdan ang dalaga na maisara ang kanyang bintana. At ng maisara na ito ay nawala siya na parang bula.
Si Youme naman ay pabalik na sana sa kanyang silid ngunit napatigil siya ng may makitang isang bagay na nakalapag sa kanyang munting lamesita.
Isang bagay ang nasa tabi ng halaman niya.
Isang gold rose. As in gold.
---
"Akin siya." Deklara ng babaeng kulay ginto ang kaliwang mata at kulay bahaghari naman sa kanan. A very unique and rare kind of eyes.
Humarap ang babaeng kausap niya. Na may gintong mata naman sa kanan at bahaghari sa kaliwa.
Seryoso itong tumingin sa kanya.
"Sayo siya? Eh di akin din siya." Naka ngising sagot nito. Nainis naman ang isa. Tinignan niya ito ng masama na parang kinakatay na siya sa loob loob nito.
"Stay away from her. She's mine." Ulit at may diing sabi niya.
"What are you afraid of? Afraid of losing her?" Emotionless na sabi ng babae. Bigla namang nalungkot ang kausap niya.
"Will you please stop running now? Huwag kana tumakbo pa ulit, tumigil kana at papasukin muna ako ulit, I'm your half and you're mine hindi ka mabubuo ng wala ako. Kung tinatago mo lang ako sa likod ng salamin na to. We are one." Pahabol na sabi niya kasabay ng pag kislap ng gintong mata nito.
"No we're not. You are Nyx and I am Moonshine."
Kasabay ng pagkakasabi nun ay ang pag alis niya ng tingin sa Salamin na nasa harapan niya."That's why your name is Nyx Moonshine Heartstone." Pahabol ng babaeng nasa salamin saka ito naglaho.
Sa isang banda
"Ang epidemnya ay singaw lang ng kapangyarihan niya."
Sabi ng bagong dating na babae.Napa "owh" naman ang babaeng may hawak na wand.
"Gaano na siya makapangyarihan?"
"Higit pa sa alam mo. Mas Pinalakas pa siya ng oras, pagkamuhi at galit."
"Galit at pagkamuhi sakin." Seryosong sabi ni Atropos.
"Hahanapin ko siya ng ako lang. Hindi mo na kailangan pang sumali pa dito kamahalan pati narin ikaw Zusette, ako na ang gagawa ng paraan para matapos na ito. Ako ang kailangan niya kaya ako lang dapat ang haharap sa kanya." Atropos kasabay nun ang paglaho niya sa harap ni Zusette at Moonshine.

BINABASA MO ANG
A Princess Loving A Princess [Extraordinary GxG Paranormal Story] *SPG*
FantastikThis story is RANDOM. It contains ROMANCE, FICTION, VAMPIRE, WEREWOLF, FANTASY and PARANORMAL STORY. ~~ I have only ONE QUESTION FOR YOU. IS IT POSSIBLE TO HAVE TWO QUEENS IN ONE KINGDOM? **** Originally created by: HalfbloodyMoon